Bago pa makalapit ang tatay niya ay naramdaman ko nalang ang paghatak sakin at tsaka ako nilamon ng kadiliman...Nasa isa akong gubat...
"Hahaha."rinig ko sa nakakakilabot na tawa ng isang bata...
"Huk. "napa-atras ako ng may nakita akong amino na mabilis na dumaan sa harap ko."Sinong nandyan?"kanakabahang tanong ko pero ang nakakakilabot na tawa ulit ng bata ang narinig ko.
Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa nakita kp ang batang may hawak ng--"Sandali!"dali dali akong tumayo at hinabol ang bata nang tumakbo siya.
Napahinto nalang ako nang makita ang mansion sa harap ko.
"Isip,Kaluluwa,Katawan. Kaligtasan, Kaibigan, Sandalan."tinignan ko ang bata sa gilid ko na sa akin nakaharap ang katawan ngunit sa mansion nakatingin.
Napansin ko rin ang nakatagong kamay nito.
"Kailangan nang magdesisyon..kung pansariling kapakanan, o para sa kaibigan. Maaaring manatili.. O bumalik para makipagsapalaran kay kamatayan. Hindi kailanman matatakasan, ang isang bagay na itinakda sa iyong kapalaran. "hindi ko man naintindihan ang huling pangungusap.. Ay lumapit parin ako sa kanya...
Pero nagulat nalang ako ng humarap siya sa akin ng pabigla.
"Magdesisyon ka na, mamatay ka, o mamamatay sila."hindi ko maiwasang kabahan sa sinabi niya.
"A-ano bang---"
"Ngayon na."pagputol niya sa itatanong ko.
Natahimik ako sa kaba. Sarili ko o...kaibigan ko?
Kristine... Bridget... Donna... Adriene...Jeanne.. Jennie... Walanghiyang boys..
Hindi ko na kinaya ay napaluhod at napahagulgol nalang ulit.
"Bilisan mo. Pag di ka agad makakapag desisyon, pareparehas kayong mamamatay."wala paring emosyon na sabi niya.
Ibig sabihin, ako ang kamatayan? Habang nag iisip ako ay may mga alaalang sumasagi sa utak ko.
"Walang iwanan ha? "sabi ni Kristine.
"Oo nga! Kahit anong mangyari sama sama tayo!"sabi naman ni Bridget.
"Syempre! Bata may pagkain, forever tayo! "alam niyo na kung sino yan.
"Basta, kahit magkamatayan man! Bestfriends parin tayo!"sang-ayon naman ni Jennie.
"Oo nga! Tignan niyo guys oh! Gumawa ako ng chibi version natin oh! "
"Ang wi-weird niyo pramis."singit naman ni Donna.
"I feel you. "haha ako yan.
"Ang kj niyong dalawa! "saka kami niyakap ni Donna dahil ng pagtatawanan namin. 😔
"Uy! Gusto siya ni Emman! "panunukso ni Ayen kay Jeanne.
"Uy! Loves loves siya ni Andrei! "sabi naman ni Jennie kay Ayen.
"Di ka naman gusto ni Zildjan 😜😜😜"realtalk ni Bridget kay Jennie.
"Mahal ka naman ni Baren"sabi ko kay Bridget habang sila Kr at Donna ay nakatingin lang sa amin habang tumatawa.
"Girls, pwede sumali sa inyo?"
Dun na ako mas umiyak. Kung hindi sana ako pumayag hindi sila madadamay. Kahit anong mangyari sama sama tayo... Kahit magkamatayan.. Magbestfriends tayo.
Iniangat ko ng ulo ko at tumingin sa bata.
"Nakapagdesisyon na ako."nakita kong napangiti siya ng onti na tipong nababasa ang isip ko.
BINABASA MO ANG
The Dark Room
HorrorHighest Rank Achieved: Rank #75 in Horror Mga taong binabangungot.. Mga biktimang konektado sa isa't-isa.. Kamatayang walang kasiguraduhan kung mapipigilan nga ba.. Walang kasiguraduhang desisyon.. Dapat nga bang isekreto o humingi ng tulong ng iba...