CHAPTER 21 JEALOUS BLAZE?

19 0 0
                                    

SKY BLAZE POV

Nandito ako sa classroom twenty minutes nalang bago matapos ang lunch. Nakakain na ako nang lunch sa cafeteria kanina. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko si jericho at monique. Masaya silang nagkwekwentuhan. Umakyat lahat nang dugo ko sa mukha ko at kuyom ang kamao kong nakatitig sa kanila.

Teka may paraan para mahinto yan. Babawiin ko na ang deal kay jericho.

*Kring*

Tunog nang bell. Nagsipasukan na ang mga classmate ko. Maya-maya dumating na si monique at jericho. Pumunta sila sa kanilang pwesto.

"Blaze!" Hindi ko siya kinibo.

"Blaze, huy may problema ba?" Hindi ko parin siya kinibo bahala siya sa buhay niyang magtanong nang magtanong jan.

---------------------------

Natapos na ang buong maghapon na hindi ko siya pinapansin. Nandito kami ngayon sa gym. Ito raw yung plano ni zayne. Parang kasal ang set up. Partner- partner kami. Unang lalakad si zayne bilang groom at huli si jhianne bilang bride. Nagsisimula na ang surprise ni zayne.

JHIANNE POV

Hindi ko alam kung anong meron dito sa gym pero nakapila ang mga kaibigan ko may red carpet na patungo sa stage.

Isa-isa nang lumakad ang mga kaibigan ko papunta sa harap. Nauna sila white sunod sila phoenix at magkaholding hands pa sila ni asami.

Hmm, mukha may nangyayaring hindi namin alam ah.

Anyway, sumunod na naglakad sila kyle at mizzy nasa harap ko sila keira at naglakad papunt sa harap. Nagsimula na akong maglakad at nagumpisa naring tumugtog ang school band.

(Now playing: More than words by westlife)

Saying I love you is not
The words I want to hear from you
Its not that I want you not to say
But if you only new how easy it would be to show me how you feel more than words.

Malapit na ako stage at mas lalo akong kinabahan sa mga nangyayari. Nakarating ako sa stage pero nakatalikod ako sa mga kaibigan ko.

"Jhianne!" Boses ng lalaking nakakapagpatigas sa buong katawan ko. Hinarap ko ito at nakita si zayne na nakatayo sa harapan ko. May batang babaeng nagbigay mg mic kay zayne pagkatapos ay bumaba na ito at nagtungo kay monique. Hinarap ako ni zayne hinawakan niya ang isa kung kamay.

"Jhianne baby, unang pagkikita palang natin nagustuhan na agad kita. Hindi ko alam kung kailan, pagnanjan ka hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung paano kita kakausapin, paano ka iaaprouch, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo. Pag may kasama kang iba hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pag nanjaan ka, para akong praning, kinakabahan ako parang may sakit ako. Pinagpapawisan ako ng malamig pagkatabi kita. Jhianne maniwala ka MAHAL KITA. Please believe me alam kong babaero ang tingin mo sakin but please believe me iba ako magmahal. Gusto ko nang talikuran ang dating ako para sayo. Jhianne believe me I Love You." Mahabang paliwanag niya.

"I believe you naman eh." Nakayukong sambit ko.

"Promise naniniwala ka?" Ngiting tanong niya.

"Oo naniniwala na ako and also believe that 'I Love You Too'." Ngiting sabi ko.

"So, tayo na?" Galak na tanong niya.

"Yes!" Sagot ko sabay yakap niya sakin nang mahigpit.

"I Love You Jhianne!"

My Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon