Keira Monique Lee
Maaga akong dumating sa classroom. Maaga din kasi akong nagising wala naman akong magawa pa sa bahay kaya pumasok nalang ako. Mangilan-ngilan iyong mga nakita kong mga estudyante sa gate at hallway kanina masyado pa kasing maaga. May estudyante akong naabutan sa classroom, si duke. Medyo inaantok pa ang hitsura nito dahil namumungay pa nang kaunti ang mga mata niya. Naupo na ako sa akin upuan at binuksan ang libro kung saan kami may quiz pero ilang minuto na akong nagbabasa hindi ako maka-focus panay kasi ang tingin ni duke saakin at tulad ng dati damang dama ko parin ang mga titig niyang mabibigat. Masama ko siyang nilingon at madali naman itong nag-iwas ng tingin.
Maya-maya ay narinig ko ang mga yabag niyang papalapit saakin.
"Monique, pwede ka bang makausap?" Pakiusap niya.
"Tungkol saan?"
"Mamaya ko na sasabihin sayo." Tumango ako at sinundan siyang maglakad palabas ng classroom, gusto ko sanang tanungin siya kung saan kami papunta pero mas minabuti ko nalang na huwag kasi panay ang bulungan ng mga nakakakita. Nakarating kami sa garden, sa ilalim ng isang puno.
"I just wanna say sorry for everything I've done way back then." Nakayukong sabi niya.
"It's okay, I already forgave you duke. Matagal na kitang napatawad." Nakangiting usal ko.
"Gusto ko lang magsorry nasaktan kita matapos mong intindihin lahat ng katarantaduhan ko noon, pagpapasensya sa lahat nang pag-aaway natin inintindi mo ako. Monique, ang laki ng pagsisisi kong pinakawalan kita I'm sorry!" Umiiyak niyang bigkas habang nakaluhod sa harapan ko.
Parang tanga din ang isang ito, bakit niya ba ako niluluhuran? Hindi naman ako santo.
"Hey, kalimutan mo na yun. I already forgave you. Sana mapatawad mo din ang sarili mo, Duke." Nakangiting usal ko.
"Hindi akin yun pinikot niya lang ako."
"Alam ko," Nag-aalangang usal ko.
"Bakit mo ako pinakawalan?"
"Kasi nasasaktan narin ako, napapagod, kailangan ko rin ng pahinga alam mong mahal kita kaya kita pinakawalan noon at tanggap ko na rin na hindi ka saakin sasaya, duke."
"Monique, come back to me, I'm begging you." Pagmamakaawa niya ngunit iling nalang ang naisagot ko.
"Mahal ko si Blaze." Nanlulumong sagot ko.
"Please!"
"I cant but we can still be friends, ngayon ako naman ang hihiling kung mahal mo ako papakawalan tulad ng ginawa ko dati."
"Hindi ko pa kaya sa ngayon."
"Hindi kita minamadali, Duke. Take your time." Ngumiti ako sakanya at saka niya ako niyakap.
Nagkayayaan na kaming bumalik sa classroom matapos ang kaunti pang pag-uusap. Naabutan namin sila jhianne sa classroom nagtatawanan silang lahat ngunit si blaze ay hindi kasama mariing nakakuyom ang parehong kamao nito habang nakatingin sa labas.
"Blaze, are you okay?" Nag-aalalang tanong ko nang makaupo ako saking pwesto. Hindi ito kumibo bagkus ay mas tumalikod pa ito saakin. Namumula din ang tainga neto.
Anong meron? Anong nangyari sa lalaking ito? May problema kaya siya?
"Blaze is there a problem?" Parang kanina hindi niya parin ako kinikibo patuloy ako sa ganong gawain hanggang sa dumating ang prof.
***
Dumaan ang oras at wala kaming ginawa kundi ang makinig sa mga nakakaantok na lesson at gawin ang nakakatamad tapusin na mga activity. Hanggang sa tumunog ang bell, lunch break na pero hindi parin ako kinikibo ni blaze maging ang mga kaibigan niya ay hindi niya rin kinikibo lumabas lang siya mag-isa nang classroom at sabay sabay na nagtinginan saakin iyong mga kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
My Arrogant Prince
Teen FictionFirst love never dies, yun ang sabi nila pero para saakin ang true love hindi agad yan nawawala nakatatak na yan sa puso mo pero paano nga ba malalaman kung true love na? Yan na ba yung lagi siyang nasa isip mo, gusto mong makasama sa araw-araw? Per...