CHAPTER 31: TIME LIMIT

14 3 4
                                    




》》》0《《《






ASHER'S P.O.V.




Pinag-stay kami ni Chief sa bahay para daw makapag-isip ng maayos, dapat daw ay hindi padalos-dalos sa mga ginagawa.


"Chief! Nasa panganib yung kaibigan namin! Tapos tayo nandito? Naka-upo?" Singhal ko sa kanila, hindi ko na kasi talaga mapigilan ang sarili ko

"Ash! Listen! Unang-una hindi tayo basta nakaupo dito! Pangalawa Oo nasa panganib siya kaya gusto mo rin sumunod? Pano kung bitag yun? Pano na yang syota mo? Tsaka bakit? Alam mo ba kung nasaan yung Jewel na yun?" Pasigaw na wika niya sa akin habang hinahaplos-haplos pa ang kanyang ulong sobrang kinis at walang buhok


"But Chief! What if may mangyaring masama sa kaniya?" Biglang wika ni Trisha


"Chief! Sorry but hahanapin ko si Jewel kahit saan ko pa siya hanapin okay lang!" Wika ko at saka tumayo, bigla akong napahinto sa paglalakad ng higitin ang braso ko. Pagtingin ko ay si Steph pala ito at halata mo sa mukha niya ang pag-aalala


"Sasama ako!" Wika niya kaya napaharap ako sa kanya


"No! You'll stay here! You'll stay with them!" Wika ko pabalik sa kanya



"No way! Ayokong may mangyaring masama sayo Ash---" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng bigla ko siyang yinakap ko siya at hinawakan ko ang likod ng ulo niya, hinalikan ko siya sa noo bago magsalita


Naramdaman kong pinag-titignan kami ng mga kasama ko, the heck? Anong masama?

"Don't worry! Hindi ako mapapahamak....... I love you" wika ko bago tuluyang umalis


"Ash!? Si Lennard ba talaga ang Itim na Kamatayan?" Out of nowhere na tanong ni Steph kaya natigilan na ako


"What!?" Sabay-sabay nilang wika


"No. Hindi ako naniniwala, dahil kilala ko si Lennard at kilala ko na kung sino ang demonyong 'yon" malamig na wika ko


"Mukhang kailangan niyo ito!?" Wika ni Chief na kakapasok lang



Ipinakita niya sa amin ang isang bracelet na mukhang binibigay ng mga police saa mga tao para kapag pinindot nila ay ma-aalarma agad ang pulis at matutunton sila nito

Kinuha ko na ang akin at tuluyan ng umalis




》》》0《《《



Nagpunta na ako kung saan-saan pero hindi ko parin siya mahanap, ang hirap palang maghanap ng hindi mo lang alam kung nasaan ang hinahanap mo

Tinignan ko ulit ang cellphone ko at live parin siya, nakaka bother na yung video. Yung nakikita mong mamatay na kaibigan mo tapos live pa tapos di mo alam kung saan pa siya!? Nakaka-tarantado lang!

Napatingin ako sa likod ko ng may maramdaman akong gumalaw



"Who the hell are you?" Singhal ko sa likod ko habang binubuksan ko ang flashlight na app sa cellphone ko, pagkabukas ko ay tinutok ko agad ito doon.




"What!? Mukha na ba akong impyerno Ash!?" Kalmado ang mukha niya pero halata mo sa boses niya ang inis




"Steph!? I'm shookt! Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko doon ka lang?" Pasigaw ko sakanya pero di siya natinag, sa halip ay umarte itong humihikab na animo'y hindi siya interesado sa sinasabi ko




NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon