CHAPTER 22: NIGHTMARES

19 4 0
                                    

》》》0《《《

STEPHANIE'S P.O.V.

Tinatahak namin ang kalsada ngayon papuntang Dead Woods. Ang lugar na mala-impyerno, ang lugar na puno ng pasakit, Ang bangungot namin.

Nasa unahan si Chief Montes na siyang nag da-drive at sa tabi naman niya ay si SPO1 Valdez samantalang nasa likod naman kaming tatlo. Nasa kaliwang bahagi ako nasa kanan si Nigel at nasa gitna si Ash.

Kanina ko pa napapansin ang pagiging matahimik ni Ash, kanina pa rin siya tulala hindi mo rin makausap ng maayos dahil nga wala sa sarili. Kaya naman isinantabi ko muna ang mga iniisip at tuluyang tumingin sa labas.


Nang saktong pagtingin ko sa bintana ay may napansin akong kakaiba na ngayon ko lang napansin sa lugar na ito.

"Wait! Wala naman yan noong nakaraan na pumunta kami dito ah?" Tanong ko sa kanila sabay turo sa karatulang nagsasabi ng 'Dead Woods.'


Paanong hindi ko mapapansin yun agad dahil nakalagay ang mismong karatulang yun sa isang malaking patay na puno at wala ng dahon na siyang umagaw ng atensiyon ko noong una naming punta dito.

"Yang karatula ba? Hindi ko naman nabalitaan na tinanggal yan eh." Wika ni Chief Montes habang diretso lang ang tingin sa kalsada.

Napanguso na lang ako sa pagtataka. Wala naman dati yan sa puno na yun eh.


"Andito na tayo! Welcome again sa Dead Woods." Pag-aanunsyo ni Chief Montes kaya nang ma-iparada na niya ang sasakyan eh nagsibabaan na kami at tuluyan nang pumasok sa bunganga ng kagubatan.



"Ano bang ginawa niyo dito?" Chief Montes asked us kaya ako na lang ang sumagot, wala ata silang balak magsalita eh


"We came here for our project, a Film making project tapos nag stay kami dito for how many days doon banda!" Wika ko sabay turo ng direksiyon papunta sa campsite namin dati.


"Naalala niyo pa ba kung saan? Pupuntahan natin." Wika ulit ni Chief.


Kaya naman ay pinuntahan namin ang campsite.



Nang makarating kami sa campsite ay nag-imbestiga na sila, nagtanong pa sila kung ano pa ang nangyari sa amin kaya na-ikwento ko na yung tungkol sa nakita naming mga patay na daga at mga dugo sa puno.




Pinuntahan ulit namin ang lugar na yun pero bago pa kami tuluyang makapunta ay bigla na lamang bumagsak si Ash.



"Ash! Ash! Are you okay?" Tanong ko sa kanya at pinipilit na inaalog



"Umuwi na muna kayo, kailangan ng syota mo magpahinga kanina ko pa siya napapansin, ang putla at wala sa sarili. Sige na umuwi na kayo ipapahatid ko na lang kayo kay SPO1 Valdez." Wika ni Chief tapos tinawag pa si SPO1 then sumakay na kami sa sasakyan at tuluyang umalis.


》》》0《《《

ASHER'S P.O.V.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa lalaking nasa tabi ko ngunit hindi siya sumasagot sa halip ay nagpatuloy lang ito sa pag-iyak.


"Kung ano man yan? Ma-susulosyunan yan!" Wika ko sa kanya, pero nagulat ako ng tumingin siya sa akin. Tanging mga namamagang mata lang ang nakikita ko mula sa mukha niya at ang iba ay malabo na.



NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon