CHAPTER 30: LEAD

17 3 0
                                    



》》》0《《《



ASHER'S P.O.V.



Kakababa lang namin mula sa sasakyan ni Chief dahil ng mabalitaan namin na may lead na kay Jewel, ay pumunta agad kami sa Police Station


Pagkapasok pa lang namin sa opisina ni Chief ay bumungad na agad sa amin si SPO1 Valdez


"Sir! Nandito na po ang lahat ng nakalap naming information about kay Ms. Berlin" seryosong wika ni SPO1 kasabay ng pag salute kay Chief, kaya nag saludo din ang Hepe atsaka binuksan ang binigay na folder


"Sa mga CCTV footages na nakalap namin ay may nakitang isang lalaking umaaligid sa bahay nila Ash, meron din pong nakitang isang Van na paikot-ikot at padaan-daan sa harap ng bahay nila." Pagpapaliwanag ni SPO1


Tumango-tango naman si Chief bago magsalita. "Okay show the CCTV footage now!"

Agad naman sumunod sa utos si SPO1 at binuksan ang isang laptop sa tabi at saka sinaksak ang USB

Masinsinan naming sinuri ang mga footage na nakuha nila, nakakapagtaka talaga ang lalaki kaya hindi mo maiitatanggi


"Ganyan ba katangkad yung Itim na Kamatayan na yun?" Tanong ni Chief kaya tumango kami ni Steph

"Wait! Chief! Tignan mo yung dadaanan ng van!" Dahil sa sinabi ni Steph ay napatingin kami lahat doon


Napakunot ang noo ko dahil sa napapanuod ko ngayon. Nakakapagtaka iba yung dinaanan niya? Hindi na gubat yung place niya?


"Tara puntahan na natin!" Wika ni SPO1 kaya lumabas kami agad at pinuntahan ang kinaroroonan ni Jewel


Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang Motel, bumaba na kaming lahat para pumasok. Kasama rin namin si Nigel dahil gusto daw niya ng adventure plus motel daw yung pupuntahan kaya game siya.


Pagpasok namin sa Motel ay napakatahimik. Medyo may kaliitan lang ang Motel na ito at mukhang.........walang tao


"Tao po!?" Sigaw lang kami ng sigaw baka sakaling may lumabas na tao

"Bakit ba walang tao dito?" Iritadong wika ni SPO1

"AAAAHHHHHHHHHHHH" napatingin kaming lahat kay Steph ng bigla itong sumigaw kaya pinuntahan ko siya agad at tinignan kung bakit siya sumigaw


Pagkalapit ko ay niyakap ko siya agad at itinapat ang kanyang ulo sa aking dibdib para hindi niya na makita ang mga bangkay na nakahandusay sa hallway

"Anak ng...." halos mapamura si Chief ng makita rin ang mga wala ng buhay na tao

May napansin ako na bahid ng dugo na parang ipinahid kaya sinundan ko iyon

"Steph! Stay here!" Maotoridad kong wika at saka sinundan ang trail of blood na parang pinahid

Dinala ako ng bahid ng dugo sa isang kwarto at napamura na lang ako sa inis dahil wala akong ibang nadatnan kundi isang pirasong sapatos na duguan at tulad ng sapatos ay nagkalat rin ang dugo sa buong kwarto


NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon