Chapter 42
After 2 weeks...
Okay na ulit ang lahat. Nabubuhay na ng masaya. Malaya na sa lahat.
Magkasamang pumunta si Yuna at Enzo sa simbahan upang magpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap nila.
"I feel so blessed for having you in my life." Wika ni Enzo habang nakatitig ng husto kay Yuna bago pumasok ng simbahan.
"And i'm so grateful for having you in my life, Enzo. Sobrang nagpapasalamat ako dahil ikaw ang una at huling lalaking mamahalin ko bukod sa tatay ko." Kita sa mga mata ni Yuna at Enzo ang tunay na kasiyahan.
"Halika na, magsisimula na yung misa" Wika ni Enzo sabay hawak sa kamay ni Yuna.
.....
Natapos na ang misa. Pero nagpaiwan si Yuna at Enzo.
"Yuna, napakasaya ko dahil malaya na tayo. Masaya narin tayo sa wakas. Gusto kong balik-balikan lahat ng mga alaala natin pero alam kong may mas maganda pa tayong hinaharap kaya mas pipiliin kong manatili dito sa kasalakuyan nang sa ganun ay mapaghandaan natin ang hinaharap. Alam mo Yuna, akala ko mamamatay nako. Sabi ko nga nung nasa America ako, napakatanga ko dahil di man lang ako nagpaalam sayo. Napakagago ko dahil alam kong nasaktan kita ng sobra. Pero andito ako ngayon para tuparin ang lahat ng mga pangako ko sayo. Buhay parin ako oh. Sinubok na ata tayo sa lahat ng bagay pero andito parin tayo, lumalaban at patuloy ang kasiyahan at kasaganahan. Kung may babaguhin man ako sa nakaraan siguro yun ay dapat ipinaglaban kita para hindi na nagkaganito pa. Pero naniniwala naman akong may kadahilanan ang lahat ng nangyayari sa mundong to. Saksi ang Diyos sa lahat ng pagsubok nating dalawa at alam kong tayo na talaga hanggang sa huli. Mahal na mahal kita Yuna." Hinalikan niya si Yuna sa noo.
"Enzo, alam ko kung gaano kahirap pinagdaanan nating dalawa pero tignan mo naman, mas naging matatag tayong dalawa. Maaaring ilang beses na tayong muntikang sumuko pero ang importante ay hindi tayo tuluyang sumuko diba? God is really wise and good. Hindi niya tayo bibigyan ng mga pagsubok na di natin kakayanin. Actually, natuto pa nga ko sa mga nagdaang pagsubok eh. That's why I always expect the unexpected things in life. Wala nang susuko sating dalawa ha? Pag may problema, sabihin. Ngayon pa ba tayo susuko kung kelan may anak na tayo. Ang sarap sa pakiramdam no? Dati gusto kong maging mala-fairytale ang buhay ko pero tale nga lang pala yun. Hindi yun magkakatotoo kasi andito tayo sa realidad. Realidad na walang perfect ending palagi. Nasa satin nalang kung lalaban tayo o susuko. Sa ngayon, puro positibo nalang ang iniisip ko. Mahal na mahal din kita, Enzo." Teary-eyed na si Yuna. Napakababaw talaga ng luha.
"Halika sa gitna ng simbahan, Yuna. Gusto kong maging saksi ang Diyos sa araw na ito." Hinila ni Enzo si Yuna sa gitna ng simbahan na siyang umagaw sa atensyon ng mga natirang tao sa simbahan.
"Yuna, hindi ko na sasayangin pa ang mga susunod na araw dahil gusto ko, akin ka na talaga." Biglang tinukod ni Enzo ang isa niyang tuhod sa sahig at may kinuha sa kanyang bulsa. "Yuna, will you marry me?"
Hindi makapaniwala si Yuna sa ginawa ni Enzo at bigla nalang bumuhos ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Yuna at Enzo.
"Yes, Enzo. I will marry you." Sabay yakap at halik. Nagulat sila ng biglang nagpalakpakan ang mga tao sa paligid nila. Nakalimot ata na nasa simbahan sila. Kanina pa pala sila vinivideo-han ng mga tao.
Expect the unexpected. Di mo talaga alam kung ano ang mga susunod na mangyayari eh.
After the unexpected wedding proposal, dumiretso sila sa bahay ng mga Lopez at talagang nabigla sila sa pangyayari. Ine-expect kasi nila na mapapatagal pa ang kasal dahil nga sa mga nangyari. Pero wala eh. Hangga't may time, dapat sulitin na. Well, it must be a best wedding. Tuloy na tuloy na to ah? Wala nang urungan.
Naging laman ng headlines si Yuna at Enzo dahil sa nag-viral na videos and pictures. Dala narin ng pagiging former model ni Yuna kaya mabilis na kumalat ang balitang engaged na sila.
Yuna checked her website. Matagal-tagal niya ring di nabuksan yun.
"Congrats Yuna and Enzo!"
"Sa wakas, matutuloy din!"
"YunZo is so real!"
"Sending loves to the both of you!"
"Sayang maliit pa si Yassi para maging abay"
And the most liked post on her website made her smile.
"Congratulations, Yuna and Enzo! Sending love to both of you :) Hope to see you soon, two! God bless your family ♡" From Yana Perez ♡
You know what? Letting go is the most fearless and most generous act of love.
Hindi porket mahal natin o gusto yung tao e sasakalin na natin. Hindi lahat ng bagay pwedeng ipilit. Kasi kung mahal natin, magiging masaya na lang tayo para sakanya/sakanila.The moment when Yuna read that post on her website, alam niya na okay na talaga ang lahat. It's easy to forgive when the person had changed already.
Acceptance. Forgiveness. Letting Go.
~
A/N: So guys, epilogue na po ang next
:( Gustuhin ko mang pahabain pero masyado nang kritikal yung storya. Pero nagpapasalamat talaga ko ng sobra sa tinawag kong "expectors", sainyong lahat ♡ I LOVE YOU ALL!
BINABASA MO ANG
The Unexpected
FanfictionExpect the unexpected. My first ever published story. Maraming typos, maraming errors, but I really did my best to give them a happy ending. Di ko na inayos lahat kasi this is my remembrance bilang newbie sa Wattpad world. But i'm so thankful dahil...