CHAPTER 15: SEPARATE

31 5 2
                                    


ASHER'S P.O.V.

Nagising ako nang may marinig na kakaiba.

Dahil sa narinig ay ginising ko na rin sila.

"Hoy! Gising na! Bilisan niyo! Wala ba kayong naririnig?" I shouted to them dahil medyo maingay ang naririnig ko.


Bumangon naman sila at agad na tumingin-tingin sa paligid dahil napansin na rin nila ang kakaibang tunog.


"Sasakyan ba yun? May susundo na ba sa atin?" Irene asked us.


"No! hindi sasakyan yan!" Reuben said.


"Eh ano naman pala yan?" Trisha asked Reuben. "Hindi pa ba kayo? Nakakarinig niyan?" Pagtatanong ni Tyron. "Eh kung alam ba namin magtatanong pa kami?" Pambabara ni Karylle.


"Delikado to!.......... dahil tunog yan ng isang Chainsaw!" Wika ni Reuben.


Napamura naman ang iba sa amin dahil sa nalaman.



Palakas ng palakas ang tunog. Ibig sabihin ay palapit na siya ng palapit.



Bigla naman bumuhos ang ulan. Makulimlim pala ang kalangitan kanina at ngayon ko lang napansin simula pag-gising ko.


Kahit na malakas ang ulan ay naririnig ko pa rin ang tunog ng Chainsaw.



Maya-maya ay may kumorte na mula sa malayo. Kumorte itong tao na may hawak na kung ano.



"Andyan na siya!" Yun na lang ang nasabi ko dahil sa nakikita ngayon.



Mula sa malayo ay nakita na namin siya ng husto.



Ang Itim na Kamatayan na may hawak na Chainsaw.



"Fuck!!!" Malutong na mura ni Lennard.



Susugod na sana si Lennard nang pigilan ito ng syota. "Wag na! Ano ba? Tara na tumakbo na tayo!" Nag-aalalang wika ni Selena.


"Matatalo naman namin yan pag nagsama-sama kami." Nigel said.




"Kahit na! May Chainsaw siya kayo wala!" sambit ni Selena. "Please?" Dagdag pa niya.



Nagulat naman kami nang bigla siyang tumakbo mula sa kinaroroonan niya papunta sa amin.





Napatakbo kami ng wala sa oras. Hindi na namin inintindi ang mga naiwang gamit.



"AKO ANG SUNDO NIYO!" Wika ng baliw.





Dahil sa sobrang taranta ay napatalon na lang kami sa ilog.




May naiwan pang iba dahil hindi pa sila tumatalon.



"Tumalon na kayo! Nandiyan na siya!" Pamimilit ni Cleo


"Hindi ako marunong lumangoy!" Irene said.


"Mamatay ka o mamatay ka?" Lennard asked Irene.



Kaya kahit na nag-aalangan ay tumalon na ito gayundin ang mga naiwan doon.


Dahil sa sobrang lakas ng ulan ay biglang tumaas ang tubig at lumakas din ang daloy.



Hinawakan ko agad si steph sa kamay nang makita ko na parating na ang malakas na pag-ragasa ng tubig.


Sa isang iglap ay inihampas kami ng tubig.

Lahat kami ay natangay.

Nakita ko ang buong pangyayari.....

NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon