"H-HAZEL..." gulat na sabi ni Bridget.
"Hello."nakangiting bati niya pa samin." Sorry, narinig ko kasi kayong nagsisigawa-este nag-uusap e nandyan lang naman ako sa likod niyo kaya tinignan ko kung ano yung ginagawa niyo😊😊😊"
"Ikaw kasing baboy ka eh! Ang ingay mo!"sisi ni Adriane kay Andrei.
"SSSHHHH!!!"
"Kung pupunta kayo diyan...pwede sumama?"turo niya sa litrato ng mansion." Ang creepy kasi ng itsura, gusto ka sanang picturan tsaka idagdag sa collections ko😃😃😃"
"Hindi pwede.",pagtanggi ko.
"H-ha? B-bakit naman?😢" naiiyak na tanong niya..
"Gusto mo bang mamatay?"bagot na tanong ko kay pinalo ni Donna-na nasa kaliwa ko ang kamay ko.
"H-ha? S-syempre hindi! S-sige na pleeeeaase?🙏🙏🙏" -_- bahala ka.
"A-ahh sige, sabihin nalang namin sayo pag pupunta na kami dyan."pagpayag naman ni Bridget.
What the hell???
"Ay..ba-bye na pinapatawag ako ng Vice President eh."secretary kasi siya sa SC habang President naman si Adriane.
" Teka,bakit raw?"takang tanong Adriene.
"Di ko alam eh,sabay ka nalang kaya sakin? Pupunta ka ba sa SC Office??"
"Ahh..mamaya nalang siguro."sabi ni Adriene tsaka ngumiti.
" Sige,bye president! Bye guys!"kumaway siya tsaka lumabas ng library.
"Ok.....so anong plano?"pagbasag ni Jennie sa katahimikan.
Napabuntong-hininga ako...
"Bago tayo magplano...may kailangan akong sabihin sa inyo...---"
"OH MY GOSH AMPON KA?!" alam niyo na kung sino yan..
"SSSSHHHH!"
Hindi ko na pinansin si Kristine-at ang librarian tsaka nagpatuloy."Kaya ko pinakita sa inyo yang note na yan dahil simula ng makita ko yan eh nag-iba na ang mga napapanaginipan ko."
"Huh?"sabay sabay na takang tanong nila.
"Gabi gabi ako binabangungot..yung bangungot na yun e paulit-ulit lang..babaeng gumagapang..may malaking hiwa sa pisngi..at palaging sinasabi na wag."
"Anong wag?"tanong naman ni Zildjan.
"Yan rin yung tanong ko...pero palagi siya'ng naglalaho pag nagtatanong ako..nakita ko yan nung bago ako pumasok..yung araw na yun inannounce ng prof natin ang tungkol sa music video. Nung gabi na yon,nagsimulang mag-iba ang panaginip ko...habang nananaginip ako..nakita kong nasa harap ko ang mansion..tapos nagpunta ako sa bahay nila Bridget...sumunod naman ay nasa bahay ako. Nung napunta ako sa bahay nila Bridget..nakita ko si Kristine bumibisita ata...pero di nila ako makita--"
"Teka teka,sabi mo nananaginip ka lang? Eh totoong bumisita si Kristine dun nung araw na yun eh.."takang sabi ni Bridget.
"Sumunod eh napunta ako sa kwarto ko..narinig kong ginigising ako ni Zander..pero di ko maigalaw ang katawan ko..pangatlo bumalik ako sa mansion...dun ko nakita yung b-bata. Yung nakitang litrato ni Bridget..ganun yung mata niya."
Suminghap ako para mapigilan ang kaba ko.
"Isip,Kaluluwa,Katawan. Kaligtasan,Kaibigan,Sandalan. Yan yung sinabi niya. G-gusto ko nang matapos to."pumikit ako para pigilan ang mga luha ko na nagbabadyang lumabas.
"Wag kang nag-alala..hindi ka namin iiwan.."pag-aalo naman ni Kristine sakin. Lumapit ang mga girls sakin tsaka ako niyakap kaya napangiti nalang ako.
Lalapit na sana ang mga boys ng kumalas si Adriene tsaka inambahan ang mga lalake."Subukan niyong yumakap susuntukin ko kayo,mangtsa-tsansing lang kayo eh!"sigaw niya pa kaya napasimangot sila at umupo nalang.
"A-alis na. Hindi n-na ako m-makahinga."kumalas naman sila agad."so..isip na tayo ng plano??"nakangising suggestion ko.
" YUM YUM "
"ANG SHARAP!"
"HEAVEN!"
"ANSAYA NITO!"
"ANG LASA!"
Bagot ko lang silang tinignan habang kumakain. Kanina habang nag-iisip kami ng plano e ginutom raw sila.😒😒😒Kaya yan,kain. Gastos ko nanaman.
"Gusto mo?"alok pa sakin ni Ayen...
Habang kumukuha sa inaalok niya..
"Nako,hindi na...nakakahiya kasi sa inyo eh."bwisit to. Inalok pa ako.
"Ok."sabi niya sabay kibit-balikat.
"Pero alam mo *munch munch* nakaka-kaba talaga yang nangyayari sayo *chomp chomp*"eto namang si Andrei akala mo lechon kinakain ang dungis..
"Oo nga."sang-ayon ni Baren.
Napabuntong-hininga nalang ulit ako. Grabe...sobrang mapagbigay nila..
"Uy Zandria tignan mo oh may free ice cream raw pag bumili ka ng 3 burger."binigyan ko ng bagot na tingin si Bridget ng dahil dun.
"Manahimik kayo. Tumakas na nga kayo sa guard kanina tapos magpapa-late pa kayo?"di makapaniwalang sabi ko sa kanila."Hoy,baka nakakalimutan niyong terror ang next subject natin?"
At dahil sa sinabi ko ay muntik na nalang mabuga sa isa't isa yung mga pinagkakain nila...inabot ng 5 segundo yung paglunok nila..tsaka kumain ulit ng mas mabilis. Yung tipong..in 3 seconds 1 subo 1 lunok?
"Sige kaya niyo yan. Support nalang ako dito."nakangiwing sabi ko sa kanila.
Kain go go go! Kaya niyo yan! Nangunguna si Andrei...AY NAG-UNLI RICE!😲😲Nangunguna ngayon si Ayen..😵😵umorder pa ng isang mango shake. Yan na si Kristi---
"Tapos!"hay salamat! Natapos rin sila..nagbayad na ako ng mga kinain nila tsaka kami tumakbo pabalik ng school.
"MALAPIT na.."sabi ni Kristine ng matanaw namin yung room.
"Ah!"napatingin sila sakin ng matumba ako.
"Zandria Ok ka lang?"tanong sakin ni Bridget kaya tinanguan ko siya.
Inalalayan nila ako hanggang sa makapasok kami sa room.
Bakit..nanghina bigla ang tuhod ko?
Short update😃😃😃
BINABASA MO ANG
The Dark Room
HorrorHighest Rank Achieved: Rank #75 in Horror Mga taong binabangungot.. Mga biktimang konektado sa isa't-isa.. Kamatayang walang kasiguraduhan kung mapipigilan nga ba.. Walang kasiguraduhang desisyon.. Dapat nga bang isekreto o humingi ng tulong ng iba...