Jeanne's POV:(W/n:andaya meron parin siya ng part dito sa story😪)
Tulala akong naglalakad papuntang klase ng may nakabangga ako..
"Hala,nako sorry Jeanne."sabi ni Ashley Margaret tsaka ako tinulungang pulutin ang mga libro ko...
Nang tumayo kami at mataman ko siyang tinitigan sa mata.
"J-Jeanne? O-okay ka lang?"
"Mag-iingat kayo."sabi ko tsaka naunang umalis.
Ashley Margaret's POV:
"Huy ayos ka lang?"takang tanong ni Jom sakin.
"Oo nga,ayos ka lang ba nay? Namumutla ka oh."sabi ni Ali habang tinuturo ang mukha ko.
"A-ahh oo. Ayos lang ako."sabi ko tsaka tumingin sa daan kung saan pumunta si Jeanne...
Anong ibig niyang sabihin?
TULALA lang akong nakatingin sa pagkain ko habang sinusundot sundot ang kanin ko...
Tila nawalan ako ng gana at bumabagabag parin sa isip ko yung sinabi ni Jeanne..
'Mag-iingat kayo.'
Bakit kami mag-iingat?
Saan o kanino kami mag-iingat?'DIE!'
Nabitiwan ko ang kutsara ko ng may nag-flash na imahe ng isang babaeng duguan sa utak ko na may hawak na kutsilyo...
"Okay ka lang ba talaga Ash?"tanong sakin ni Ashley ngumiti lang ako bilang sagot...
S-sino yung babae na yon?
"BULAGA!"napaigtad ako sa upuan ko ng gulatin ako ni Kurt."Sabi na nga ba hindi ka ok eh! Wala ka sa sarili mo oh!"
"Ayos ka lang ba talaga nay?"nakakunot ang noo na tanong sakin ni Alexis.
"Ano ba naman kayo. Ayos lang naman talaga ako eh! Still breathing and stalking Bangtan"pabiro kong sabi sa kanila pero seryoso parin ang tingin nila sakin kaya napabuntong-hininga nalang ako.."Ayos nga lang ako"
"Nay naman eh!"nagulat ako ng biglang umiyak si Alexis na agad namang inalo ng katabi niyang si Jom..
"H-huy w-wag ka ngang umiyak...baka ako sisihin tapos madention ako ng wala sa oras."sabi ko tsaka pinunasan ang luha niya gamit ang tissue..
Pinagigitnaan kasi namin si Alexis(Jom and Me)
"K-kasi alam k---"
"Wag kang mautal mukha kang asong ulol."pinanlakihan naman ng mata ni Jom si Dhennzel at sinamaan naman namin ito ng tingin.
"AYEN!"napatayo ako ng makita ko sila Ayen na napatingin naman sa gawi ko dahil sa pagsigaw ko..
Lumapit ako sa kanila.."N-nakita niyo ba si J-jeanne?"kailangan ko kasi siyang makausap.
"Hindi namin siya kasama kanina pa."si Andrei na ang sumagot at pinauna si Ayen sa table.
"Di niyo ba siya nakita o napansin man lang?"imposible namang hindi diba? Papunta siyang klase kanina nakita ko rin siya!
Nagulat ako ng iling lang ang sinagot niya.
BINABASA MO ANG
The Dark Room
HorrorHighest Rank Achieved: Rank #75 in Horror Mga taong binabangungot.. Mga biktimang konektado sa isa't-isa.. Kamatayang walang kasiguraduhan kung mapipigilan nga ba.. Walang kasiguraduhang desisyon.. Dapat nga bang isekreto o humingi ng tulong ng iba...