CHAPTER 25: TIL THE END

14 4 0
                                    


》》》0《《《



ASHER'S P.O.V


Pumunta ako kaagad sa pintuan para buksan kung sino ang kumakatok pero pagkabukas ko ay wala naman akong nakitang tao sa halip ay madilim na paligid ang nakikita ko, gabi na pala hindi ko namalayan

Isinara ko ang pinto atsaka bumalik sa kanila, tinanong nila ako kung sino yun pero umiling na lang ako bilang sagot.


"Chief! Ano nga pala balita sa Autopsy?" Tanong ni SPO1 kay Chief kaya naman naging seryoso ang mukha nito


"Eto nga rin pala sa isang dahilan kung bakit ako pumunta rito" seryosong wika niya sabay upo sa upuan

"Is there any problem Chief?" Irene asked na nasa tabi nila Steph


"Oo may problema tayo! Yung agwat ng oras ng pagkamatay nila Lorenz at Kevin ay parehas....... namatay sila 19 hours bago natin matagpuan." Wika ni Chief

"Wh.....what? Is it possible?" Karylle said


"Or maybe pinatay na talaga sila before tapos kamakailan lang nag report sa inyo?" Trisha said

"Anong meron sa Nineteen?" Pagtataka ni Tyron


Natigilan kami ng biglang may kumatok ulit sa pinto kaya kahit na naiinis ay tinignan ko parin

pagbukas ko ng pinto ay may nakita akong nakadikit na papel sa pinto, kinuha ko ito atsaka sinarado't ni-lock ang pinto

"Guys! Look!" Wika ko sabay ipinakita ang nakasulat sa papel.



ένδειξη
αβ = 19

ALL OF MY CLUE WAS CONNECTED

-ITIM NA KAMATAYAN.



"Greek" tipid na sagot ni Zariah


Kaya agad namin sinearch ang ibig sabihin nun gamit ang cellphone namin, buti na lang may wifi kami


"Eto ibig sabihin niyan ay éndeixi it means 'i show' or clue? I guess? Tapos eto naman ay Alpha at Beta" wika ni Cleo habang itinuturo ang mga greek characters


"But still i don't get it! I don't know whats the meaning of αβ = 19" wika ni Reuben

"Alpha? Beta? Equals Nineteen? Alpha Beta, Alpha Bet--- wait!" Bulalas ni Steph kaya lahat kami ay napatingin sa kanya

"Alphabet! Yung pang Nineteen na Alphabet!" Wika niya kaya agad na nagbilang ang iba sa amin

NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon