CHAPTER 20: ESCAPE

23 4 0
                                    

》》》0《《《




LENNARD'S P.O.V.

Habang hinihintay ang iba ay hindi maiwasan na ma-bored dito. Napabuntong-hininga na lang ako sa mga nangyayari ngayon, talagang gumawa ng paraan ang abnoy para lang makuha si Steph? Naku mabaliw-baliw sa kahahanap yun si Ash! Tsk

Napatingin ako kay Selena na kanina pa nilalaruan ang mga nalalaglag na sanga't dahon.

Napatingin naman ako sa iba. Halos pare-parehas lang ang ginagawa nila kumain ng saging, matulog, at umupo.

Pagkatapos ko silang tignan ay naglibot muna ako gamit ang aking ulo. Inikot ko ang paningin ko nang may mahagip ako....

"Guys! Look!" Sigaw ko sakanila kaya agad kong nakuha ang atensyon nila, nang mapagtantong nakatingin sila sakin ay tinuro ko na lang ang tinutukoy ko.

"Kalsada!" Trisha said habang nakahawak pa ang dalawang palad sa magkabilang bahagi ng kanyang pisngi.

"Makaka-alis na rin tayo sa Punyetang Impyernong Gubat na to!" Reuben said habang abot tenga ang ngiti

"Kailangan na nating mahanap sila Ash!" Maotoridad kong wika kaya naman sumang-ayon sila agad.

"Siya nga pala! Nico! Maiwan ka muna dito baka mamaya eh magka-salisihan mas maganda nang may tao dito." Pahabol ni Lennard bago tuluyang umalis kasama ang iba.

》》》0《《《

THIRD PERSON VIEW

nang tuluyan nang makarating sila Ash at Jake sa kubo ay napanganga sila ng mapagtantong may isa pang bahay sa likod ng kubo tinatago lamang sa tulong ng mga dahon at puno.

"Ako na papasok sa loob! Subukan mo ring maghanap!" Maotoridad na wika ni Ash kay jake kaya naman hindi na sila nag-aksaya ng oras pa

Pagpasok pa lang ni Ash sa kubo ay napanganga siya dahil kung sa labas ay mukha itong kubong gawa sa mga kahoy't dahon sa loob naman ay mukha itong konkretong bahay.

Nagtataka man ay agad na hinanap si Stephanie

Sinigaw ni Ash ang pangalan ni Steph para malaman kung nasaan ito.

Ngunit walang sumasagot kaya nilibot niya uli ang buong pasilyo.

Maya-maya ay nabuhayan ng loob si Ash nang marinig na sumigaw si Steph kaya dali-dali itong pumunta sa pinang-gagalingan ng boses ni Steph.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Ash nang matagpuan niya ang sarili niyang nasa harapan ng isang pinto at hindi niya ito mabuksan.

Kung ano-ano na ang pinagbabato at pinaghahampas ni Ash ngunit ayaw parin nitong mabuksan kaya umatras ito nang bahagya at bumwelo para sa pagtakbo.

Kumaripas nang takbo si Ash papunta sa Pinto at gaya nang inaasahan ay nasira ito kaya tuluyan nang nakapasok si Ash.

Napilayan man ang kaliwang braso dahil sa lakas nang pwersa ay hindi na niya ininda pa dahil agad siyang nagtungo kay Steph at kinalas ang lubid na nakatali sa Dalaga

NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon