NAGISING ako sa isang madilim na kwarto..(The Dark Room😂😂)tinignan ko ang paligid at sinubukang umaninag ng kahit ano..ngunit wala akong makita.Nagulat na lamang ako ng biglang bumukas ang pinto dahilan upang masilaw ako sa liwanag na nanggagaling roon..katapat ko lamang pala ang pinto..
"Oh,gising na pala ang main course natin.."sabi ng isang pamilyar na boses..
Akala ko ay iisa lamang ang tao ngunit naging tatlo ang itim na bulto ng tao na nakikita ko ngayon sa aking harapan..
"S-sino kayo?"kinakabahang tanong ko..nanghihina ako.
"Aww..di niya tayo kilala.."rinig ko namang sabi ng isa pang pamilyar na boses..
"Di mo talaga kami kilala?"sabi pa ng isa..
Tatlo sila,
Base sa boses..
Dalawang babae,isang lalake ang naririto..maliban sakin.
"Tch."rinig kong sabi ni hindi ko kilala..
Napapikit na lamang ako ng biglaang bumukas ang mga ilaw..
Hinayaan ko munang mag-adjust ang paningin ko sa liwanag bago ko sila tinignan.
"Ngayon kilala mo na ba kami?"nakangising sabi niya.
H-hindi..
"A-anong.."inilibot ko ang aking paningin at nanginig ng puno ng manika ang kwartong ito.
"N-nasaan ako..?"kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Hulaan mo.."nakangiting aso niyang sabi..
"W-wag mo sabihing..."nanlaki ang aking mga mata ng maalala ko ang lugar kung saan takot na takot ako...
"Congrats, nalaman mo agad."sabi naman ng lalaki--siya..
"Anong kailangan niyo sakin?"matapang na tanong ko sa babaeng tahimik lamang na nakatitig sakin..
Nangilabot na lamang ako bigla ng ngumisi ito.
"Kilala mo ba si Luna? Hmm? Euri?"at sa narinig kong yun ay napatulala lamang ako sa kawalan..
"Hindi ko siya kilala."tanggi ko..hindi dapat madamay si Luna...
"Oh? Talaga? Kahit na sabihin kong.."lumapit siya sa akin at bumulong.."nasa akin ang kaluluwa niya?"
Dahil doon ay nanlaki ang aking mga mata at sinubukan kong magpumiglas sa kadenang nakalock sa pulsuhan ko..
"Anong kailangan niyo sa akin?!"galit na sigaw ko habang pilit na hinahatak ang kadenang nakadikit sa pader upang makalapit sa kanya.. sa kanila.
"Hanapin mo si Luna."sabi ng lalaki..
"Hindi ba't sabi mo na nasa iyo ang kaluluwa niya? Bakit niyo pa siya papahanap sakin?"galit man ay mahinahon ko pa rin silang tinanong.
"Nasa akin nga ang kaluluwa niya wala naman sakin ang katawan niya."
"Anong gusto mong gawin ko? Hukayin ang lahat ng puntod sa bawat sementeryo?"sarkastikong tanong ko sa kanya.
"Hahaha!"tinawanan naman siya ng walang hiya..o ako ang tinawanan niya?
"Hindi naman kasi patay si Luna..nawala lang siya hindi ba? Sinisi ka pa nga eh,pero ang totoo sinadya. Winala siya,hindi nawala."nagtaka naman ako sa kaniyang sinabi..
"Anong ibig mong sabihin?"
"Well, sabihin na natin na kasama na ngayon ng aking mga biktima si Luna."sabi naman niya dahilan upang mapangisi ako.
BINABASA MO ANG
The Dark Room
HorrorHighest Rank Achieved: Rank #75 in Horror Mga taong binabangungot.. Mga biktimang konektado sa isa't-isa.. Kamatayang walang kasiguraduhan kung mapipigilan nga ba.. Walang kasiguraduhang desisyon.. Dapat nga bang isekreto o humingi ng tulong ng iba...