Chapter 13 - The Unexpected ComebackKlaynna's POV
Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko si papa, tindig at tayo palang.
Humarap ka please..
Naglakad na paalis ang lalaki at hinabol ko siya..
"Papa!" Sana hindi ako nagkakamali.
Sumigaw ulit ako at humarap na ang lalaki."A---anak?" Agad niya kong niyakap at hindi nga ko nagkamali.
Hindi ko alam pero bigla nalang pumatak ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Gusto ko siyang itaboy, sumbatan, pero hindi ko magawa. Nanlambot ang puso ko nang makita ko siya. Papa..
"Anak, anlaki na nang pinagbago mo. Natutuwa ako dahil natutupad mo na ang mga pangarap mo sa sarili mo." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Bat andito po kayo?" Sa tinagal-tagal ng panahon, dito pa talaga kami magkikita. At bat nga pa siya nandito?
"Anak, bago yan. Gusto ko munang makapag-usap tayo ng tayong dalawa lang. Gusto kong ipaintindi sayo ang lahat." Parang nakalimutan kong bigla ang mga ginawa niya sa amin nila mama.
"Pa, ang totoo niyan, galit parin ako sayo. Ba't nga ba niyo kami iniwan?" Lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko nang may poot at galit.
Dinala ako ni papa sa condo niya dahil gabi narin daw at dun muna ako mag-stay.
"Anak.. gusto kong humingi ng tawad sayo, sainyo ng mama at kapatid mo. Alam kong maling iniwan ko kayo pero lahat ng iyon ay may kadahilanan. Ang tanga ko dahil hindi ko man lang kayo naipaglaban. Anak.. hindi ko mahal si Claudia. Pinagbantaan lang niya ako na ipapapatay niya kayo kapag hindi ko siya pinili. Iwanan ko daw ko ng walang anumang pagpapaliwanag. Mahal ko kayo kaya kahit masakit ay nagsakripisyo nalang ako kahit na sumama pa ang tingin niyo sakin. Anak, i'm sorry. Pero ngayon, gusto ko nang matapos ang kahibangan niya. Ilang taon nakong nagtitiis sa mga kalokohan niya sa buhay. Kayo ang pamilya ko. Kayo ang mahal ko. Kaya sana maintindihan mo kung bat ko nagawa yun." Shet. Magbabayad kang Claudia ka. Napahagulgol nalang ako. Hinusgahan ko si papa. Yun pala yung malanding babae lang na yon ang may pakana.
BINABASA MO ANG
The Unexpected
FanfictionExpect the unexpected. My first ever published story. Maraming typos, maraming errors, but I really did my best to give them a happy ending. Di ko na inayos lahat kasi this is my remembrance bilang newbie sa Wattpad world. But i'm so thankful dahil...