CHAPTER 17: HOPELESS

26 4 0
                                    

......

"Ash! Saan ka pupunta?" Tanong ng binata habang sinusundan si Ash.


"Kila Lennard! Bakit sama ka?" Tanong ni Ash sa kaibigan.



"Ash! Hindi mo ba napapansin na ayaw nila sa akin?" Sambit ng binata habang nakayuko.


"Hindi ko naman pansin? Sadyang ganun lang talaga ang trip ng mga yun." Sagot na lang ni  Ash at umalis na.


Pero bago pa makalayo si Ash biglang nagsalita ang binatang kausap niya.


"Ash! Sabi mo tutulungan mo ako! Ash isa sa kanila ang may kasalanan sa pagkamatay ni Dana." Mapait na wika ng binata kaya imbes na makipag-usap muli ay agad na itong umalis, gayundin si Ash.


"Ash! Gising na! Dali na hahanapin na ulit natin sila!" Wika ni Steph habang patuloy akong ginigising.



Nakatulog pala ako kanina habang nagpapahinga. Ilang araw na kami dito sa Impyernong gubat na to!



Halos magasgas na nga ang paa namin kakalakad eh. PUNYETA

"Mukhang malalim iniisip natin ah?" Steph asked me habang nakahawak pa siya sa balikat ko, ngumiti na lang ako bilang tugon.




"Makaka-uwi rin tayo! Tiwala lang!" Wika niya habang tinatapik-tapik na ang balikat ko.



"No! Hindi naman yan yung iniisip ko eh nababaliw lang ako sa mga napapanaginipan ko." Walang emosyon kong wika.


Hindi na natuloy pa ang pag-uusap namin ni Steph ng biglang magsalita si Giovanni



Hanggang ngayon hindi ko pa rin kampante kay Giovanni malay mo kampon ng demonyo rin to.


"Sino kayo?" Tanong niya habang nakahawak sa napulot niyang kahoy.




Bigla naman lumabas sila Tyron na mukhang hingal na hingal. Ano kaya nangyari sa kanila?



"Guys anong nangyari sa inyo? Si Lennard kasama niyo ba?" Tanong ni Selena at bahagyang hinawakan sa balikat si Tyron.




Bigla naman umiling-iling si Tyron at humikbi. Wait! Umiiyak ba siya?




"NO! No! Hindi pwedeng mawala si Lennard! Why?" Mangiyak-ngiyak na wika ni Selena habang nakahawak pa sa kanyang bibig.




"Wa......wala na....na sila!" Nauutal na sambit ni Tyron habang nakasapo ang kanyang mga palad sa mukha niya.



Nagulat naman kami ng biglang lumakas ang pag-iyak ni Selena. "NOOOOOO!!!! LENNARDDDD!!!"



"Bes kalma! Ang O-A niyo! Kasi naman tong si Tyron eh" wika ni Karylle at tsaka pinalo sa balikat si Tyron.



"Hindi namin kasama sila Lennard atsaka ang tinutukoy niya ay si Andrew at Henry" wika ni Razziel.




"Ay joke lang yung iyak ko! Hihihi Nevermind! Shall we walk?" Pagyaya ni Selena na kala mo walang nangyari.





"May napatay nanaman?" Pag-aalala ni Irene.





"Ang itim na kamatayan ba yan?" Bigla namang nagtanong si Giovanni mula sa likuran.



"At........sino siya?" Pagtataka ni Nico habang nakaturo pa kay Giovanni.


"A friend" tipid na sagot ni Zariah kaya napatingin kaming lahat pati rin si Giovanni nagulat.


NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon