(SHORT POVS AHEAD! Beware sa mga magugulong point of view!!)
NANDITO kami ngayon sa puntod ni Sam..
Kanina lang siya inilibing.
"Kaede.."ramdam ko ang pagtapik ni Riley sa braso ko..
"Hmm?"
"Tara laro. Meron akong nakitang basketball court diyan sa gilid oh.."tinignan ko siya...
"Sige."tumayo na ako at nagsimula na siyang maglakad.
Sumunod naman ako..
Nasa harap kami ngayon ng isang mansyon. Tama nga si Riley,may court sa gilid nun.
Nang makarating kami duon ay nakita ko sila Lance at Dhennzel na nagdi-dribble ng bola.
"Oh guys,game na. 2v2!"tawag pansin sa kanila ni Riley..
Habang naglalaro..ipinasa ko kay Dhennzel ang bola na siyang kakampi ko..
Inilibot ko ang tingin ko dahil kanina pa ako nakakaramdam ng kilabot..
Ngunit isang manika lamang ang nakita ko..
"Kaede!"tawag nila sa akin ng mapaupo ako.
"Aw.."daing ko naman kasi tinamaan ako sa noo ng bola..
"Anong nangyayari sayo?"takang tanong ni Lance tsaka inilahad ang palad..
Tinanggap ko naman ito at tumayo..
Kesa sagutin ang tanong niya..
Ang manika ang nilapitan ko..
"Itim.."
Nilibot ko ang paningin ko upang hanapin kung sino ang nagsalita gamit ang babaeng boses ngunit wala naman akong nakita..
"Hindi Zandria ang pangalan ko Luna.."
Nabitawan ko ang manika at kinakabahang tumingin kayla Dhennzel..
"Oh? Anong problema?"tanong ni Dhennzel.
"Kailangan natin silang puntahan."
Ngunit bago pa man ako makahakbang ay narinig nanamin ang pagsara ng gate..
Tinignan ko ito..
At nakita ang manika.
"Gusto ko ang mata mo..kulay itim."rinig kong sabi nito habang nakatutok ang isang patalim sa akin.
(Sa mga naweiweirdohan sa manika..yung manikang sinasabi diyan ay hindi voodoo doll ok?? Yung parang baby alive yung style niya pero--basta ganun.)
Naglakad papalapit samin yung manika kaya hindi ko maiwasang kabahan.
"A-ano ka?"rinig kong tanong ni Riley.
"Ako si Yuki!!!!"pasigaw na sabi nito sabay tawa ng nakakakilabot.
Malapit na siya sa amin ng bigla siyang huminto.
Binitiwan niya yung kutsilyo at parang bata na pumalakpak.
"Pumili na siya..pumili na siya.."tsaka iyon nasundan ng isang nakakapangilabot na tawa.
Tumitig siya sa mga mata ko tsaka dahan dahang iniangat ang kanang kamay.
"Paalam."nasundan iyon ng isang nakakapangilabot na tawa. Naglaho na siya kasabay ng paghangin ng malakas ngunit rinig na rinig parin dito ang nakakapangilabot niyang tawa..
BINABASA MO ANG
The Dark Room
HorrorHighest Rank Achieved: Rank #75 in Horror Mga taong binabangungot.. Mga biktimang konektado sa isa't-isa.. Kamatayang walang kasiguraduhan kung mapipigilan nga ba.. Walang kasiguraduhang desisyon.. Dapat nga bang isekreto o humingi ng tulong ng iba...