CHAPTER 22 A NIGHT TO REMEMBER

19 0 0
                                    

KEIRA MONIQUE POV

Nakarating kami sa bahay. Inalok ko si blaze na dito na magdinner. Wala ngayon sila manang nagleave dahil may emergency sila sakanila. Nagtungo ako sa kwarto at nagshower at nagpalit nang damit. Matapos yun ay bumaba na ako para magluto nang dinner naming dalawa.

Matapos akong magluto ay naghain na ako at tinawag siya umupo siya sa kaharap kong umupuan. Tumikhim siya nang niluto ko. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya.

"M-masarap ba?" Sana masarap ang pagkakaluto ko.

"Oo, masarap!" Whew buti naman nakahinga ako nang maluwag dun ah.

Masaya kaming naghapunan. Matapos kaming magdinner ay naghugas ako nang pinagkainan. Nagaya si blaze magmovie marathon. Siyang ang pumili nang panonoorin at horror talaga ang pinili. Nagstart na yung movie na 3'am. Minsan hindi ako natatakot pero this time nakakatakot na. Biglang may nanggulat at napayakap ako sa unan na hawak ko ramdam kong inakbayan ako ni blaze. I feel safe at nawala din bigla ang takot ko.

Natapos na ang palabas na ganon parin ang posisyon namin. Nagpunta ako sa kusina para uminom ng gatas. Gatas kasi ang pampaantok ko. Bumalik ako sa living room at nakaupo parin siya.

"Wala ka bang balak umuwi?"

"Bakit pinapaalis mo na ako?" Bastos talaga to napakaganda nang sagot niya. Tama bang sagutin ang tanong nang isa pang tanong. Tss.

"Hindi naman!" Dito ba to magoover night at ayaw niyang umuwi?

"Can I sleep here?" Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Pano nalang kung dumating si yaya baka kung ano ang isipin isumbong pa ako kay mommy.

"Sige, maayos naman yung guest room na katabi nang kwarto ko duon ka na lang matulog." Pahayag ko.

"Bakit ayaw mo nga palang umuwi sa inyo?"

"Magisa lang ako duon nalulungkot ako. Tsaka gusto rin kitang makasama." Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Nagiwas ako nang tingin dahil panigurado ay aasarin niya ako.

"Mag-isa rin naman ako dito hindi naman ako nalulungkot."

"May entertainment ka kasi ako wala. Wala akong hilig sa drawing at kung ano pa. Basketball lang talaga ang hilig ko.

"Ah, paano yung gamit mo para bukas?"

"Meron akong ekstra sa kotse. In case na hindi ako makauwi." Simpleng sagot niya. Tumango ako bilang sagot isinandal ko ang ulo ko sa couch at hindi ko maiwasang makatulog na ako.

Maya- maya ay naramdaman kong umangat ako mula sa iniuupuan ko. Ramdam ko rin ang pagakyat niya nang hagdan at pagbukas nang pinto. Lumapat ang likod ko sa malambot na bagay.

"Good night my Queen!" Rinig kong bigkas nang lalaking bumuhat sakin hindi ko na magawang idilat ang mga mata ko dahil ubos na rin ang lakas ko.

May lumapat na labi sa noo ko alam kong kilala ko yun kasi may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Ramdam ko ang paglakad niya at ang pagsara niya nang pinto. Patungo na ako sa dream land. Pati sa panaginip ko ay umuulit- ulit ang mga salitang yun.

------------kinabukasan-----------

"Good night my queen!"

"Good night my queen!"

"Good night my queen!"

Parang kantang umaandar niyang mga katagang yan at pati sa panaginip ay dinig ko yan. Iminulat ko ang mga mata ko at inalala ang mga nangyari kagabi and yes, for me it was a night to remember. Gabing hindi na sana natapos, gabing gusto kong ulit-ulitin at hindi ko malilimutan. Bumangon ako at ginawa ang morning routine ko. Matapos ang lahat ay bumaba na ako at nagtungo sa kusina para magluto sana nang agahan namin ni blaze.

Pero huli na ako dahil naabutan ko si blaze na nakaupo sa dining at sarap na sarap sa kinakaing waffle.

"Sorry, pinaki-alaman ko yung gamit niyo. Gutom na kasi ako!" Paliwanag niya. Umupo ako na kaharap niyang upuan.

"Okay lang, niluto mo ba to?" Sagot ko at kumuha nang waffle at inilagay sa plato ko at tinikman yun.

"Oo, masarap diba?" Ngising sabi niya.

"Sus, kinuha mo lang to sa cook book niyo eh!" Asar ko.

"Hindi, sariling recipe ko yan."

"Edi ikaw na magaling magluto, mas magaling ka na saakin."

Matapos kaming mag-agahan at pumasok na kami sa school. Hindi niya na pinadala sakin yung kotse ko dahil siya na daw ang maghahatid sakin mamaya. Nakarating kami nang school. Nandito palang kami sa loob nang kotse rinig na namin ang sigawan ng mga babaeng naghihintay kay blaze. Nagpark si blaze at pinagbuksan ako ng pinto. Nang bumaba ako ay natahimik ang mga babaeng nagsisigawan.

"Shall we?" Sabay abot ni blaze ng braso niya. Dahil sa ginawa niyang yun  nagwala ang puso ko. Agad ko namang inabot ang braso niya nang biglang nagtilian ang mga babae pero yung iba ay mukhang disappointed. Dumaan kami sa mga babae.

"Anong meron sakanila? Sila ba?"

"Sinasabi ko na nga ba malandi ang babaeng yan!"

"Una si zayne ngayon si blaze naman. Linta ba siya?" Sorry kayo mga bruha pinsan ko ai zayne.

"Girl bagay sila. Sana sila nalang!"

"Omg, sila na kaya?"

Iilan lang yan sa mga chismisan lang na naririnig ko.
"Dont mind them!" Sabi ni blaze. Nakarating kami sa classroom at lahat nang mata ng mga babae ay nasaakin. Naabutan naman namin sila jihyo na nakapabilog at guest what lahat sila ay ang sweet, mas sweet pa sa caramel.

"Good morning guys!" Bati ko at umupo sa bakanteng upuan. Si jhianne ang nasa kanan ko at si blaze sa kaliwa medyo likod ang pwesto nang inuupuan niya, nagulat ako nang bigla niya akong akbayan.

"Saan kayo galing? Saan kayo nagpunta? Bakit kayo magkasama?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Isa-isa lang mahina ang kalaban! Una galing kami sa bahay nila!" Biglang singit ni blaze.

"Anong ginawa niyo dun?" Si jihyo na salubong na ang kilay.

"Nag-breakfast!" Ang aga-aga ginigisa nila ako nang tanong mukha na ba akong sauteing pan?

"Bakit kayo magkasama?" Tanong ni ashley.

"Sabay kaming pumasok!" Sagot ni blaze.

"Saan kayo nagpunta kagabi? Bakit bigla kayong nawala?" Tanong naman ni mizzy.

"Sinundan ko siya sa park!" Simpleng sagot ko.

"Bakit?!" Sabay-sabay nilang tanong.

"Nagalit kasi siya sakin!" Sagot ko.

"Bakit naman siya nagalit sayo?" Sasabihin ko ba kung bakit. Tinignan ko si blaze at mukhang nagiisip siya nang palusot.

"Its for me to know, for you guys to find out!" Ngising sagot ni blaze.

"Psh, labo mo naman dude!" Reklamo ni kyle.

"Ganon talaga!" Sagot ni blaze sabay tingin sakin. Alam ko na ang ibig sabihin niya sa tingin niya.

*Kring*
Tunog nang bell agad kaming nagsi-ayos. Dumating na rin ang prof at nagdiscuss nang nagdiscuss.

-------------------------

TO BE CONTINUED!

My Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon