At stake

105 1 0
                                    

Calibre's Pov

Nang maghiwalay kami nang landas ni danger ay hinanap ko agad si bullet.

"BULLETTTT!!" sigaw ko nang paulit ulit.

Nagtungo ako sa quadrangle para hanapin siya.

"BULLET!!" sigaw ko

"BULLET!!" tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Threat.

"Ginagawa m dito?" Tanong ko at lumapit sakanya.

"Pagkalabas niyo eh lumabas din kami agad, DR at DS" pagpapaliwanag niya "Oh sya sya hanapin na natin anak mo" dag dag niya kaya tinignan ko siya nang masama.

"That kid is not mine" sabi ko at naglakad na.

Napahinto ako at pati rin siya.

"Oh bakit?" Tanong niya.

"Tara underground" sabi ko at at halatanh gulat siya.

"H-ha ano namang gagawin nang bata sa lugar na yun?" Takang tanong niya.

"Ehh basta tara nalang" sabi ko at sumunod naman siya.

Nang nakarating kami ay nag elevator na kami pababa.

"The wheels on the bus goes round and round round and round round and round the wheels on the bus goes round and round all through the townnnn"

Habang bumababa kami ay may narinig kaming kumakanta kaya nang katinginan kami.

At ngumisi ako 'hah just as I thought' sabi ko sa isip ko at tumingin nang deretso sa pinto.

Bumukas na ang pinto nang elevator ay agad kaming lumabas at naglagay ako nang password sa pinto.

Napatingin saamin si bullet "M-mom?" Tanong niyang masaya.

"Wrong person" sabi ko at pinuntahan siya.

"Paano ka nga ulit nakapasok dito?" Tanong ni threat.
"Eh may password oh" sabi niya sabay turo sa sa pinto.

"Bukas po kanina yan eh kaya pumasok na ko" sabi niya.

Eh? Paanong bukas yan eh nung nag meeting kami lock yan.

"Eh? Paano? Wala ka bang nakita na ibang tao?" Tanong ko.

"Nung nasa taas pa ako" sabi niya sabay turo sa taas. "May nakita ho akong naka black, as in black lahat na lalaki na lumabas patungo dito"sabi niya "Kaya nagtago ako ilang saglit sa likod nang bushes. At nung makalayo siya syempre pumasok ako dito. Di naman bawal macurious diba?" Deredretsong sabi niya.

Napatingin ako ng masama kay threat.

"Ano ka? Hilo? Ano namang gagawin ko dito?" Ag dedepensa niya.

"Eh hindi naman kita pinagbibintangan eh" sabi ko, hooo defensive!! Huli ka balbon.

"H-ha kahit na ba, y-yun pagkakaintindi k-ko sa ti-tingin ko eh" utal utal na sabi niya. Kaya napangisi ako.

"Sabi mo eh" sagot ko "Tara na nga" Dagdag ko pa at kinuha na yung bata at sumakay na kami sa elevator.

Nang makarting kami sa taas.

"A-ah sige u-una na ako" sabi ni threat at tumakbo palayo.

Nakakahalata na ko ah, kunting kibot pa sige lang.

"I'm hungry" sabi ni bata sabay hawak sa tyan niya.

"Tss, tara sa canteen" sabi ko at naglakad na kami papunta roon.

*Canteen

"Oh anong gusto mo?" Tanong ko.

"Uhmmm I want ice cream po na cookies and cream and a carbonara and milkshake" sabi niya. Ano ba yan gastos amp.

NightTown AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon