CHAPTER 23 MALL AND DATE?

18 0 0
                                    

KEIRA MONIQUE LEE

Buryong na buryong na ako dito sa bahay. May dance room naman, ayaw ko namang, may music room ayaw ko namang kumanta, may kusina naman ayaw ko namang magluto.

Hay ano kaya ang magandang gawin. Alam ko na magmamall nalang ako. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko.

[Hello, moni-ka]

[Moni-ka ka jan, bruha mall tayo]

[Di ako pwede kasama ko pinsan mo.]

[Ah ganon ba sige enjoy]

Wika ko sabay baba ng tawag. Tinawagan ko pa ang iba pero may kanya-kanya silang lakad o date. Haist buti pa sila may lablayff ako wala.
Minsan pa akong nagbrowse ng contacts at nahagip ng mga mata ko ang pangalan ni blaze. Dinial ko iyon at agad naman niyang sinagot.

[Hello?] Pambungad niya.

"P-pwede ka ba today?"

[Yes, why?] Ayun may kasama na ako.

"Pwede mo ba akong samahan sa mall?"

[Is that a date?] Wow naman date agad nagpapasama lang sa mall date na agad.

"Yes I mean No"

[No? Okay hindi pala ako pwede.] Napanguso ako.

"Sabi mo pwede ka!" Tampong usal ko.

[Kanina yun,] kainis naman to sarap ihampas ng hard.

"Eh..ehh, blaze naman eh please samahan mo na ako."

[Sabi mo kasi hindi date]

"Nagpapasama lang sa mall date na agad?"

[Hindi kasi ako sumasama sa mall pag hindi date.] Lalo akong napanguso.

"Oo na sige na, sige na date na kung date." Napipilitang usal ko kahit deep inside kinikilig na ko.

[That's my girl]

"You're girl? Teka teka napaghahalataan ka na ah. Bakit ako ang nagaaya ng date? Diba dapat lalaki?"

[Yes, kasi tatanongin palang kita eh tumawag ka naman.] So kasalanan ko pa na tumawag ako ay nagayang lumabas.

"Oo na sige na anong oras?"

[Now, I'll fetch you.]

"What? Ngayon na talaga? Sila manang  na ang bahala sayo."

Ibinaba ko ang tawag at mabilis na tumakbo sa banyo at naligo. Matapos ang lahat ng dapat gawin ay bumaba na ako naabutan ko si blaze na cool na cool at prenteng nakaupo sa couch. Nang maramdaman ang presensya ko ay mabilis siyang tumayo at lumapit saakin.

"Shall we?" Sabay abot niya nang kamay niya saakin.

"Blaze anong nakain mo? May lagnat ka ba?" Sinipat ko ang sintido niya wala naman siyang lagnat.

"Wala akong sakit, Tara na." Inabot ko ang kamay niya at sabay kaming naglakad patungo sa kotse niya. Pinagbukasan niya ako ng pinto at hinintay akong makapasok bago siya maupo sa driver's seat.

"Blaze, nakakapagtaka ka, bakit ang sweet mo this past few days may something sayo ngayon ah."

"Gusto ko lang bakit masama ba?"
Umiling ako.

My Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon