CHAPTER 14: TRADE OFF

26 5 2
                                    

ASHER'S P.O.V.

Naghanap kami ng ilog sa gubat.





Panay ang lingon namin kung saan-saan makahanap lang ng ilog. Lakad din kami ng lakad. Nakakapagod na.



"May nakita na ba kayong ilog dito dati?" Cleo asked us. "Parang wala naman! Niloloko lang ata tayo ng hayop na yun!?" Wika ni Nigel.



Punyeta nga naman oh! Nakakapagod na!





"Guys! Naririnig niyo ba yun?" Nico said.




Tumahimik ang lahat para malaman ang tinutukoy ni Nico.





"Ilog!" Sabay-sabay naming sambit.





Pagkalipas ng ilang sandali ay nakapunta na kami sa kinaroroonan ng ilog. Napakaganda nito dahil napakalinaw nito.




Subalit napaka-taas pa ng tubig nito at rumaragasa pa ito.




"Guys! Iba yung kulay doon oh! Kulay dugo!" Tyron said. Agad naman kaming napatingin doon.





"Baka nandyan si Ella!" Irene said. "Paano tayo makakapunta diyan?" Karylle asked us.



"Hantayin na lang natin na humina ang pag-ragasa ng ilog." Suhestiyon ni Steph.





......



Maya-maya ay lumubog na ang araw ngunit hindi parin humihina ang agos ng tubig.




"Yung totoo? Hindi naman ata huhupa yan eh?" Inis na sinabi ni Cleo.






"Guys kain muna kayo! Mangga!" Pag-aalok ni Zariah. Ang iba ay kumuha ang iba naman ay hindi.




"Mangga nanaman? Gabi na eh baka sakitan tayo ng tiyan?" Pag-iinarte ni jewel.






"Ang arte! May ganun ba? Alam mo jewel pag gutom walang sakit-sakit yan!" Nigel said




"Sige na maghahanap na lang kami ng ibang makakain." Nico said to us.





Habang nag-hihintay at nagpapahinga, ang iba ay gumawa na ng bonfire, ang iba ay gumawa ng silong mula sa natirang gamit, at ang iba naman ay nag-kukwentuhan.





Habang abala ang lahat ako naman ay nasa isang tabi lang. Malalim ang iniisip.






Sino ba talaga siya?







Bakit parang may na-aalala ako sa salitang 'Itim na Kamatayan'







Paano ba kami makakalabas dito?






"Hoy! Ang lalim nanaman ng iniisip mo! Hindi ko makita yung boxy smile mo!" Steph said na kakarating lang sa pwesto ko.






Umupo siya sa tabi ko para magkapantay at makapag-usap kami ng maayos.




"Sa tingin mo? Yung Baliw na lalaki na yun ay yung naglagay ng kutsilyo sa tent mo?" I asked her.




Tumahimik naman siya saglit at humawak sa kanyang baba kasabay ng pagtingin sa itaas. "Parang? Kasi wala namang ibang magbibigay sa akin nun eh."




"I think it's my fault." I said habang nakayuko. "Fault what?" She asked me. This time ay ini-angat ko na ang ulo ko at tumingin sa kanyang mata. "It's my fault, kasi kung hindi ko kayo dinala dito walang mapapahamak, kung hindi ko kinuha't sinunod ang mapa ay siguro buhay pa ang iba sa atin" mapait na wika ko.





NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon