NARIRITO ako ngayon sa gym..Inihagis ko ang bola at tinitigan ito habang tumatalbog...
Ng bigla itong huminto...sa ere.
Dahilan upang ako'y kilabutan.
"Sinong nandyan?"tanong ko sa kawalan.
"Kaede."rinig kong tawag sa akin kaya napalingon ako sa aking kanan kasabay ng pagbagsak ng bola sa sahig."Anong ginagawa mo dito? Practice?"tanong sakin ni Dhennzel.
"Ah--oo."sabi ko sabay balik ng tingin sa bola na ngayon ay nasa kabilang dulo na.
Nilapitan ko ang bola at kukunin na sana ito ng biglang may kamay na humawak rito.
Di ko makuhang gumalaw habang nakatitig sa kamay na nakahawak sa bola.
Maitim ito sapagkat nababalutan ng putik.
May mga sugat rin na nagdudugo..tila isang malaking hiwa na tinahi ng basta basta.
Meron ring mga aakalain mong atay ng tao na nakapalibot dito.
"Hoy."nabalikang aking tingin kay Dhennzel ng hawakan niya ang balikat ko.
"Bakit?"
"Tulala ka dyan?"tanong niya.
"Ah..wala,may naalala lang."sabi ko tsaka tumayo ng maayos.
"Oo nga pala,nakapunta ka na ba dun kayla Sam?"tanong niya tsaka itinabingi ang ulo,tanging iling lang ang sagot ko."Ganun? Sige sabay nalang tayo mamaya pumunta dun."tinanguan ko lamang siya tsaka siya nagpaalam at umalis.
Muli,ibinalik ko ang tingin ko sa bolang hawak ko ngayon.
"Kaede..."isang malamig na tinig ang aking narinig. Unti unti kong iniangat ang akong paningin hanggang sa makita ko ang isang babae...
Babad sa putik ay madungis,halata ang mga sugat at..
May malaking hiwa sa pisngi.
NARIRITO ako ngayon sa isang kwarto,nakaupo sa gitna habang nakasandal ang aking likod sa headboard. Nakatiklop ang aking mga tuhod habang yakap yakap ko ang mga ito...
Ilang araw na rin akong naririto.
Ito raw ang kapalit ng hindi ko pagsunod sa kanila..
Muli kong tinignan ang kadena sa kaliwang paa ko na nakatali at nakakadena ang dulo sa isang shelf na puno ng mga babasaging bagay.
Kung hahatakin ko ito ay siguradong mababasag ang mga ito at malalaman nilang tumatakas ako.
Kreeeck*
Nabaling ang aking tingin sa pinto ng bigla iyong bumukas. Siniksik ko ang aking sarili sa gilid habang nakatitig parin dito.
"S-sino yan?"kinakabahang tanong ko.
Napalunok ako ng makita ng may sumilip na ulo rito..
"Euri."napatingin ako sa mukha niya ng tawagin niya ako.
"Z-Zandria?"pumasok siya.
Lumapit siya sakin,ako naman ay mas sumiksik sa gilid.
"Wag kang mag-alala hindi kita sasaktan."ini-lock niya ang pinto tsaka lumapit sakin...
"Zandria..a-anong ginagawa mo dito?"napapalunok na tanong ko...
BINABASA MO ANG
The Dark Room
HorrorHighest Rank Achieved: Rank #75 in Horror Mga taong binabangungot.. Mga biktimang konektado sa isa't-isa.. Kamatayang walang kasiguraduhan kung mapipigilan nga ba.. Walang kasiguraduhang desisyon.. Dapat nga bang isekreto o humingi ng tulong ng iba...