Keira Monique Lee
Nandito kami ngayon sa cafeteria, nang biglang nagtatakbuhan ang mga tao sa cafeteria dahil sa koryosidad ng harang ako ng isang studyante.
"Anong nangyari, bakit kayo nagtatakbuham?!" Kunot noong tanong ko.
"May away daw sa quadrangle." Sagot niya sabay takbo ulit. Nagkatinginan kami nila asami, sabay takbo na din. Nakarating kami sa quadrangle at naabutan ang dalawang grubo na nagbubugbugan. Bumitaw ang isa at napagtanto kong si zayne yun at grupo ni duke.
"Bakit ka pa bumalik? para saktan siya ulit!" Sigaw ni zayne.
"Hindi, kinukuha ko lang kung ano ang akin!" Bulyaw ni duke.
"Wala nang sayo duke. Nung sinaktan mo siya nawala na ang lahat sayo!" Biglang bulyaw ni blaze.
"Hinding-hindi ko papayagan si monique na balikan ka!" Dagdag pa ni zayne.
"Bakit hawak mo ba ang desisyun niya at ang takbo ng isip niya?!"
"Oo dahil alam kong makikinig siya saakin."
"Gagawin ko ang lahat maibalik lang siya saakin!" Bulyaw ni duke.
"Hindi mangyayari yun. I'll fight for her till the end, I will risk my life for her." Mahinahong usal ni blaze. Biglang kumaldabog ang puso ko sa sinabi ni blaze. Ibinalik ko ang tangin kay duke kita kong biglang umusok ang ilong niya sa sinabi ni blaze. Sinugod nila ang grupo nila blaze, tama ang basa niyo grupo sila blaze kasama dito sila kieffer, white, kyle, stephen,phoenix, zayne. Dehado ang grupo nila duke dahil mas malakas ang grupo nila blaze. Halos walang tumatamang suntok kay blaze na mula kay duke. Tinulak ni blaze si duke at nagpahinga konti nang makarecover si duke ay sinugod niya si blaze at sinuntok sa mukha pumutok ang labi ni blaze. Nakaramdam naman ako ng pag-aalala hindi lang para kay blaze pati narin sa mga kaibigan niya at para narin kay duke.
Hindi ko na kinaya ang manood pa kaya sumigaw ako na nakapagpatigil sa lahat.
"Tama na yan!" Galit na bulyaw ko. Huminto silang lahat at tumingin saakin.
"Monique wait, I can explain." Kabadong nagsalita si duke habang papalapit ako sakanila.
"You dont need to explain. Naiintindihan ko na." Nilapitan ko si duke at pinunasan ang dugo sa labi niya ganon din ang ginawa ko kay zayne at huli naman kay blaze.
"Nag-aaway kayo dahil saakin. Tsk ang babaw niyo naman." Napatingin sila saakin.
"Ang liit na bagay pinapalaki niyo. Ako pa talaga ang dahilan."
"Kasi nga ma---- nevermind." Sagot ni blaze sabay hila saakin. Dinala ko siya sa clinic para ipagamot ang mga pasa at putok niyang labi. Pero sabi niya sa nurse meron na daw mang-gagamot sa sugat niya kaya umalis yung nurse. Hinila ko siya papunta sa cafeteria para mang hingi lang ng yelo at nang maibigay saakin ay mabilis kong idinikit sa pasa niya.
"Aray! Easy lang!" Idiniin ko kasi yung yelo sa pasa niya.
"Hay nako, its your fault kung hindi ka kasi nakipag-away ay wala kang ganyan."
"Oo nga eh. Hindi sana ako makikipag-away kundi dahil sayo."
"Bakit mo ba kasi ginawa yun?"
"Ginawa ko yun para sayo kasi, nevermind. Bakit hindi mo sinabi saaking bumalik na siya?" Tampong usal niya.
"Nagtatanong ka ba? Sinabi ko ba sayong may ex ako? Sinabi ko rin ba ang pangalan niya sayo? At isa pa tayo ba?" Sunod-sunod kong tanong.
BINABASA MO ANG
My Arrogant Prince
Teen FictionFirst love never dies, yun ang sabi nila pero para saakin ang true love hindi agad yan nawawala nakatatak na yan sa puso mo pero paano nga ba malalaman kung true love na? Yan na ba yung lagi siyang nasa isip mo, gusto mong makasama sa araw-araw? Per...