"Okay class, for the upcoming Christmas break, we will have a program. At kabilang na doon ang mga booths na gagawin ng bawat sections. Just like foundation day. We will also have a Christmas Ball, next day. So grab your partners, and plan your class booth. That's all. Class dismiss. "sabi ng prof at halos lahat ng nasa klase ay masaya at nakangiti maliban sa 10 estudyante.
10 estudyante na na-trauma at nakatulala lamang sa kanilang mga mesa. Lumabas na ang lahat ngunit naiwan sila sa loob. Hanggang sa unti unting umiyak ang mga babae....
"Okay guys, so anong booth ang gagawin natin? "tanong ni president of the class.
"Wedding booth!! "
"Manahimik ka nga!"
"Eh kung photo booth nalang kaya? "
"Masyadong common yun. "
"Gift Giver Booth?"
"Hmmm pwede."
"Haunted House. "lahat ay napatingin sa sampung estudyante na sabay sabay na nagsalita.
"Parang hindi naman yun pang-Christmas."komento ng isang estudyante.
"T-that's the p-point"pilit ang pagsasalita na sabi ni Jennie.
"Kung naiiba ang b-booth natin, a-ay maaagaw natin a-ang atensyon n-ng iba."pagpapatuloy naman ni Adriene.
"Okay, sinong agree? "halos lahat ay sumang-ayon kaya ayon na ang ginawa nila.
"Weird. "
"Wews."
"Grabe"
"Unexpected to."
Komento ng mga estudyante ng makita ang booth ng highest section. Sino nga ba namang gagawa ng haunted house booth sa Christmas program?
At tama nga na nakaka-agaw sila n pansin at nagiging mabenta ang booth na ito.
"AAAAH!!! "
"M-may t-totoo... "
Mga nasabi nalang ng mga nakatapos sa booth.
"Bata wag."pigil ng isang babae ng makita niya ang isang bata na nagbabalak na pumasok sa nakakakilabot na bahay.
"Magaling... Kuhang kuha nila. Malapit na... Onti nalang.. Magtatapos narin."nabitawan nalang ng babae ang bata dahil sa sinabi nito kaya pumasok na ang bata.
Ngunit ng makapasok ang bata...
"AAAAH!!! "
"WAAAH!!! "
Mag-isang pumasok ang bata ngunit higit pa sa isa ang narinig na sigaw.
Tumakbo ang babae patungong exit upang abangan ang bata ngunit lang minuto na ang nakalipas ay hindi parin lumalabas ang bata.
Pumasok ang babae sa booth upang hanapin ang bata... Nakita niya lamang ang manikang hawak hawak ng bata kanina.
"K-kamukha nito si----"nabitawan ng babae ang manika ng marinig ang isang nakakakilabot na tawa kaya napatingin siya sa paligid.
Nang hindi makita kung saan nanggagaling yun ay tumingin siya ulit sa lapag kung saan bumagsak ang manika kanina ngunit wala na ito duon.
---cut---
Part 1 Characters:
BINABASA MO ANG
The Dark Room
TerrorHighest Rank Achieved: Rank #75 in Horror Mga taong binabangungot.. Mga biktimang konektado sa isa't-isa.. Kamatayang walang kasiguraduhan kung mapipigilan nga ba.. Walang kasiguraduhang desisyon.. Dapat nga bang isekreto o humingi ng tulong ng iba...