9. I wish he never exist.

160 20 6
                                        


Hindi ako makaupo ng maayos, Hindi ako makagalaw ng maayos. Hindi ko mapigilan ang mabilis na pag tibok ng puso ko. Dahil ba sa epekto na katabi ko siya?

Sinabi ko sa sarili ko na kinaiinisan ko siya pero iba pala ang nasa puso ko. Hindi ko alam kung paano. At kailan nag simula pero kusa ko nalang naramdaman na nagugustuhan ko na ang yelong ito.

"Huh? Niann tapos na ba ang project natin?" Kunwaring tanong ko kay Niann dahil hindi ko na talaga kaya na makatabi siya dahil para akong nakukuryente tuwing magtatama ang mga siko namin.

"Ah? Wala-" pagbubuko niya kaya sinipa ko ang paa niya para malaman ang nais kong iparating.

"Ano wala ba?" Nakangising tanong ko sakanya na pinipigilan ang sakit ng pag-sipa ko sa paa niya.

"Ah Oo, meron pala hindi pa natin natapos yung sa P.E" pagsisinungaling niya.

"Oh tara na? Alis na tayo, tapusin na natin ang project natin sa P.E" Aligagang sabi ko.

Tatayo na sana ako ng may humawak sa balikat ko at inupo ulit ako.

Ano ba naman yan Vayler!?

"The last time I checked hindi required na mag bigay ng project ang mga P.E teachers dahil sa naganap na Sports Academic. So how come na may project kayo sa P.E subject?" Tanong ni Vayler habang nakatingin sa pagkain niya.

Whoahhhh! Oo nga pala, Bat kasi yun pa ang binigay na subject ni Niann!? Hindi nga pala kami pwedeng bigyan ng project ng mga teachers sa P.E dahil halos panalo ang School namin sa Sports. Shit kainis!

Zennelle? Calm down, don't panic wag kang pahahalata na nagsisinungaling ka, sge ka.

"Ah-eh yung nakaraan pa na Project yun. Since kami nalang kasi ni Zennelle ang hindi nakakapag pass kay Sir." Sabi ni Niann

Buti nalang magaling nagpalusot si Niann, dahil kung hindi mapapahiya lang kame.

"Oo yun nga." Pag sang-ayon ko.

"Its that so?" Tanong ni Dhevin.

"Yeah." Sabay naming sabi ni Niann.

"Okay, Finish your food then." Nagulat ako sa muling pag sasalita ni Vayler, buong akala ko ay papayag na siya. Anu bayan huhu.

"No its okay, busog na ako." Sabi ko at tumayo na pero hindi pa ako nakakatayo ng mag salita nanaman siya.

"I won't let you go, until you finish your food lady." Sabi niya ng hindi nakatingin sakin.

Whatttt? Ano bang pakielam niya ah?

"Baka kailangan niya nang umalis Dude, For the sake of their project." Sabi naman ni Dhevin.

Thanks Dhevin.

"Damn! Just finish your foood." inis na sabi niya at tumayo upang umalis na.

Ano bang problema niya? Bakit siya nagkakaganito? Sa pag kakaalam ko ay Hindi naman kami Friend. At mas lalong hindi kami Close? So what's the matter?

"What's wrong with him?" Naiinis narin tanong ko.

Nagkibit-balikat lang si Dhevin kaya inis akong tumayo at umalis.

"Girl? Wait me up." Narinig kong sabi ni Niann kaya binilisan ko pa ang lakad ko dahil gusto ko munang mapag-isa.

Naiinis ako dahil hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan siya. Naiinis ako dahil tuluyan ko na siyang Nagugustuhan. Hindi pala...

The Vampire in Love Stories to obsess over. Discover now