CHAPTER 21: DEAD WOODS

20 4 0
                                    


》》》0《《《

ASHER'S P.O.V.

"A....ano? Dead wo...woods?" Utal-utal kong sambit habang diretsahang nakatingin sa mga parak.

"Oo bakit kayo pumunta doon? Masyadong mapanganib doon" wika ni Hepe

"Gumawa lang po kasi kami ng project namin tapos yun na!" Pagpapaliwanag ko sa kanila

"Eh pano naman kayo nakapunta sa Deadwoods?" Tanong nang isa niyang kasamang pulis

"May nagbigay po sa akin ng Mapa at doon kami dinala." I said

Tumango-tango naman ito atsaka napabuntong-hininga.

"Bakit po pala pinagbabawal pumunta sa Dead Woods?" Steph asked the Chief

"Pangalan pa lang pamatay na! Eh ano pa ang mga nangyari diyan?" Sabi ng isang pulis

"Ganito kasi yan! Bukod sa madaming mga matatanda't patay na puno sa lugar na yan eh may mga nangyayaring hindi ka aya-aya." Wika ni Hepenot

"P....po? What do you mean?" Steph asked him again

"Year 1999 may na report na isang krimen..... isang karumal-dumal na krimen. May pinatay na limang mga residente sa lugar na yon at lahat sila halos hindi na makilala dahil sa tindi ng natamo. Year 2003 may na report nanaman na krimen doon ulit sa lugar na iyon hanggang sa lumipas ang panahon ay naging tambakan ng mga bangkay, patayan, at salvage-an na ang lugar na yan kaya simula noon ay tinawag na itong Dead Woods dahil sa dami ng mga namatay sa lugar na yan, hanggang sa taong 2011 na tuluyan nang pinasara at wala nang pinapasok sa Dead Woods dahil sa panganib." Paliwanag nang Hepe habang kami ay titig na titig sa kaniya habang nag-kukwento pati ang kasama niya ay naki so-syo rin.

"So? Tutulungan niyo na ba kami?" Pasaring ni Lennard.

"Bukas natin malalaman yan" wika ng hepe kaya napabuga na lang sa hangin si Lennard sa sobrang inis at saka lumabas ng Police Station.

"Ah sige po! Salamat po!" Wika ko sabay nakipag-kamay sa hepe at sa isang pulis. Gayundin ang ginawa ni Steph nakipagkamay siya kay hepe ngunit pinigilan ko na siya nang pagdating na sa isang pulis. Ayoko! Mukha siyang rapist.

"Ah! Ako nga pala si Chief Pedro Montes at ito naman ang bata ko si SPO1 Valdez." Pagpapakila ni Hepenot Montes kaya ngumiti na lang ako at nagpakilala rin

"I'm Ash! This is Stephanie and that guy? Siya naman si Lennard." Wika ko habang isa-isa silang tinuturo.

Binigay ko na lang ang Cellphone number ko para in-case na may malaman eh tawagan na lang kami, gayundin ako kinuha ko ang number niya.

Tumuloy na kami sa bahay at nagpahinga na. Kaya pag-kauwi namin ay agad nila kaming tinanong tungkol sa mga nangyari.

"Ano na? Matutulungan ba daw tayo?" Razziel said

"Bukas pa daw nila mapag-dedesisyunan" matamlay na sambit ko.

"May problema ba?" Ate cleo asked me kaya umiling na lang ako.


Iniisip ko parin ang mga nalaman ko kanina. Kung hindi dahil sa Mapa ay wala sanang namatay, kung hindi sana dahil sa Akin kung hindi ko pinulot yun eh sana lahat kami buhay.

NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon