Chapter 8

15 1 0
                                    




"SO..ano ang 'serious matter' na sasabihin mo at kailangan pa nating mag-cutting kahit na muntik na nating makasalubong ang prof?"tanong ko sa kanila.

"Si Jennie kasi.."panimula ko.

"Anong ako? Ikaw Bridget ah! Naninisi ka pa!"di makapaliwalang bigkas naman ni Jennie sakin.

"Sssh!!!"pigil ko naman sa kanya.

"*ehem ehem*so yun nga..Jennie was acting like,she can't remember what happened this past months--"

"Hoy anong acting?! Totoo namang November palang ah!"maktol niya tsaka nag-pout.

Tinitigan ko muna siya bago magsalita uli.

"So yun nga,wala siyang naaalala sa kahit anong nangyari mula November---"

"Teka,nasaan na nga pala si Zandria? Tsaka si Jeanne? Si KJ? Absent ba sila ngayon?"inosenteng tanong nanaman niya.

"Nung November ay namatay si Zandria,nung December naging weird si Jeanne,hanggang ngayon,this month naman ay namatay si KJ."pagpapatuloy ni Fetility na biglang sumulpot sa likuran namin kaya napalingon kaming lahat sa kanya."Tama ba ako?"nakangiting tanong niya kaya tumango nalang kami..

"Eh? Nagbibiro ba kayo?"naga-alinlangang tanong ni Jennie sa amin.

Umiling lang kaming lahat.

"Ha-ha-ha hindi na nakakatuwa. Asan ba talaga sila?"

"Jennie totoo yung sinasabi namin. Patay na sila."pagbibigyang diin pa ni John Christian..

At hindi na kami nagulat ng tumulo yung luha niya..

"I-I thought that..if I lose a friend...I'll feel that half of my life will be taken away.."hinawakan niya ang gilid ng mata sabay punas dito.."but I was wrong. It doesn't hurt inside..but tears fall outside.Nothing was taken away..I'm always empty."

Pagkasabi niya nun ay humagugol na siya kaya nilapitan siya ni Zildjan at inaalo..while me..I was taken aback by her words.

Nung namatay sila..wala akong naramdaman na kahit ano..but tears fell..

Nagulat nalang ako ng mayroong panyo sa harap ko..tinignan ko kung kanino ito at nakita ko si Baren na pilit yun inaabot sakin.

Kinuha ko iyon tsaka pinunasan ang luha ko..nagulat nalang ako ng yakapin niya ako dahilan para mas lalo akong humagulgol.







"HMM...hmmm..hmmm..."I hum as I caress Jeanne's hair.

"Zandria?"tawag niya sa akin..

"Hmm?"

"B-bakit hindi ka pa tumatakas? Y-you can move your own body freely now. N-nakakalabas ka na sa manika."ngumiti ako ng mapait..

"Jeanne..kahit gustuhin ko man,hindi ko makakaya."sagot ko sa kanya.

"E-eh p-pwede mo naman akong iwan dito eh..k-kaya ko naman"-_-

"Assumera. Hindi iyon yung ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin,kahit lumayo ako,babalik at babalik lang uli ako dito ng paulit ulit dahil nasa kanya yung kaluluwa ko."mahabang paliwanag ko sa kanya."Ayos na ba yung sugat mo?"

"Sugat lang tawag mo dito? Seryoso ka?"sabi niya sabay turo sa likuran niya.

"Anong gusto mong tawagin ko diyan? Hiwang balat? O sige,ayos na ba yung hiwang balat mo? Ang panget pakinggan diba?"pamimilosopo ko sa kanya..nagkatinginan kami at walang dahilang natawa.

The Dark RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon