PROLOGUE

174 15 11
                                    

Pagkamulat ko ng aking mata natagpuan ko ang sarili ko sa isang madilim na lugar. Ni-iisang ilaw ay wala, Napakatahimik wala akong ibang naririnig kundi ang malamig na ihip ng hangin at malakas na kalabog ng aking dibdib.

Bakit nga ba ako kinakabahan?






Hindi ko maalala ang nangyari. Nagising na lang ako ng mag isa! Paano ako nakapunta dito? Wala akong magawa kundi tahakin ang madilim na daan. Hindi ko alam ang mga posibleng mangyari pagnaka-pasok na ako sa dilim.



Ngunit bago pa man ako makapasok ng tuluyan ay may narinig na akong sigaw! "Hindi lang ako nag-iisa." Hinanap ko ang pinanggalingan ng sigaw subalit dinala lamang ako sa isang madilim na kwarto, iisang ilaw lamang ang nandoon ngunit hindi sapat upang bigyan ng liwanag ang buong paligid. Tumambad sa akin ang masangsang na amoy.

Kanina pa ako may naapakan simula kanina noong nagising ako. Nagtataka ako bakit may dugo? Para akong mababaliw ng makita ko kung ano ang naapakan ko ngunit agad akong nataranta nung may marinig akong kaluskos sa dulo ng Kwarto.



Laking gulat ko ng may nakahandusay na katawan doon na naliligo na sa sariling dugo labas na ang isang mata pati ang bituka, puno ng saksak ang buong katawan at halos mapunit na ang balat nito, lapnos na rin ang mukha na halos hindi mo na makilala dahil sa mga natamo. Ang mas nakakatakot pa ay mas marami pang nakahandusay na bangkay sa kanyang tabi.


"Tumakas ka na habang may oras pa! Parating na siya! Parating na siya!!!!"


Naguguluhan at natatakot man ay nagtanong na ako




"Anong ginagawa ko dito? Nasaan tayo? Sinong siya?"





"Nandiyan na siya! Nasa likod mo na! Takbo na!!!! Nariyan na ang Itim na Kamatayan!"





Nang marinig ko ang mga sinabi niya ay agad bumalik saakin ang mga nangyari.







Ngunit huli na ng paglingon ko sa likod ko ay narito na siya......









"Ang Itim na Kamtayan"









"Anong rules ko? Diba ang sabi ko!?"













"NEVER TURN YOUR BACK! Or else i will bring you to hell!





A/N: Guys please support my new story "NEVER TURN YOUR BACK." Tungkol po ito sa mga estudyante, sa mga magkakaibigan at dahil sa isang pangyayari ay may darating na di inaasahan. Sana magustuhan niyo!!!!
Again take note!!! Sorry sa mga typo, wrong grammars etc. Intindihin niyo na lang po! Baka lalong dumami bashers ko eh hihihihi lab you guysssssss!!!!

Thank you!!!

NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon