Chapter 2

10 3 0
                                    






"LANCE!"napatingin ako kay Dhennzel ng tawagin niya ako.

"Oh? Ano nanaman?"tanong ko naman sa kanya.

May tinuro siya gamit ang labi niya kaya tinignan ko yun.

Isang babaeng nerd.

Napangisi nalang ako tsaka sinapo ang bolang ipinasa sa akin ni Riley.

Pinatalbog talbog ko muna to sa kamay ko..

Tsaka namin sunod sunod na binato ang babae..

Pero hindi yung nerd ang nabato namin.

"Tine!"nagulat nalang kami ng biglang humarang si Christine Ann sa babae kaya siya ang natamaan at natumba..

Lumapit kami sa kanya..

"Tine? Tine?"tanong ko habang marahang tinatapik ang pisngi niya.

Nakita ko ang mga mata niyang namumungay..

"W-wag..."huling sabi niya bago siya nawalan ng malay..

Agad akong tumayo habang buhat siya tsaka tumakbo papuntang clinic,sumunod naman yung iba.

"Bakit niya ginawa yun?"takang tanong ni Rence pagkalapag na pagkalapag ko palang kay Tine sa higaan na naroroon.

"May mali talaga sa kanya."napatingin kaming lahat kay Sam ng sabihin niya iyon.

"Anong sinasabi mo?"takang tanong naman ni Kaede.

"Kanina,sa classroom palang alam kong may mali na sa kanya."mali?

"Mali? Anong mali?"tanong naman ni Riley.

"K-kanina,ang tahimik niya. Tapos sa c-canteen, wala siya sa sarili niya. Iniisip ko baka masama lang yung pakiramdam niya oh ano p-pero---AAH! Hindi ko na alam..."hindi na kami nagulat ng bigla nalang itong umiyak dahil halata naman kanina na frustrated ito.



"CHRISTINE,Christine. Christine gising."ramdam ko na may tumatapik sa pisngi ko..

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at dilim ang unang bumungad sa akin...

"N-nasaan ako?"kinakabahang tanong ko tsaka inilibot ang paningin ko..

Nakita ko sila Marga..

"P-panong--?"

"Wag kang matakot,nandito kami para balaan ka.."mahinahon na sabi ni KJ habang lumalapit..

"Tama! Dapat po lumayo ka sa kanya!"sabi naman ng di ko kilalang bata..siya yung bata sa panaginip ko..

"Mag-iingat ka.."napalingon naman ako sa isang babae..nakasuot siya ng puting bestida habang ang leeg niya ay mapula pula..ganun rin ang isa pa niyang kasama(Maria and Diana<mama ni Zandria and friend>)

"Z-Zandria..ano to? Anong nangyayari?"takang tanong ko kay Zandria.

Nakapalibot silang lahat sa akin.

"H-hindi ko rin alam..hindi ko alam kung anong atraso niyo sa kanya.."nakayukong sagot niya..

"P-pero pano ako napunta dito?"naguguluhang tanong ko.

"Sinundo ka namin."nakangiting sabi ni Marga.

"M-mga ate..t-tita.."napatingin kaming lahat sa bata..at nakita naming para itong nagpipigil at pumupula ang labi..

"Malapit na siya..."sabi ni Zandria.

"Zandria gawin mo na."sabi ng babaeng nakaputi..

"A-anong gagawin niyo?"kinakabahang sabi ko..

The Dark RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon