CHAPTER 16: MYSTERIOUS GUY

23 5 1
                                    

TYRON'S P.O.V.

Hanggang ngayon ay hindi parin niya kami tinitigilan...

"Tanggarat namang buhay to Oh! Napapagod na ako!" Wika ni Razziel habang nakahawak sa kanyang dibdib.

I agree coz napapagod na rin ako, imagine kanina pa yan habol ng habol hindi ba siya napapagod?

Maya-maya ay hindi na rin talaga kinaya ni Henry at tuluyang bumagsak sa lupa.

Nagulat kaming lahat....

"Henry!!!" Tawag namin sa kanya at tsaka lumapit sa kanya.

"Hoy! Tara na! Andyan na siya!" Nico said. "Sige na mauna na kayo! Okay lang ako!" Wika niya.

"Gago ka ba? Hindi ka namin iiwan dito! Hindi ka mamatay!" I said to him. Inakbay ko na siya kahit na pagod kami, at nagpatuloy ulit sa pagtakbo.

"MALAPIT NA AKO!" Sambit niya. Shit! Dinadagdagan pa niya ang kaba namin!

Ang dati naming rutang papuntang ilog ay naiba, pumunta kami sa kakayuhan.

"Na....nahi......hilo a........ako" nanghihinang sambit ni Henry, Agad ko naman siyang tinignan. Namumutla na ito at halos pumikit na.


"Wait! Malapit na tayo!" Pag co-comfort ko sa kanya. Ngumiti naman ito at nagsalita. "Sige na! Ayokong mamatay kayo dahil sa akin." Pagkatapos niyang isambit iyon ay bumitaw na sa pag kaka-akbay.


"Ano bang ginagawa mo? Nigel said. "Andyan na siya!!!!" Natatarantang wika ni Karylle.


"Sige na susunod ako!" Wika ni Henry. Hinatak naman nila ako at tumakbo.

Pagtingin ko sa likod ay nakita ko na hawak na ng lalaking yun si Henry.

"NOOOOOO!!!!!" Mangiyak-ngiyak kong wika.


Nagpumiglas ako pero pinipigilan nila ako.

"Bitawan niyo ko! Kaibigan ko yung pinapatay!" Nang-gagalaiti kong wika.

"Tara na! Wala na tayong magagawa! Baka gusto mong sumunod kay Henry?" Pamimilit ni Karylle at tsaka hinatak ako at tumakbo na.

Habang tumatakbo ay bumabalik sa akin ang mga ala-ala ni Henry. Siya kasi ang una kong nakilala sa Campus.

"Baka mas mainam if i will die too?" Malamig kong wika.

"Nasisiraan ka na ba?" Nigel said.

Sa huling pagkakataon ay muli akong sumulyap sa likod ko. Nakita ko ang kawawa kong kaibigan na naghihirap sa bawat saksak.

"Im sorry Henry" bulong ko sa sarili

"Never turn your back." Jewel said.

...............

ASHER'S P.O.V.

"I'm hungryyy!!!" Irene said.

Yah halos kami lahat dito gutom na. Madami na kaming nadaanan na puno but ni-isa sa kanila walang bunga paano ba kami magkakapagkain dito.

Napahinto ako ng may marinig ako. Agad naman akong tumingin sa kanila at tulad ng inaasahan ay napatahimik din sila. "Guys! Did you hear that?"

Hinanap namin ang pinang-gagalingan ng kakaibang tunog. Nang-gagaling iyon banda sa Mahalaman na bahagi.

"Ano ba yan! Ang kati-kati! Asan na ba kasi tayo?" Banas na sambit ni Steph habang inaalis ang mga dahon na nasa katawan niya.

NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon