CHAPTER 20 OTHER CONFESSION

18 0 0
                                    

SKY BLAZE POV

"Hindi kayo nareject. Malay niyo meron din silang gusto sainyo." Bigkas ko.

"Ano hindi, hindi sila kumibo. Oo silence means yes pero yung expression nila mukhang wala eh." Inis na sagot ni phoenix.

"Ikaw halimbawa nagconfess ka kay monique hindi siya naniwala. Ano sa tingin mo mararamdaman mo." Wika pa ni kyle.

"Syempre masakit, minsan ko na siyang tinanong niyan." Sagot ko.

"Talaga? Kailan? Anong sabi?" Itong mga kaibigan ko pagmay naririnig na hindi nila inaasahan daig pa babae kong magreact.

"Sabi niya 'maybe', syempre naiintindahan ko yun casanova tayo kilala bilang babaero kaya hindi agad sila naniwala. Baka yun ang dahilan kung bakit hindi sila naniwala agad sainyo." Pahayag ko.

"His right casanova tayo baka akala nila ay niloloko lang natin sila." Sabat ni kieffer.

"Hindi niyo ba naisip yun?" Tanong ko.

"Hindi!" Sabay sabay nilang tanong.

"Then you have to plan another confession but this time make them believe." Bigkas ko.

"Pero bago yun pumasok na tayo sa klase kasi wala na ang ibang estudyante dito." Dagdag ko. Agad naman kaming nagtakbuhan papunta sa classroom at wala pang teacher saktong pagpasok namin ay dumating narin ang prof namin na bading at mukhang may gusto samin. Values teacher pa siya.

"Good morning class." Bati ni sir.

"Good morning sir." Bati namin pabalik.

"Ok, sit down." Agad naman kaming nagsiupo.

"Class we are having a reporting. By pair." Your seatmates is your partners." Wika ni sir.

"Our first reporters is Mr. Park and Ms. Lee. Report valued."

Tumayo kami sa harap at nagumpisa nang magreport.

"Okay, what is value? For me value is halaga. Meron akong quotation. Kung bagay ay mahalaga tao pa kaya." Wika niya.

"Parang ikaw mahalaga ka sakin monique." Hiyaw ni jericho at naghiyawan ang mga classmates namin maliban sa mga kaibigan niya at kaibigan ko.

Nginitian lang siya ni monique.
Aba't may gana pa siyang ngitian yun.
Hoy pumreno ka naman nandito ako nagseselos monique, mamaya ka lang sakin jericho.

Tuloy-tuloy lang sa pagsasalit si monique hanggang sa ako na ang magrereport.

"Value other's feelings. Ano nga ba ito. Simple lang in tagalog pahalagahan ang emosyon nang iba. Halimbawa kami, ako at si monique may relasyon kami. Paano ko mapapahalagahan ang emosyon niya. Para saakin ay simple lang pipilitin kong wag siyang masaktan at isa pa totoong mahal ko siya." Pahayag ko.

"Oww!" Sigaw nang barkada ko. Tinignan ko si monique at nakita kong namumula ito.

Nagsalita pa ako hanggang sa matapos ang reporting at tumunog na ang bell.

*Kring*

"Class you may now take your lunch."

Naiwan kami dito at gumagawa daw sila nang plano habang ang girls ay nasa cafeteria at naglulunch.

"Ah basta may sarili akong plano."  Bigkas ni zayne at umalis.

---------------------------------------

My Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon