CHAPTER 8: WHO

36 5 3
                                    


ASHER'S P.O.V.

Naibaba na namin si Razziel at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay sumikat na rin ang araw kaya maliwanag na din.

Pagkatapos namin magpahinga ay naglakad na kami para pumunta sa kinaroroonan ng Van nila Lennard.

Sa ngayon ang nauunang maglakad ay si Lennard sunod ay ako, si Steph at si Reuben na Karga si Razziel and the rest ay sama-sama na sa likod.


Napahinto kami dahil huminto na si Lennard, but instead na makakauwi na kami ay parang hindi pa dahil sa nangyari ngayon.


"FUCK!" malutong na mura ni Lennard habang tinitignan ang sirang Van nila. Kanina ng iniwan namin ito ay ayos pa pero ngayon? May mga pako sa gulong nito at may nakatusok na Palakol sa makina ng Kotse.


Ang pagmumura ni Lennard ay nasundan pa dahil ng tignan niya ang loob ay wala na rin ang lahat ng gamit. Kaya hindi maipinta ni Lennard ang mukha dahil paano daw niya maipapaliwanag sa magulang niya ito.

Nagpasya kaming hanapin na lang ang daan palabas at gamitin ang Mapa.

"I guess wala na talaga tayong magagawa kundi ang lumabas sa bwisit na gubat na to gamit ang mapa" Zariah said. "Ahmmm.... about map? Nawawala kasi pagkatapos tayong habulin ng lalaki na yun ay sumabit sa halaman kaya nasira..... sorry guys" pagpapaliwanag ko habang nakayuko.

"PUNYETANG BUHAY NAMAN YAN OH!!!" galit na sinabi ni Lennard habang pinagsisipa ang mga bato sa gilid.

Maya-maya ay nagising na si Razziel. "Guys! Gising na si Razziel!" Wika ni Reuben agad naman lumapit ang iba naming kasamahan. "Razziel ayos ka lang ba? Anong nangyari?" Sunod sunod na tanong ni Steph. "Yah! Okay lang ako salamat sa concern but until now ay nahihilo pa rin ako" wika ni Razziel na mukhang nanghihina pa.

"Anong mga natatandaan mo? Nung kinuha ka ng baliw na lalaki na yun?" Nigel asked Razziel, tunahimik si Razziel saglit at pinipilit alalahanin ang mga nangyari.

"Ang natatandaan ko lang ay yung gabi na magkasama kami ni Steph tapos dumating si jake then nagulat kami ng bigla siyang napahiga yun pala ay hinampas na siya, natakot ako kaagad but i chose to protect her kaya ako ang nakuha tapos hinampas din niya ako at everything is black na! Nang magising naman ako ay madilim parin and nakailang sigaw na rin ako but wala parin nangyayari at dahil nga nakatiwarik ako ay nawalan nanaman ako ulit ng malay." Mangiyak ngiyak na ikinuwento saamin ni Razziel

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ulit kaming maglakad. Kung kanina ay maliwanag pa ngayon naman ay kinakain na ng kadiliman ang buong paligid, malamig na rin ang ihip ng hangin.

"Kanina pa tayo paikot-ikot!" Pagrereklamo ni Irene. "Ikaw lang ba napapagod? May kwarentang tao kang kasama oh!" Sabi ni Trisha kay Irene. Yup! 40 kami dahil halos lahat ay sumama saamin at isipin niyo na lang kung paano kami nagkasya sa Van, even that Van was quite big.

"Guys matulog na lang muna tayo?" Suhestiyon ni Nico. "Parang di ko kayang matulog dito!" Pag-iinarte ni Irene. "Kokotongan na kitang bata ka eh!" Wika ni Karylle.

Nagtalo pa ang iba sa amin ngunit nauwi lang din sa pagtulog dito. Halos lahat sa amin ay pagod kaya ang bilis nakatulog, pati ako inaantok na.


.......

ITIM NA KAMATAYAN'S P.O.V.

Simula ng dumating sila dito ay lagi na akong naka masid sa mga kilos nila.

Kawawang mga bata! Mamatay sa gubat ng walang nakaka-alam. Bakit nga pala ako maawa? Eh sila ba naawa sa akin? HINDI!!!


Balak ko na sanang patayin si Razziel ngunit may naisip ako mas magandang plano.

Mas maganda siguro kung iisa-isahin ko sila?

Pero sa unang bugso ay papatay ako ng Lima sa isang gabi lang! Tapos magiging apat sa isang Araw lang! Tsaka tatlong tao sa isang bagsakan........ hanggang sa isa-isahin ko na at ititira ko ang mga pinaka-mahalaga!



Hawak ko na ang limang litrato ng papatayin ko. Paalam! Magkita tayo sa Impyerno.



Agad akong pumunta sa mga batang to, tulog na tulog napagod siguro kaya ang himbing ng tulog pero ang masaklap! Hindi na kayo magigising......

......


Pinugutan ko ang limang walang kwenta at ang dugo nila ang ipinang-ekis ko sa litrato nila.



Sana ma-surprise sila sa handog ko bukas pag-gising nila!

Kumuha muna ako ng Souvenir...

At tuluyan na akong lumayo sa kanila. Pero hindi ko i-aalis ang paningin ko sa kanila.

........

ASHER'S P.O.V.

Aaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!


Nagising ako at ang ibang kasama ko ng makarinig kami ng sigaw.


Agad kaming napalapit kay Jewel na mukhang nato-trauma na ng husto dahil pangalawang beses na siyang nakakita ng ganitong pangyayari.

Nakakapanlumo ang nakikita namin ngayon, dahil lima! Lima! Ang namatay ang masaklap pa ay wala silang ulo. Tanging mga litrato nilang may ekis na mukhang dugo ang ipinahid ang nakapatong sa katawan nila.


Umiiyak na ang iba saamin especially girls. Lima ang nawala namatay sila Joe, Rosalyn, Mark, Joel, at si joyce. Naaawa ako sa kanila.

Hinanap ko agad si Steph dahil nag-aalala ako para sakanya, alam ko kasing ayaw niyang makakita ng ganyan mahina ang loob niya sa mga ganitong bagay.

Nakita ko siya sa isang tabi na umiiyak habang nakasandal sa puno. Pupuntahan ko na siya pero ng makita kong palapit din si Jake sakanya ay mas binilisan ko pa ang lakad para makapunta kay Steph.

"Steph! Are you okay? Stop crying na i'm here na oh!" I said to comfort her but how dumb I am? Syempre hindi siya okay.

"Steph?" Jake said. "Ahmm.... right now i think she will be okay with my arms" i said with a cold voice at ngumiti ng pilit. Tumango naman si Jake at umalis doon naman siya lumapit kay Karylle. Tss


"Guys! Where are those heads?" Tyron asked us. Oo nga no? Asan ang mga ulo nila?

Nagmasid-masid muna ako sa buong paligid baka sakaling makita ko.

"Sinong may Alcohol? Or even Betadine? Nasugatan pala kasi si Karylle kagabi" Jake asked some of my classmates. "Ako meron ako! Wait lang kukuhain ko lang sa bag" Zariah raised her hand at kinuha ang bag. Buti na lang pala nadala namin ang bag namin.

Aaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!


Nagulat kaming lahat ng sumigaw si Zariah na ngayon ay nakatakip na sa kanyang mata habang umiiyak.


Nakita pala niya ang ulo ni Rosalynn sa bag niya. "Buksan niyo lahat ng bag niyo baka nandyan ang ulo ng iba!" Ma-otoridad na wika ni Lennard

Gaya ng inaasah ay nandoon nga.

Wait! 40 kami dito tapos lima ang namatay pero bakit?.......kulang ng isa


"May isang nawawala!" Bigla akong napasigaw ng mapagtanto na kulang kami.

"Shit! Nawawala si Carlly! Nasakanya kasi yung earphone ko!" Reuben said.


Hindi na Maganda ang mga nangyayari.....





TO BE CONTINUED...

NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon