CHAPTER 7: HELP ME!

49 5 0
                                    

Parang nawala ang lasing namin, although wine lang yun. Napalabas kami ng Campus.



"Now what's your plan?" Lennard asked me. Ano nga ba? Sumugod dun? Iligtas si Razziel at patayin ang Baliw na lalaki na yun. "Razziel need our help! Baka kung ano pa ang gawin ng baliw na lalaki na yun sakanya." Bigla naman nag salita si steph na nasa tabi ko. "Who's with us?" Steph asked our classmate at agad naman silang nagtaas ng kamay, yeah! Uupakan talaga namin yung baliw na lalaki na yun.




Ginamit namin ang family Van nila Lennard dahil wala naman ang family niya dito at isa pa wala na kaming masasakyan sa ganitong oras at napakadami kaya namin.



Habang nasa kalsada kami ay nakatulog na ang iba, ang lakas din ng aircon sa loob ng van kahit na naka tuxedo ako ngayon ay ramdam na ramdam ko ang lamig. Si Tyron naman ang nag-mamaneho, 18 na kasi siya at may lisensya na siya.


Huminto bigla si Tyron sa pagmamaneho, napasilip naman kami sa labas at natukoy na nandito na kami dahil sa mga nag-tataasang puno.



"Nandito na tayo!" Cleo said but mabilis na nag response si Tyron. "No! Wala pa kaya lang ako huminto ay dahil may kung ano sa gitna ng kalsada.



Agad naman kaming napatingin sa harapan at nagulat kami ng makita ang nakahandusay na patay na aso. Winak-wak ang tiyan nito at halos madurog na ang utak nito na nakalabas din, basag na din ang bungo nito at sa  bahaging tiyan ng kawawang aso ay may isang papel na nakalagay doon.



"Ewwww! Kadiri!!!" Selena got disgusted after she saw the poor dog at the middle of the road. "Ako na lalabas para kuhain ang papel." Wika ni Lennard. "Hoy! Pangit! Mag-iingat ka ha!?" Selena said to lennard. "Syempre naman! Malakas to eh!" Sabi ni Lennard habang hinahampas ang dibdib at tsaka lumabas ng Van.



Agad naman siyang bumalik pag-kakuha niya at agad ibinato sa akin. "Ash! Oh! Catch! Isang mapa yan!" He said. Nandiri naman si Steph na katabi ko ngayon pagkatapos ibato ni Lennard ang mapa dahil may mga dugo pa ito ng patay na aso.



"Bwisit! Kailangan natin puntahan to! Binigay to ni Itim na kamatayan." I said at agad namang nagmaneho si Tyron at iniwasan ang kawawang aso.


......



STEPHANIE'S P.O.V.


Pinagsisihan ko talaga ang nangyayari ngayon! Dahil hindi naman dapat si Razziel ang kukuhain kundi ako. The guy was about to get me but Razziel blocked herself to protect me. Shit!



Kaya sana ay mahanap agad namin si Razziel! Naiiyak na ako sa sobrang pag-aalala. Razziel wait for us! We're Coming!


Si Ash naman nakatulog na sa balikat ko, tss swerte niya! Bihira lang ang may nakakatulog diyan. Ginising ko na si Ash dahil nandito na kami sa tinuturo ng mapa.



"Ash! Wake up! We're here!" I said while poking his nose and cheeks. Agad naman siyang nagising at nag-ayos ng upo.



Nagbihis muna kami ng casual dahil nga gubat ito ay hindi naman pwede ang gown dito masisira't madudumihan lang tsaka naka heels? Sa gubat?



Agad kaming bumaba ng Van at hinanap ang ibang daan para makapunta sa kinaroroonan ni Razziel.



Sama-sama kami at sa sobrang dilim ng paligid ay halos di ko na sila makita, may dala si Ash na isang Flashlight but hindi sapat para malabanan ang kadiliman



May narinig kaming ingay banda sa gilid kaya nagtinginan kami lahat doon.



Buti na lang ay kasama ko sila kasi kung hindi? Ma fi-freak out na ako dito! Imagine you're in a middle of a darkness! Tapos venue niyo pa Gubat? Eh ang daming mga ahas dito eh.



NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon