Prolouge

214 5 0
                                    

Napilitang pumasok ang manglalakbay na si Maria sa isang mansyon dahil sa lakas ng ulan.

Ito na lamang ang nakikita niyang maaaring masilungan dahil tinatangay na rin ng hangin ang mga puno.

"Tao po?"sinubukang kapain ni Maria ang 'switch' ng ilaw dahil wala siyang makita sa dilim.

Parang may sariling isip ang kanyang mga paa at humakbang ito papalayo sa pinto at pa-deretso sa hagdanan.

Makaluma na rin ang bahay na nagbigay ng 'curiosity' kay Maria.

Naka-akyat na siya ng ikalawang palapag ng mansyon at laking pasasalamat niya nalang at may ilaw dito..ngunit kataka-taka parin dahil wala siyang nasinagang ilaw nong nasa ibaba pa siya.

Wala sa sariling binuksan ni Maria ang isang kwarto.

Pagkapasok niya ay namangha siya sa nakita.

Kay puti ng kwarto at kay ayos ng mga gamit dito.

Lalabas na ulit sana siya upang hanapin ang may ari ng bahay ng....

May nakita siyang babaeng nakabigti.

Nailibot ulit ni Maria ang kanyang tingin.

Ang kaninang puting puting pader ay may mga bahid ng dugo.

Ang maayos na gamit ay sobrang gulo at puro alikabok.

Napatingin ulit siya sa babae.

Nanghina ang mga tuhod niya at bumagsak nalang siya paluhod sa sahig. Tila wala na sa isipan si Maria.

Nakayuko at umiiyak.

Ang babaeng nakabigti...naaawa si Maria sa kanya.

Duguan ang puting damit at halos hindi na makilala dahil sa mga saksak nito sa mukha.

Parang may bumubuhat kay Maria at unti-unting siyang umaangat. Wala paring tigil sa pag-iyak si Maria at hindi napapansin ang paglutang niya.

Nang tanggalin ni Maria ang kanyang kamay sa mukha ay iba na siya..

Ang kanyang mata ay purong puti...

Ang kanyang pisngi ay puro dugo na tila mayroong malaking sugat.

Unti unting pumupulupot ang lubid sa kanyang leeg..

Bumalik na ang malay ng Maria...

Nang mapansin niya ang kanyang kalagayan ay magpupumiglas pa sana siya ngunit huli na..

"Salamat.."ang huling narinig ni Maria bago siya malagutan ng hininga.







                                   

Tuloy ko ba???

The Dark RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon