Chapter 3

13 3 0
                                    




"ANONG pangalan mo?"tanong ko sa bata pagkatapos nila itong gamutin.

Ngunit umiling lamang ito.

"Hey. Wag kang matakot."sabi naman ni Jennie sa kanya,tinignan naman niya ito tsaka umiling

"A-ayaw ko pa pong mamatay."nagtaka man ay nagtanong parin ako.

"Hindi ka namin sasaktan. Gusto lang namin malaman ang pangalan mo."ngumiti pa ako para pagaanin ang loob niya ngunit umiling lang ulit siya.

*tok *tok *tok

Napatingin kaming lahat sa pinto ng may kumatok dito.

Bumukas ang pinto..

"Jeanne...."rinig kong sabi ni Emman ngunit nasa kanya parin ang tingin ko.

Balewala siyang lumapit sa manika at kinalagan ito...ipinasok niya ito sa bag na dala niya.

Hinawakan ko naman ang kamay ng bata ng manginig ito.

"A-ate,w-wag. Please po..."nagmamakaawang sabi ng bata habang nakatingin kay Jeanne.

"Wala na tayong magagawa Luna. Pasensya ka na. Hindi kita maililigtas. Hindi namin kayang sumuway sa kanya.."naaawang sabi naman ni Jeanne sa bata.

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa bata ng lumakad siya papalapit sa amin.

Hinawakan niya ang bata sa kabilang kamay nito ngunit hinatak ko ito mula sa kanya.

"Akin na ang bata Christine."sabi niya sa akin.

"Hindi pwede."matigas na sabi ko naman.

"Ibigay mo na siya bago pa siya makapunta dito!"sigaw niya sa akin kaya napasigaw na rin ako.

Naghihilaan kami ngayon ng bata.

"Hindi ko siya hahayaang mamatay!"sigaw ko na nakapagpatigil sa kanya.

"Bitiwan mo na siya bago pa isa sa inyo ang mapahamak ngayong araw."malamig na sabi niya ngunit hindi ako nagpatinag.

"Hindi ko iyon hahayaan. Walang mamamatay."

"Matagal ng may namatay Christine. Si Luna,ako,Zandria,Kristine Joy at si Margaret. At hindi mo iyon napigilan."ganti niya sakin kaya nanlaki ang mata ko.

"Hindi ka pa patay Jeanne! Lalong lalo na si Luna!"segunda naman ni Bridget.

"Si Luna oo buhay pa nga siya pero hindi ang kaluluwa niya. Ako? Kinuha niya rin ang kaluluwa ko. At tsaka ako pinatay!"sigaw naman niya.

"Anong ibig mong sabihin?"seryosong tanong ko sa kanya.

Itinaas niya ang laylayan ng damit niya hanggang pusod tsaka nag iwas ng tingin.

"Oh my God.."rinig kong sabi ni Jom.

Nakita namin ang isang malaking hiwa sa kanyang tiyan..

"H-hindi..."naiiyak na sabi ni Kristine..

"Aalis na ako. Masyado na kayong maraming nalalaman."sabi niya tsaka umalis. Ngunit bago pa man niya mabuksan ang pinto ay lumingon uli siya."Bahala kayo kung aalagaan niyo si Luna. Pero ito ang tandaan niyo,wala kayong mapapala sa kanya. Baka siya pa ang pumatay sa inyo. Kontrolado siya. Tandaan niyo yan."sabi niya tsaka umalis na ng tuluyan.





"SINONG nandyan?"tanong ko sa kawalan mg may marinig akong kaliskis.

Naririto ako ngayon sa hindi ko kilalang lugar.

Madilim.

"Sinong nandyan?!"sigaw ko ng kumaliskis uli..mas malapit na ito sakin base sa lakas.

Sinubukan kong maglakad ngunit nadapa lamang ako..

Lubak lubak. Yan ang nararamdaman ko sa pagkakahawak ko sa lapag.

Kinapa ko naman ang lugar kung saan ako nadapa..

Hindi ko alam kung ano ito ngunit ang alam ko lang ay palaki ito ng palaki..ugat..puno..mga puno..nasa gubat ako. Isang madilim na gubat.

"Kaliwa,kanan o gitna"rinig kong boses sa gilid ko dahilan upang mapatingin ako dito.

Kinapa ko ang lugar na iyon ngunit wala akong makapa rito.

"Mamili ka..."rinig ko naman sa likod ko ngunit gaya kanina,nawawala ito agad.

"Sa liwanag kung saan makikita mo ang totoo.."gaya kanina,nawala rin ito.

"Sa kadiliman kung saan wala kang mararamdaman.."gusto ko mang magsalita ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita.

"O sa lugar kung saan---"

"CHRISTINE!"

"AAH!"napaupo na lamang ako sa kama ng magising ako..

"Ano ka ba naman! Malelate ka na! Kailangan ka na dun sa simbahan! Hala sige,bilis!"agad agad akong kumilos ng sigawan ako ni lola.

Linggo nga pala ngayon...



"CHRISTINE.."

Napatingin ako sa kanan ko ng may tumawag sakin.

Nakita ko ang isang mabilis na aninong lumiko.

"Oh Tine saan ka pupunta?"tanong ni Zildjan,kasama ko kasi siya sa church,ng susundan ko na sana yung anino.

"Ahm,diyan lang. Sandali lang ako."paalam ko sa kanya tsaka lakad-takbong hinabol ang anino.

"Christine.."

Nasan ka ba?

Pumasok ako sa isang kwarto..

Teka..

Kwarto to ng mga bata ah.

Aalis na sana ako sa kwartong to ng may tumawag sakin..

"Christine.."

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto..

"Sh--"muntikan pa akong mapamura--buti nalang at naalala kong nasa simbahan ako kundi bagong kasalanan nanaman to. Kakakumpisal ko pa lang naman kanina.

"A-ate.."naestatwa ako habang nakatitig sa batang-hanggang-ngayon-ay-di-ko-parin-kilala na nakabitin ngunit iniaangat nito ang kamay niya na para bang inaabot ako...

Anong ginagawa niya dito?

Paano siya nakapunta rito?








Short Update😊😊😊

The Dark RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon