Matalim ang mga tingin namin habang naka-titig kami sa manika na inilagay ko sa mesa na ngayon ay pinalilibutan namin. Gising narin si Hazel pero hindi gaya namin,nakatabingi at nagtataka itong nakatingin sa manika."Ano to?"hahawakan na sana ni Hazel ang manika ng mabilis na tinapik naman ni John Christian ang kamay na aabot sana dito."Aray naman."naka-pout na reklamo nalang ni Hazel habang minamasahe ang kamay nito.
"Hazel,m-may hindi ka ba kinukwento samin?"kinakabahang tanong ko sa kanya.
Napansin kong natigilan siya na mas lalong nagpadagdag sa kaba na nararamdaman ko..
Nag-aalinlangan niyang iniling ang ulo niya kaya nahalata naming lahat na nagsisinungaling siya sa amin...
"Ano yun? Anong tinatago mo?"nakita ko ang paglunok niya kaya napabuntong hininga nalang ako..
Iniling niya ang ulo niya habang nakayuko...nagsimula akong kabahan ng bumilis ang pag-iling niya..nagtagal iyon ng ilang segundo bago siya tumigil..
"H-Hazel?"kinakabahang tanong ko tsaka humakbang paatras..baka kasi maulit ang nangyari kanina..
Narinig ko ang pag-ismid niya tsaka nag-angat ng tingin..ngumiti siya,"Ayos lang ako,wag niyo akong alalahanin..."
Kahit sinabi niya iyon ay kinabahan parin ako dahil nakita ko ang parang pulang likido na umikot sa mata niya kani-kanina lang...
"Hazel,please sabihin mo na samin..ayoko pang mamatay."naiiyak na sabi ni Ashley habang nakahawak sa braso ni Hazel..
Napakagat ako ng labi dahil sa awa ko kay Ashley..dahil na rin sa pangangamba.
Mas lalong napadiin ang pagkakagat ko sa labi ko ng marahas na umiling si Hazel habang umiiyak.
"H-Hindi,hindi ko p-pwedeng sabihin sa inyo*huk* a-ayokong m-mamatay..."sabi niya habang umiiyak parin na nagpatigil sakin.
Bakit siya mamamatay?
"Jennie."napatingin kaming lahat kay Bridget na nakaupo lang sa kama..
"B-Bakit?"napakunot ang noo ko ng mahimigan ko ang kaba sa boses niya.
'Anong kinakatakot mo Jennie?'
"Pano mo nalaman ang lugar na iyon?"tanong niya kay Jennie..
Anong lugar? Yung mansyon ba?
Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa naisip ko..
"Pano mo nalaman ang mansyon na iyon?"
Tumingin ako kay Jennie at umatras,ganun rin ang ginawa ng iba..
"K-k-kasi...kasi d-doon---"bago pa matapos ni Jennie ang sinasabi niya ay nagsuka siya ng dugo dahilan para umatras uli ako.
"J-Jennie..."halos pabulong na bigkas ni Kristine...
"W-wag..."huling sinabi niya bago siya bumagsak sa sahig.
Una kong napansin ay ang matalim na gunting na kaninang hawak ni Zander...sa likuran ni Jennie.
Napatingin ako sa lamesa na nasa likod ni Jennie at nanlaki ang mata ko sa nakita ko..
Y-Yung manika..nakatayo...n-nakangisi...
Nagulat nalang kami ng tumakbo ito palayo,huli na ng habulin namin ito dahil nakalabas na siya ng pinto at lumabas sa bintana ng 1st floor..
Tumingin ako sa hagdan kung saan naroroon si Zildjan habang buhat buhat si Jennie pababa...
BINABASA MO ANG
The Dark Room
HorrorHighest Rank Achieved: Rank #75 in Horror Mga taong binabangungot.. Mga biktimang konektado sa isa't-isa.. Kamatayang walang kasiguraduhan kung mapipigilan nga ba.. Walang kasiguraduhang desisyon.. Dapat nga bang isekreto o humingi ng tulong ng iba...