(SUMMER ARTIAGA'S POV)
pumasok ako ng sasakyan ko at pumunta sa isang pamilyar na building sa makati. ang dami dami kong naiisip kung ano ano. kung pano ko sasabihin kung haaaay.
binati ako ng guard, nginitian ko lang siya. pinindot ko yung elevator papuntang 20th floor, kung saan nag-oopisina yung lalaking yun. ang lakas ng kabog ng dibdib ko kahit di niyo naman tinatanong.
yes, kung sa iba nangyari to forsure aantayin nilang maghimala ang mundo at paganahin ang destinies or something connected sa love, excuse nila yun, i say AKO nalang ang gagawa ng paraan para sumaya ako. kasi pwede naman tayong maging masaya diba ? kakalimutan ko na lahat sasabihin kong wala naman talaga akong fiance, na alam ko kung bat kami nagbreak at sasabihn kong kaya ako bumalik kasi dahil sakanya.
ting*
rinig kong Tunog ng elevator. halos kumawala na yung puso ko sa rib cage ko. o kung san man nakalocate yung puso ko.
naglakad ako papuntang secretary niya. "miss nasaan si Mr. Marquez ?"
"may appointment po ba kayo ma'am ? name please ?"
"summer artiaga."
hindi siya nakakibo pero ngumiti lang siya, "kayo po pala ma'am." she said like sh actually knew me. nagtala tuloy ako
"uhm, sorry pero nagkakilala na ba tayo before ?"
"hindi po ma'am pero pagka po naghihire ng empleyado dito, laging sinasabi ng HR na pag may dumating na summer artiaga kahit walang ID or kahit ano kahit pa daw mukhang walang tulog o walang ligo papasukin kasi ma'am ayon kay boss, sigurado daw siyang quote ni sir "para kami sa isat-isa nireready ko lang kayo" hindi ko naman alam na ang ganda niyo po pala."
that bastard, sweet naman niya kainis.
lumawak tuloy yung ngiti. hinawakan ko yung door knob at nakita ko siyang natutulog sa table niya, sobrang laki ng opisina niya. may isang malaking painting dun, parang pamilyar...
nagunahan nalang yung luha ko nung marealize ko kung bakit pamilyar yung painting kasi painting ko yun. naging frustration ko kasi magpaint nung nasa states ako nung mga unang araw ko dun hanggang sa tinapon ko nalang nung narealize kong nagpapakatanga nalang ako.
"kinuha niya pala..."
"ang ganda no ? drawing ng pinakamagandang babae yan."
"sorry clyde, nagsinungaling ako. wala naman talaga akong fiance gusto ko lang manalo kahit isang beses yung ikaw yung mas masaktan. akala ko magiging masaya ako pero hindi eh. naguilty ako. "
hinaplos lang niya yung buhok ko at kinabig papalapit sakanya.
"ako dapat magsorry summer. kasi akala ko or should i say indenial akong ikaw na talaga yung para sakin naisip ko kasi hindi ko kayang magtagal sa isang relasyon, alam ko namang asa restaurant ka nun nung nakita mo kami niyna. sorry, pero after nun. para nakong namatay."
"sorry clyde."
"sorry summer. i love you"
halos sabay pa naming sabi.
nagkatinginan kami. "so Ms. Artiaga, siguro naman hindi na kita gagastusan para sagutin mo ako. pwede bang tayo na lang ulit ?"
"iisipin ko nalang niligawan mo ako ng tatlong taon uy. HAHAHAHAH. loveyou!"
"loveyou too."
THE END.

BINABASA MO ANG
Just in a relationship
Roman pour AdolescentsI dream to have my own prince charming, my knight in shining armor or simply the guy i will marry someday, pero putapete naman, isang asungot binigay sakin. ang nakakabadtrip feeling sikat gwapo pa. pssh, yabang yabang eh. pero putanesca ewan ko ba...