Eulogy

1.3K 20 2
                                    



Chapter 37



Katrina's POV



Ngayon ang huling lamay ni ate at Yassi kaya naman napakadaming tao ngayon sa bahay.






Everyone's crying. Lahat kasi naging malapit kay Yuna miski kay Yassi kahit na ilang buwan palang siyang nabuhay.




Magaganap din ang eulogy kung saan ibabahagi sa mga tao ang mga bagay na gusto naming sabihin tungkol sakanila hanggang sa huling sandali.




Tapos ang mass kaya naman oras na para magsalita.



Una nang magsasalita si papa.




"I won't say magandang gabi to you all because this is not a lovely evening. We are all here para makiramay sa anak namin ni Amor. Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ibinigay niya sa amin ang isang napakaganda at napakabait na anak. Si Yuna ay isang responsableng tao simula palang ng bata siya. Alam kong marami ditong nakakakilala kay Yuna dahil hindi naman maipagkakaila na napakabuti niyang tao sa lahat. Never siyang pumatol sa mga bagay na sinasabi tungkol sakanya lalo na nung naging sila ni Enzo. She is such a strong person. Pangalawa, hindi siya tumigil sa mga pangarap niya hanggang sa maabot niya ito. Dumating sa point na nagkaroon sila ng pagsubok ni Enzo pati narin ang pamilya namin pero naging maayos din naman ang lahat. Napakadali para sakanya ang magpatawad. Hindi siya marunong magtanim ng sama ng loob. Ofcourse she gets angry sometimes pero yung sasabihin mong gaganti siya because she's in pain, it's very impossible. Anak, kung naririnig mo man ako ngayon, masaya ako para sayo dahil natupad mo nadin naman ang mga pangarap mo maliban sa maikasal kayo ni Enzo. Alam kong si God ang may gusto nang lahat nito. Sana maging masaya kayo ng anak mo sa langit. See you soon anak. Mahal na mahal ko kayo ng anak mo." Grabe iyak ni papa hanggang sa matapos ang sinabi niya. Si mama naman ang sunod an kanina pa humahagulgol at pinapakalma.




"Anak, masyado kang maagang lumisan. Ang daya mo. Hindi pa nga kayo kasal ni Enzo eh." Nagagawa niya pang magbiro. "Salamat sa pakikidalamhati niyo sa amin mga kaibigan. Alam kong malalapit kayo sa aking anak at natutuwa ako dahil hanggang sa huling sandali ay andito parin kayo upang damayan sila ng anak niya. Una sa lahat, hindi ko inakalang mabibiyayaan ako ng napakagandang anak. Actually nung una akala ko hindi na masusundan pa ang kuya mo eh. Kayo ikaw ngayon, sumunod ka sakanya sa langit. Alam niyo, si Yuna ay napakabait. Napaka-understanding niya and everyone knows it. Nung sumikat siya ng dahil sa pagmo-model, never siyang pumatol sa bashers and haters niya. Proud ako sa anak ko dahil hindi siya sumusuko sa lahat ng bagay. Napakatibay niyang tao. Hanggang sa nagkaboyfriend, fiancè, at anak, hindi parin siya nagbago. Kung may gusto man akong sabihin sakanya ngayon, iyon ay humihingi ako ng tawad sa lahat ng pagkukulang ko sakanya bilang ina. Sa totoo lang, nasabi ko sa Diyos na sana ako nalang ang kinuha at hindi sila. Nagsisimula palang kasi silang ng panibagong yugto tapos nagkaganito. Pero alam kong may plano ang Diyos at wala akong karapatang ibahin pa ito. Sana anak, maging masaya kayo ng anak mo diyan sa langit. See you soon anak. Si God na ang bahala sainyo. Mahal ko kayo." Grabe ang pag-iyak ni mama kaya alam ko kahit marami pa siyang gustong sabihin ay di niya magawa.






Ako na ang sunod. Ano pa nga bang masasabi ko sa best sister?






"My sister and my niece are gone already. My sister is gone. My sister who become my best buddy, my bestfriend, my companion, my supporter, and my strength already. Wala na siya sa isang iglap. Marami siyang itinurong bagay sa akin. Siya yung taong nagpapalakas lagi ng loob ko. Never nga kong nagkaroon ng sama ng loob sakanya dahil sa buong existence ko sa mundong ito ay puro papuri at suporta ang naririnig ko sakanya. Napakadown-to-earth niyang tao. Well, hindi niyo alam na may charity si ate para sa mga mahihirap. Simula nung nagstart siya sa pagmo-model eh tumutulong na siya sa nga mahihirap but she didn't do it for publicity. Tinago niya yun sa mga tao dahil ayaw niyang maging pakitang tao sa paningin ng lahat. She's the kindest and most genuine person that i've ever known. At wala siyang naging pagkukulang samin bilang kapatid, anak, kaibigan, or ano man. She loved everyone more than herself. She loved Kuya Enzo more than herself. Sana maging masaya kayo ni Yassi sa langit. Till we meet again. I love you." I'm crying and bigla akong napatingin sa gawi ni Emanuel. Pagkadating na pagkadating niya dito nung nakaraan niyakap niya agad ako pero sabi niya tapusin daw muna namin yung lamay ni ate at Yassi bago ayusin ang lahat.






Last but not the least. The man whom she loved most.






"Yuna, bal, nauna ka pa sakin. I didn't expect this to happen. I was so happy when i'm going home but how? Pano pa ko magiging masaya kung wala ka na? Kung wala na kayo ng anak natin? Alam ng lahat kung gaano kita minahal, Yuna. Marami mang pagsubok ang dumaan, hindi parin naman tayo nagpatalo. Maraming humadlang pero tayo padin naman hanggang sa huli. Yuna, you are the best person in my life. Loving you is the best decision i've ever made. Hindi ako nagsisising minahal kita. Ang pinagsisisihan ko eh hindi ko sinulit ang bawat sandali na nabubuhay ka.
Pero alam kong may dahilan din naman ang lahat ng ito. Sorry sa mga pagkukulang ko. Kung maibabalik ko lang ang panahon ay sana napadama ko sayo ng sobra ang pagmamahal ko. Yassi, di man lang kita nayakap o nabuhat. Sorry anak kung di mo man lang naranasang magkaroon ng tatay kahit saglit lang. Dibale, magkikita narin naman tayo soon. Mahal na mahal ko kayo" Alam kong puno ng words ang isip niya pero hindi niya masabi.







Natapos ang eulogy at naglagay na ng mga bulaklak ang mga bisita sa kabaong ni ate at Yassi. We can't believe that this is happening right now.






Sana bangungot lang ang lahat ng ito at magising na kaming lahat.







Bukas, ililibing na silang magkasama. Sana hindi totoo ang lahat ng ito.






~





A/N: Basahin niyo yung next chapter importante lang ♡

The Unexpected Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon