CHAPTER 11: BLOOD

22 4 2
                                    

PAALALA: TIBAY NG LOOB AT SIKMURA ANG KAILANGAN!



MONICA'S P.O.V.


"Saan mo ko dadalhin?" Wika ko.
Nanatili siyang nakatalikod sa akin habang hawak ang paa ko at tuluyan akong kinakaladkad.



"SA IMPYERNO"


"Maawa ka! Pakawalan mo ako!" Kahit anong pag-pupumiglas ko ay wala paring nangyayari mas lalo lang akong na-gagasgasan.


"NANDITO NA TAYO!" Agad ko namang itinaas ang ulo ko upang tignan ang paligid. "Eto na ang tinatawag mong Impyerno? Wala akong ibang nakikita kundi mga puno. Oh! At isa palang demonyong nakahawak sa paa ko!" Sinigawan ko siya, bakit ba?



Tumawa lang siya. "DITO KA LANG MAHIHIRAPAN TAPOS MAGKIKITA TAYO SA IMPYERNO KAPAG NALIGO KA NA SA SARILI MONG DUGO." wika niya habang ibinubulong sa akin.



Hinatak niya ako ng marahas habang nasa lupa parin, kinuha niya ang dala niyang lubid at itinali ako sa puno.




"Hoy! Hindi ako mamatay dito kung itatali mo lang ako at iiwanan lang ako!" Wika ko. "MAGHANTAY KA LANG! BIBIGYAN KITA NG MAGANDANG KAMATAYAN!"



Nagulat ako ng tinakpan niya ng puting tela ang mga mata ko.



"Hoy! Anong gaga---" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng biglang may tumusok sa akin.




"OH BAKIT TUMIGIL KA? WAG KANG MAG-ALALA KARAYOM PA LANG YAN!"


Noong una ay natitiis ko pa ang sakit dahil isang karayom lang naman ngunit unti-unti ko ng nararamdaman ang sakit dahil sunod- sunod na ang pagtusok niya nito.



"NASAAN NA ANG TAPANG MO?" tinanong niya ako. "Hayop ka! Pakawalan mo ko! Mapapatay kita!" Nang-gagalaiti kong sambit.


"WAG KANG MAG-ALALA PAG WALA KA NG DUGO TSAKA KA MAKAA-ALIS DIYAN!"



tinadtad ko siya ng malulutong na mura pero patuloy lang siya sa pagtusok.


"SUNOD NAMAN AY TINIDOR! ETO RIN ANG GINAMIT KO KAY CARLLY!"


"Demony---- Aaah!" Ang pagmumura ko ay napalitan ng sakit dahil itinusok niya ang tinidor sa kaliwang hita ko.


Pabalik-balik ang pagbaon niya ng Tinidor sa aking hita. Halos maputol na rin ang buto ko dahil sa matinding hapding nararamdaman ko.

NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon