Message

93 1 0
                                    

Danger's Pov

*YAAAAAAAAWN

Kulang ako sa tulog pero masaya akong bumangon.

Dalawang araw simula noong prom pero di ko parin maiwasang maalala ang mga nangyari.

Haaaaaaay (^.^)

Monday ngayon, pero excited ako hehe. Wala eh makikita ko ang aking labidabs.

'Wtf? *erase *erase korni amp'

Let me reprhase that, *ehem.

Monday ngayon pero excited ako hehe. Wala eh makikita ko si calibre.

'Better'

Naligo na ako, kahit ang aga aga. Alas sais palang at.

Nagluto narin ako. Ilang araw na akong ganito hahaha #CalibreEffect.

"Hmmmmm sarap naman niyan" si threat habang nag uunat.

"Tara dre! Kain!" Masayang sabi ko kaya natawa siya.

"Ilang araw ka nang ganyan ah? Ge lang pagpatuloy mo" pang aasar niya.

"Tss, masaya eh haha"

"Woowwww BACON AND EGG!!" si drug.

Letse umagang umaga sumisigaw.

"Wag ka ngang sumigaw" sabi ni dale na nagkukunot nang mata. At halatang kagigising.

"Caution!! Caution!!" Pagyuyuyug ni dale kay caution. "GISING NA!!!" sigaw niya at napabalikwas si caution at nahulog sa bed.

"HAHAHAAHAHAAH mutanga amp" tawa ni dale.

"Gago pakyo ang sakit non" sabi ni caution na naka nguso.

"Sus!! Para yun lang eh. Bading amp hahahah" pang aasar ni dale.

"Kain na mga pre!" Sigaw ko kaya napatingin silang lahat saakon bago nag silapitan.

Nang makaupo kami.

"Oh? Naligo ka na? Aga ah?" Haha si caution.

"Ayoko kasing magpadali mamaya, andami kaya natin" pagdadahilan ko.

"Sus! Dre wag kami iba nalang. Eh ikaw nga tong laging nauuna palagi eh kesho ikaw leader at kung minsan tututukan mo kami nang baril para ikaw mauna HAHAHAHAHAH gago" si drug.

"Eh basta basta-- ayaw niyo yun?" Tanong ko sa kanila. "Walang mamamatay."

"Ulul gusto mo lang makita nang maaga si calibre eh! hahahahah" pang aasar ni threat.

"Oo nga laberboy ang loko hahahah" panggagatung ni caution.

"Magsitahimil na nga kayo! Nasa hapag ang ingay ingay" suway ko sa kanila, para ma divert sa iba ang topic.

Nag kwentuhan lang kami at nagtawanan hanggang sa matapos kaming kumain.

Nag brush lang ako at inayos ang suot ko. Naka Ripped jeans lang ako at black na band tshirt na ma print na nirvana. Tas skate high na vans. Basic.

"Una na ko kita kita nalang mamaya sa klase" sigaw ko at lumabas na.

Habang naglalakad ako sa hallway ay maraming nagtitilian.

"Good morning Danger" sabi nung isa at ngumiti.

"Morning" dahil good mood ako ay sinagot ko.

"WAAAAAHHH narinig mo yun Mamba? Morning rin daw sa akim yieee hahah" sabi nung babae at kinikilig.

"Jusmeyo marimar Afea umagang umaga nagsisisigaw ka na naman" sabi numg kasama niya.

'Danger effect' *smirk.

NightTown AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon