KEIRA MONIQUE LEE
MAAGA akong nagising kasi magluluto pa ako ng breakfast, day off kasi nila manang ngayon kaya ako ang magluluto. Bumaba na ako at nagluto ng pancake nagtimpla na lang ako ng chocolate drink. Matapos akong kumain niligpit ko na ang pinagkainan ko at inilagay iyon sa dishcleaner namin ginagamit ko yun pagtinatamad akong mag-urong.
Umakyat na ako at naligo. Nang matapos uniform namin ang isinuot ko. Every first day of school lang allowed magsibilyan.
Nagtungo ako sa garahe at sumakay sa kotse ko at nagdrive papasok. Pagdating ko sa school hindi talaga maiiwasan and tsismisan habang naglalakad ako sa hallway rinig ko parin ang bulungan nila.
"Girl, ayan na siya. Ang ganda niya talaga." Girl 1
"Oo nga eh inggit ako sakanya, sana tulad ko nalang siya." Girl 2
"Sus! Ayan ba ang magandang sinasabi niyo sakin saan banda?" Girl 3
Inis akong nilingon siya at kita ko rin ang paghead to foot niya saakin. Mukha siyang transferee. Binad mood niya ako. Nilapitan ko siya.
"Wow! Ate ang ganda mo naman mukha kang manang sa suot mo bagay sayo. Pasensya na masakit ba honest lang ako tulad mo hindi ako sinungaling kung honest ka honest rin lang ako."
Umalis ako agad at dumadami na ang mga estudyanteng tsismosa.
Rinig ko pang nagsalita yun babae...."Ayan inggitera ka kasi. Ang yabang mo!"
Pagdating ko sa classroom wala pa sila bestiea maaga pa naman eh.
Maaga akong nagising inaantok pa tuloy ako dumokdok ako at umidlip.SKY BLAZE PARK
6:30 na nung nagising ako malalate na ako neto eh. Nagmadali akong bumangon at ginawa ang morning routine ko. Matapos lahat naguniform na ako at bumaba na kumain ako ng breakfast pagtapos kong kumain nagtooth brush ako bago pumasok.
Dumaan ako sa hindi traffic para hindi ako malate nakarating ako ng school ng 7:20 late daw ang first subject prof namin kaya na tuloy sa freetime. Nang makarating ako sa classroom. Agad akong lumapit kay zayne at nakipagkwentuhan. Napansin ko pang tulala si phoenix nilapitan ko siya at ginulat."Asami baby ko!" Gulat na sigaw niya. Napatingin lahat ng classmates namin dahil sa sigaw niya.
"Ano ba bakit kaba nang gugulat!" Masungit na bulyaw niya pa.
"Wala lang trip ko lang." Sagot ko.
Matapos kong lokohin si phoenix. Napadako ang tingin ko sa harap napansin ko naman si monique na natutulog hindi ko talaga maiwasan titigan at obserbahan siya at hindi ko parin makalimutan yung kahapon.
Ano bang problema ko sa babaeng yan at sa sarili ko hindi ko maintidihan na bakit parang ang hirap tanggalin siya sa isip ko.
Gusto ko na siyang lapitan pero parang may pumipigil sakin. Lalapitan ko na sana siya kaso biglang dumating si jhianne bestfriend niya. Ginising ni Jhianne si monique. Sabay iwas ko ng tingin
"Bruha ka! Bakit ka umiiyak?" Rinig kong sigaw ni jhianne.
Napatingin ako ulit sakanila. Gusto ko na siyang lapitan pero may pumipigil talaga saakin. Buti nalang at dumating ai zayne. Lumabas kasi ito kanina. Lumapit siya sa pwesto namin ni phoenix.
Napansin ko namang parang ang lalim ng iniisip ni phoenix. Tinapik ko ang balikat ni phoenix at umupo sa bakanteng upuan.
Bumuntong hininga ito.
"Bro, paano bang mangligaw?" Nagulat ako sa tanong ni phoenix. Nagkatinginan naman kami ni zayne."Ano sigurado ka bang jaan ka magtatanong kay sky eh hindi naman nanliligaw yan ehh hahahahah. Pang-aasar niya.
"Ulol!" Inis na sagot ko.
"Seryoso kasi ako." Sabat ni phoenix.
"Suyuin mo lang." Sagot ko.
"Bigyan mo ng rason para sagutin ka." Dagdag ko pa.
"Wow tol saan mo nakuha yun?" Sarcastikong asar ni zayne.
"Atleast ako may nabigay na idea. Ikaw meron ba?" Ganti ko.
"Oo meron eto na nga eh. Alam mo pareng phoenix ang panliligaw hindi na uso yan eh hindi na uso ang ligawan ngayon pagmahal ka niya mahal mo siya kayo na agad para malaman mong mahal ka niya halikan mo pag hindi pumalag mahal ka niya." Binatukan ko si zayne imbis na payuhan nang maayos si phoenix tinuruan pa nang kagaguhan.
"G*go ka talaga zayne tinuruan mo pa nang kagaguhan eh noh. Alam mo phoenix ang pangliligaw ay ginagamit para malaman niyang mahal mo talaga siya at kung deserving ka ba sa oo niya at sa pagmamahal niya ginagamit rin yan para magkakilala pa kayo nang mabuti para kapag may dumating sa pagsubok sa inyo ay hindi kayo magaaway nang sobra at para maintindihan niyo ang isa't isa. Sino ba kasi yang liligawan mo?" Tanong ko nang may ngiti sa labi.
"Si keira!" Nakaramdam ako nang inis ay nawala din ang ngiti ko sa labi.
"Ano? Hindi pwede!" Sigaw ko sa kanya mukhang napalakas ata kasi napatingin sakin yung mga classmates ko.
"Loko ka maupo ka parang niloloko lang eh si asami, si asami ang gusto kong ligawan. Seloso ka talaga kahit kailan." Wika niya.
"Gago ka talaga sapakin kita eh." Tawa naman nang tawa si zayne.
"Sige lang pagtawanan niyo ko maganda yan nakakabata yan promise."
"Pano nga kasi?"
"Bigyan mo nang rose 🌹 nang chocolate 🍫 lahat nang gusto nang babae yung mga paborito dapat lagi kang may surprise dapat lagi kang sweet dapat lagi mong iparamdam sa kanya na mahal mo siya ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS nga diba. Mahilig si asami magdrawing bigyan mo siya nang mga art material dapat LOYAL ka iwanan mo yang pagiging CASANOVA mo dapat siya lang wala nang iba." Paliwanag ko.
"Wow ang galing expert!" Asar ni zayne. Sarap tadyakan sabihin ko siya kay jhianne eh.
"Oo naman syempre. Baka ikaw kailangan mo rin nang payo ko. Torpe ka pa naman!" Asar ko.
"G*go!"
"Ah ganon minumura mo ako sige. Jhianne!" Tawag ko kay jhianne na ikinagulat ni zayne.
"Bakit?" Tanong ni jhianne at lumapit sa pwesto namin.
"May sasabihin daw sayo si zayne!" Nanlaki naman yung mata ni zayne.
"Ano ba yun kutong lupa?!" Inis na tanong jhianne. Hindi makapagsalita si zayne at natulala.
"Ano,ano?" Napakamot naman sa ulo niya si zayne. Nagpipigil ako nang tawa.
"Ano ba yun? Ano ka nang ano. Anohin kita jaan eh. Jan ka na nga." Pagalis ni jhianne duon ko nailabas yung tawa ko hahahahaha.
"Ano kala ko ba hindi ka torpe." Asar ko.
"Tarantado ka talaga."
"Hahahahaha tameme ka pala eh walang wala ka pala pagdating kay jhianne nawawala yung zayne na matinik sa babae yung zayne na playboy casanova ano? Salita zayne! Hahaha!" Asar ko siya naman ay namumula na sa galit.
Bigla namang dumating ang prof/adviser namin.
--------------------------
To be continued!!!!
BINABASA MO ANG
My Arrogant Prince
Teen FictionFirst love never dies, yun ang sabi nila pero para saakin ang true love hindi agad yan nawawala nakatatak na yan sa puso mo pero paano nga ba malalaman kung true love na? Yan na ba yung lagi siyang nasa isip mo, gusto mong makasama sa araw-araw? Per...