"Zenelle ija, ready na ang breakfast pinapatawag kana ng dad mo. Sabay daw kayong kakain ngayon." katok sakin sa labas ni manang Lilly ang pinaka close ko sa mga maid mas close pa nga kami kaysa kay dad eh. Himala hah makikisabay siyang kumain sakin. Asan na yung babae niya?"Pakisabi nalang po na wala akong ganang kumain, tsaka papasok narin po ako. Salamat." magalang na sagot ko sakanya. Well napamahal nako sakanya dahil inalagaan niya ako simula nung mamatay ang mommy ko parang siya na yung pangalawa kong ina. Kaya malaki ang pasasalamat ko na nandito siya for me, na lahat ng oras at atensyon niya binibigay niya sakin. Di gaya ni Daddy puro work at babae lang ang inaasikaso niya simula nung mamatay si Mommy.
Naalala ko nanaman si mom. It breaks my heart everytime na iisipin kong may iba na si dad. I feel sad for my mom.
Gusto kitang yakapin ng mahigpit ulit.
Gusto kong matikman ang mga luto mo.
Gusto ko ulit maramdaman ang boses mo tuwing matutulog at magigising ako. At Gusto kona ulit maranasan ang bonding natin tatlo ni Daddy. Bakit kasi iniwan mo ako Mom? Bat iniwan mo kami ni Daddy?I really really missed you mom :( nothing compares to the love you have given. I won't accept that girl mom i promise.
Pesteng mga luhang ito, kailan ba mauubos 'to. Bakit hindi nagsasawa ang mga mata ko sa pagluha?
Dali-dali akong tumayo at pinahid ang luha ko at nag tungo ako sa Bathroom.
At pagkatapos kong magbihis ay agad na akong lumabas sa kwarto ko at bumaba, then nakita ko nanaman ang mapagmahal kong ama.
"Zennelle, Are you crying?" Tanong sakin ni Dad.
Owww. Wow? He's concern! For the first time, but sorry dad I'm still mad at you.
"Gotta go. dad" sabi ko at hindi ko na hinintay na magsalita pa siya dahil mabilis akong lumabas ng bahay at nagtungo sa sasakyan ko.
I'm craving for Cake, Shit! Gusto ko talaga ng Cake but saan ako bibili ng cake ng ganito kaaga? Tch.
I already started the engine. I'm sure magugulat si Niann pag maaga ako.
*
"Ohh? It's a miracle, Why so early girl?" Niann ask me ng magkita kami sa tambayan naming dalawa. As what i expected ganyan ang reaksyon niya.
"Tsss. I want Cake." sagot ko nalang sakanya. Kaya naman nagtaka siya.
"Tsk anong konek teh? At saan naman tayo bibili ng cake huh?" Tanong niya sakin.
"I don't know. basta nagugutom nako dahil hindi ako kumain sa bahay. cake lang talaga ang gusto kong kainin ngayon." nakasimangot na sabi ko.
"Para kang naglilihi. Let's see kung meron sa cafeteria ng ganitong oras." She suggested.
"Good idea." I said then naglakad na kami papunta sa Cafeteria.
"Hmm, Do you have Cake?" Tanong ko sa nagtitinda.
"Naku, sorry maam wala pa pong available ng ganito kaaga. Mamayang mga nine or ten pa po." magalang na sabi ng ng nagtitinda.
Arghhhh! Gusto ko ng Cakeeeeee!
"Alam ko na girl." Nakakalokong sabi ni Niann.
''What is it?" Takang tanong ko.
"Punta tayo sa baking class, I'm sure na meron silang cake doon" sabi niya' at yeah! I'm sure meron nga doon. Buti naman nagamit niya yung brain niya ngayon? Haha!
"K. Let's Go" Sabi ko at naglakad nanaman kame.
Saktong pagpunta namin doon ay nakita namin ang isang babae na tumakbo patungo kay Vayler. Heto na naman po tayo.
Huh? Bat ang aga ni Vayler? And bat hindi siya naka-Uniform? Eh Ano naman ngayon Zennelle!? Tss.
"Vayler i baked this strawberry cake for you." masayang sabi ng babae.
Wow! Ni hindi man lang siya tinignan ni Vayler, tsk ang mean mo mr. Arrogant grr.
"Sayang yung Cake kung hindi niya tatanggapin." bulong sakin ni Niann at napapailing pa.
"Yeah, Mukhang masarap yung Strawberry Cake niya." sagot ko habang nakatingin sa blangkong reaksiyon ni Vayler.
"Vayler, Nahirapan ako sa pag prefer nito. I hope na magustuhan mo ito." sabi nung babae kay Vayler.
Huminga ng Malalim si Vayler, at mukhang kukunin na niya yung Cake. Really?
But I'm wrong...
"Give that cake to that girl." Sabi ni Vayler na ikanagulat namin ni Niann. Nakaturo sakin ang isang kamay niya but hindi siya nakatingin sakin. Bad trip hindi man lang ako tinignan. Eh ano naman?
"But this is for you." Angal nung Babae. Aww! Kawawa naman yung girl pinaghirapan niya yun para kay Vayler.
Narinig ko naman ang pag sipol ni Niann sa tabi ko kaya napatingin ako sakanya. alam kona kung anong ibig niyang sabihin.
"I don't care, Just give that to her and get lost." sabi niya at naglakad na palayo samin.
Malungkot na lumapit sa amin yung girl at iniabot ang cake na dala niya.
"This is for you." sabi niya, at ngayon ko lang napag tanto na maganda ang babaeng ito and she looks so kind.
''Thanks." tipid na sagot ko sakanya atsaka siya nginitian ng kaunti.
Ngumiti lang siya at naglakad na palayo. I can feel na nadisappoint talaga siya.
"Wow girl, Haba ng hair mo. Ano bang shampoo ang gamit mo hah? What is it? What is it?" pang-aasar naman sakin ni Niann.
"Shut up, kainin nalang natin ito dahil nagugutom na talaga ako." sabi ko at hinila siya sa may Bench.
Ng makaupo kami ay agad kong in-open ang cake and it was nice dahil may gold spoon pa talaga siya sa loob. And i can say na... Ang effort niya, grabe! Sayang lang talaga ang effort niya oh my. I feel bad for her.
"Woooaah! It looks Delicious. I think she's really good at baking." Puri naman ni Niann.
"Yeah." sagot ko at susubo na sana ako ng cake ng may marinig akong boses sa aking tenga.
"Enjoy eating, My love" Pamilyar na boses nanaman ang narinig ko. dahan dahan kong binaba ang spoon ko.
"Hindi mo ba narinig 'yon Niann?" Takang tanong ko kay Niann.
"Ang alin, Girl tayo lang ang nandito noh. Tinatakot mo ba ako?" Natatakot na sagot niya habang pabaling baling ang tingin sa paligid. And yes kami lang pala ang nandito sa bench dahil maaga pa.
"Tsss. Nevermind" sabi ko at linantakan na ang cake. That girl just made my day haha!
Yesss! Ang sarap ng Cake, Succed ✔
YOU ARE READING
The Vampire in Love
VampireWhat if the guy you hated for being stone cold is actually a vampire, and he is secretly inlove with you? A/N: (ON-GOING) Bear with it guys.