CHAPTER 9: HAPPY BIRTHDAY

52 6 11
                                    

PAALALA: TIBAY NG LOOB AT SIKMURA ANG KAILANGAN DAHIL ANG MGA SUMUSUNOD NA PANGYAYARI AY HINDI KAAYA-AYA. MGA BATA HUWAG GAYAHIN SA BAHAY!

Bakas sa mga mukha namin ang lungkot, takot at galit. Bakit ba kailangan mangyari ang lahat ng mga ito?

Hindi kami tumigil sa paghahanap kay Carlly kasi hanggang ngayon ay nililibo't namin ang gubat. Kalahati ng lalaki ang naghanap samantalang naiwan si Nigel, Tyron at ang ibang lalaki sa lugar kung saan kami nagpapahinga para bantayan ang iba.

Nakakainis isipin na nautakan kami ng baliw na lalaki na yun. Dinala kami sa malayong parte ng gubat, kaya hindi talaga kami pamilyar sa mga daanan.


"Carlly! Carlly!" Pagtawag ni Reuben sa pangalan ni Carlly. Sigaw kami ng sigaw baka sakaling marinig niya kami. Pero ng mapansin namin na hapon na ay nag-pasya na kaming bumalik sa iba.

"Nahanap niyo si Carlly?" Pagtatanong ng isa sa classmate namin. "Unfortunately, Not" i said. "Kinakabahan ako kasi baka kung anong gawin niya kay Carlly!" Trisha said.


Tinignan ko naman sila isa-isa, hindi talaga maitatago ang Takot sa amin. Si jewel at Zariah ay takot na takot parin. Tsk!


Bigla namang tumayo si Steph. "Guys! Birthday ni Karylle! Nakalimutan niyo na ba?" She said. At lahat ay tumingin kay Karylle saglit......


"HAPPY BIRTHDAAYYYYYY!!!!!!" nagsigawan kami sa gubat, wala namang nakakarinig eh!



Kaso lang makikita mo sa mga mata ni Karylle na malungkot siya. Hindi man lang siya makadaos ng Birthday ngayon kasama ang pamilya niya, pano ba naman nandito kami na trap sa gubat.

Natahimik kami bigla ng makarinig ng tunog.

Matinis lang ang tunog at ang tono ay happy birthday......


Nagulat kaming lahat sa tunog na yun! Kaya ang dating naming posisyong kalat-kalat ay nagsama-sama. Para kaming mga bata na nakanuod ng horror movie.

......

CARLLY'S P.O.V.

Nagising ako dahil tumama sa mga mata ko ang sinag ng araw kaso lang ay nahihilo parin ako. Kagabi kasi ay nagising ako nang pinapatay niya ang mga kaklase ko kaya ng makita niya ako ay agad niyang tinakpan ang bibig ko, kinarga niya ako at ini-untog sa puno ng malakas na ikina-wala ng aking malay.

"GISING KA NA PALA!" nagulat ako nang may magsalita. Ang lalim ng boses niya.

Agad akong napatingin sa kinaroroonan ng boses, nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng lamesa. Nakasuot pa rin siya ng puting maskara.

Ngayon ko lang napansin na nakatali pala ako sa isang upuan. Nagtataka lang ako dahil nasa isang bahay kami, may bahay ba dito sa gubat?

"WAG KA NG MAG-ISIP NG KUNG ANO-ANO! HINDI KA NA RIN MAKAKATAKAS PA NG BUHAY!" Kinabahan ako sa sinabi niya. Ayoko na!!! Gusto ko ng maiyak sa sobrang takot pero hindi ko lang ipinapakita.

"BIRTHDAY NGAYON NI KARYLLE! AT DAHIL BIRTHDAY! IKAW ANG GAGAWIN KONG REGALO!" Wika niya pagkatapos ay humalakhak siya na para bang isang demonyo.

NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon