YES

2.3K 39 0
                                    


Chapter 8 - The Unexpected YES

Keep on reading, expectors <3

After 5 months

Katrina's POV


"Ma, antagal napong nanliligaw sakin ni Emanuel and alam ko naman pong seryoso siya sakin. Is it already the time for me to answer him? Bata palang po kami loyal na siya sakin. Sagutin ko na po ba?" Seryosong tanong ko kay mama.

"Anak, wala nako diyan sa part na sasagutin mo siya. Ikaw ang may hawak nang desisyon dahil puso mo yan. Ikaw ang nakakaalam kung mahal ka ba talaga niya at kung mahal mo rin siya. Ang sa akin nak, sagutin mo siya kung alam mong ito na yung perfect timing. Walang pagsisihan sa huli nak. At higit sa lahat, magtira ka din para sa sarili mo anak. Masaya ako para sayo." Mahabang pagsagot ni mama.

"Salamat po ma. Masaya ako dahil may lalaki pa palang seryoso. Sana lang hindi siya katulad ni papa." Shet naalala ko nanaman si papa. Bakit nga ba niya nagawa yun? Wala na ba kaming halaga sakanya? Hindi man lang niya kami nagawang ipaglaban. Sana maging masaya siya sa desisyon na at huwag siyang magsisisi sa huli.

"Nak, kahit na nasaktan ako, alam kong hindi lahat ng lalaki manloloko ha? May mga tao lang talagang hindi marunong makuntento at tumupad ng mga pangako. Basta tandaan mo lang na may lalaking magmamahal sayo. Ingatan mo sarili mo nak. Ingatan mo yung puso mo dahil 9 months kong pinaghirapang mabuo yan tas hahayaan mo lang na wasakin ng lalaki? Hahaha joke nak." Pabirong sabi ni mama sa huli na halos ikinaluha ko dahil hindi siya katulad ng iba na nagiging bitter pag naiwan tas itinutulad lahat ng lalaki sa nang-iwan.

The Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon