Goodbye

1.3K 25 0
                                    


Chapter 22 - Goodbye Yuna


Paano pag kailangan na talagang lumisan?


Paano pag di na kaya?



Mahirap takasan ang katotohanan.



Masakit man pero yun yung totoo.



2 weeks had passed and sobrang hina na ni Enzo.


His doctor advised him to have a treatment in America. Pero syempre hindi siya makikinig diba?



Pero miski pamilya niya nagpupumilit na na gamutin siya dahil ibang-iba na yung hitsura niya.


He's in Cebu. Pinaniwala ng pamilya ni Enzo na may kailangan lang siyang gawin dun para sa wedding plans nila pero hindi.

They went there para malayo sa stress. Wala man lang kaalam-alam si Yuna sa mga nangyayari. Ang alam niya eh okay pa ang lahat.


"Enzo, kelangan mo nang magpagamot sa America. Ikamamatay mo yang sakit mo. Akala mo ba mabubuhay ka nang dasal lang? Tignan mo nga yang sarili mo. Isipin mo din naman yung sarili mong kapakanan hindi yung puro nalang si Yuna."


"Pa, ayokong iwan si Yuna. Hindi pa kami ikinakasal. Hindi ko siya pwedeng iwan lang ng basta basta. Nangako ako. Nangako akong paninindigan ko yung mga sinabi ko sakanya. Mabubuhay ako. Mabubuhay ako ng mas mahaba pa." Tuluyan nang umiyak si Enzo habang iniisip ang mga maaaring sunod na mangyayari.


"Whether you like it or not, dadalhin ka namin sa America. Isipin mo din kaming pamilya mo. I'm begging you, Enzo. Hindi namin kaya ng papa mong mawala ka pati narin ni Emanuel. Kung masasaktan si Yuna, ano pa kami? Hindi lang si Yuna ang buhay mo. Madami kaming nagmamahal sayo." Pahagulgol na sabi ng mama ni Enzo.


Ilang weeks narin kasi siyang naka-confine. Hindi na talaga kaya ng katawan niya.


Enzo's POV


God, maawa kayo sakin please.



Gusto ko pa pong mabuhay ng mas mahaba.




May pamilya pa po ako. Madami pa po akong gustong gawin sa buhay.


Ilang linggo na kong nakahilata dito sa ospital. I feel numb.



At the same time, pagod na pagod na yung isip kong mag-isip ng mga bagay na hindi ko alam kung paano masosolusyunan. 



*week after


Kailangan ng pagdesisyunan ang mga bagay.




I'm sorry Yuna.




I'm very sorry.




"Sigurado ka bang hindi ka magpapaalam kay Yuna? Kawawa naman siya pati ang batang dinadala niya. Ilang weeks nalang ikakasal na kayo tapos di ka man lang nagpaalam." I sighed because of disappointment. Disappointed ako sa sarili ko. Sobra. Pati si Emanuel madadamay. Maiiwanan niya rin si Katrina.



"Gustuhin ko man pero di ko na magagawa personally. Alam mo namang di ko na kaya. Bro, pwede ka namang hindi sumama sakin. Ayokong madamay ka pa. Kawawa naman si Katrina. Wag kang gumaya sakin na basta basta nalang mang-iiwan. Mamaya may ibibigay ako sayong sulat at ipadala mo kay Yuna. Ikaw na bahala. Napakagago ko." My tears fell down from my eyes. I hate this feeling.




"Magkasama tayo sa hirap o ginhawa. Like you, magpapaalam din ako kay Kat through a letter. Alam ko kasing pag nagkita kami kukulitin niya ko about you. I respect your decision, kuya. Wala na tayong magagawa kung hindi tumaya sa mga bagay na mahirap tantsahin." He's already grown up. Nakakaintindi na talaga siya sa mga bagay bagay. Ayoko sanang may madamay pa sa pagdurusa ko pero gusto nilang damayan.




"Salamat, Emanuel. I owe you one. Thank you for everything. Pero sana naman pag-isipan mong mabuti yang gagawin mo dahil mahal mo yung mawawala sayo."




"Pero mahal din kita, kuya. Mas matimbang yung dugo."




Ang hirap.



Ang sakit.



Pero hindi na talaga kaya eh. Hindi na kaya ng katawan ko. Feeling ko na nga mamamatay narin ako eh.




Aalis na kami sa makalawa. Wala nang aatras. Wala nang takas sa katotohanan.




Sana hindi nalang ako bumalik kung iiwanan ko din pala siya. Wala kasing kasiguraduhan kung anong mga susunod na mangyayari.




Hindi ko alam kung makakabalik pa ba kong buhay. Hindi ko alam kung sakaling makabalik ako e maiintay pa ba ko ni Yuna.



Ang hirap tumaya diba? Ang hirap hirap. Ang sakit.




Nakakabaliw.




Pero eto na.




2 days after...




Gusto kong umatras pero hindi pwede. Lahat kami aalis. Si mama, papa, at si Emanuel. Natanggap na kaya ni Yuna yung letter?




Bago ko makatungtong sa eroplano, isa lang ang nasabi ko..



"Goodbye..." And my tears escaped from my eyes.






The Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon