Chapter 39
The days passed by quickly..
Hindi parin matanggap ng lahat ang pagkawala ni Yuna at Yassi sa buhay nila ng biglaan lalo na si Enzo.
Nakiusap siyang pumunta sa kwarto ni Yuna upang maghanap ng mga bagay na may sentimental value.
Pagkapasok na pagkapasok ng kwarto ay bumalik ang mga alaala. Mga alaalang nabuo nila habang nabubuhay pa si Yuna.
Enzo started crying.
He saw their pictures arranged by the dates of every picture and every memory they've made.
Sayang. Nakakapanghinayang.
May nakita siyang isang notebook na may nakalagay na "Yuna's Diary" and ofcourse he knew already what's inside of that notebook.
He opened it and the first page contains picture. Picture of him and Yuna when they're still in school.
Tears covered his eyes. Painful.. more than painful.
May isang box na naglalaman ng pictures nilang dalawa through the years.
May isa pang malaking box nang naglalaman ng mga regalo ni Enzo para kay Yuna. Miski flowers naka-preserve.
May isang papel na nakaibabaw..
My Love for Enzo..
Binuklat ni Enzo ang papel at bumilis ang tibok ng puso niya. Sa wari niya ay mukhang luma na ang papel na ito.
"Enzo Klein Natividad is my first and definitely will be my last love. Masyadong maraming katanungan ang ibang tao kung bakit siya...kung bakit siya ang minahal ko ng ganito. Pero wala akong pake sa lahat ng sinasabi ng iba. Why do I love him? Hindi ko rin alam. Wala namang eksaktong dahilan pag nagmahal ka ng totoo. Why him? Bakit siya? Eh siya yung gusto ko eh. May magagawa ba kayo? All my troubles and doubts flew away when I met Enzo. Hindi ako nagsisising nakilala ko siya. Sabi nila ang bata pa daw namin nung naging kami. Age doesn't matter when it comes to love. Siya yung nagturo sakin sa maraming bagay. No regrets. Di ako nagsising siya yung lalaking minahal ko ng sobra. He's a big lesson to me. He's the best man I could be with. Pero alam ko namang not all the time e pwedeng kami lagi. It's about destiny already. I loved him the way he is. He's the most trustworthy person that I've ever known. Seconds, minutes, hours, days, weeks, months, years, he's still the Enzo I've known and loved. But one day, everything has ended because of Yana. I learned how to weigh feelings but God is still good that we came back from the old us. Kami parin ni Enzo ang itinadhana. Yun nga lang hindi natuloy yung kasal." Hanggang dun lang yung sulat. Wala siyang closing message dahil malamang ay may karugtong pa sana ito.
Enzo realized how much Yuna loved him. Nagsisi siya bigla na sana pala ay una palang pinaglaban na niya ito. Wala siyang magawa. At may isa pang sulat ang napansin niyang nasa ilalim ng kama.
"Enzo, umaasa akong tayo parin hanggang sa huli. Sana umayon satin ang tadhana. Dahil naniniwala akong kung para tayo sa isa't isa, tayo parin talaga. Mahal na mahal kita. Sana bumalik ka na." Patuloy ang pag-agos ng mga luha ni Enzo. It's too late.
Pagkatapos nito ay dumiretso si Enzo sa paborito nilang lugar ni Yuna.
May nakita siyang nakatalikod na babaeng nakaupo sa di kalayuan at napansin niyang may karga itong bata.
"Yuna?" Hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon pero alam niya ang hitsura ni Yuna kahit nakatikod pa ito. Kabisadong-kabisado na niya si Yuna.
Lumapit pa siya sa babae.
"Yuna?" Dahan-dahang lumingon ang babae at tila nagulat sila parehas ng magharap.
"Enzo?" Agad niyang niyakap si Enzo na para bang wala nang bukas.
"Yuna, Yassi? Buhay kayo?" Di makapaniwalang sabi ni Enzo at bigla na lamang silang napaluha pareho.
"Enzo, na-miss kita" Nanghihinang sabi niya at bigla siyang nawalan ng malay. Buti nalang ay nasalo din niya ang bata.
"Yuna!"
BINABASA MO ANG
The Unexpected
FanfictionExpect the unexpected. My first ever published story. Maraming typos, maraming errors, but I really did my best to give them a happy ending. Di ko na inayos lahat kasi this is my remembrance bilang newbie sa Wattpad world. But i'm so thankful dahil...