CONFESSION
Sky Blaze Park
Umuwi na ang ate ni monique para magpahinga ganon din sila zayne babalik na daw sila bukas, ako ito, naka-upo sa tabi niya at hinihintay siya magising. Hawak-hawak ko parin yung kamay niya at pinagmamasdan ang mukha niya.
"Monique baby, gising ka na jan. May gagawin pa tayong mahalaga bukas." Bibitawan ko na sana ang kamay niya para uminom ng tubig pero nung akmang bibitawan ko na sana ang kamay ay biglang humigpit ang paghawak niya napatingin ako sakanya at nakitang nakamulat na ang mga mata niya, nilapitan ko ulit siya.
"Saan ka pupunta?" Nang-hihina pero nakangiting usal niya.
"Iinom lang sana ng tubig. How are you feeling?" Nag-aalalang usal ko.
"I'm fine, asan sila zayne?"
"Umuwi na babalik daw sila bukas."
"Pinamove ng unnie mo yung flight nila." Dagdag ko.
"Huh? Bakit daw?!" Gulat niyang tanong.
"Sinabi ko sa unnie mo ang nangyari sayo." Kumunot ang noo niya.
"Why did you do that?" Inis niya tanong.
"She's your sister monique, she deserves to know."
"Gagantihan niya si roxanne."
"Oo gagantihan ng ate mo si roxanne, paghindi ko narinig yang sigaw mo malamang nasa morgue ka na ngayon kaya wag mo na siyang ipagtanggol." Natahimik siya tumataas na rin kasi ang boses ko dahil sa inis.
"B-blaze, thank you kasi niligtas mo ako." Sabay hawak niya sa kamay ko at naging dahilan ng pagwawala ng puso ko at pagkawala ng inis ko.
"Wala yun espesyal ka kaya sakin." Nakangiting usal ko.
"Thank you," nakangiting usal niya na naging sanhi ng pagngiti ko. Tumango ako.
"Sabi ni doc madidischarge ka na bukas."
"So, anong plano ni unnie?" Bumangon siya at naupo sa kama niya saka tumingin sakin ng deretso.
"I-i dont know, w-wala naman siyang sinabi saamin s-sila ni jhianne ang n-naguusap." Nautal ako sa mga tingin niya akala mo kung tignan niya ako ay parang pinapaamin ako sa mga kasalanang hindi ko naman ginawa.
"Blaze, mahal mo ba ako?" Seryoso at taimtim na nakatitig sa mga mata ko, hindi magawang labanan ang mga tingin niya. Ito ba ang naging epekto kay monique nung pagkakauntog niya, nakakagulat.
"Y-yes, of course mahal kita." Utal paring sagot ko nagiwas siya ng tingin.
"Pero as a friend lang." Yumuko at saka mariing pumikit at bumuntong hininga muli akong dumilat at nag-angat ng tingin.
"No, i-it's more than that." Pag-amin ko. Pinagpapawisan ako ng husto dito sa gagawin ko. Muli niyang ibinalik sakin ang paningin.
"W-what do y-you mean?" Siya naman ang nautal.
"What I really mean is I really love you monique, hahalikan ba kita kung hindi kita mahal."
"Oo, your a casanova!" Taas kilay niyang usal.
BINABASA MO ANG
My Arrogant Prince
Novela JuvenilFirst love never dies, yun ang sabi nila pero para saakin ang true love hindi agad yan nawawala nakatatak na yan sa puso mo pero paano nga ba malalaman kung true love na? Yan na ba yung lagi siyang nasa isip mo, gusto mong makasama sa araw-araw? Per...