CHAPTER 32: NEVER TURN YOUR BACK

25 3 1
                                    

》》》0《《《




ASHER'S P.O.V.

"Ash! Saan ka pupunta?"

"Kila Lennard! Bakit sama ka?"

"Ash! Hindi mo ba napapansin na ayaw nila sa akin?" Sambit niya habang nakayuko.

"Hindi ko naman pansin? Sadyang ganun lang talaga ang trip ng mga yun." Sagot ko sakanya at umalis na.

"Ash! Sabi mo tutulungan mo ako! Ash isa sa kanila ang may kasalanan sa pagkamatay ni Dana." Galit na wika niya sa akin at tuluyan ng umalis

"Cyrus!" Tawag ko sakanya pero hindi man lang niya ako nilingon

Hindi ko masabi sa kanya na nakita ko kung paano namatay si Dana, na ko-konsensiya ako.

"Ash! Iniisip mo nanaman ba yung tungkol kay Dana? Nakita ko kayo!" Biglang sumulpot si Lennard sa likod ko kaya napahawak ako sa bibig niya

"Shhhhh! Wag kang maingay! Alam mo namang ikaw lang ang nakaka-alam ng tungkol dito diba?" Mahina pero mariin kong wika sakanya

Lumingon-lingon muna siya sa paligid para tignan kung may tao bang makakarinig sa amin. "Asher Benividez! Matagal na yun! Grade 8 na tayo ngayon! At hindi ikaw ang may kasalanan." Mariin na wika niya sa akin

"Kung nailigtas ko sana siya ng mas mabilis sana, san----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ng magsalita siya agad

"Ash! Listen! Nadapa ka nun! Pati nga ikaw na-ospital dahil nabagok ang ulo mo at nawalan ng malay! Buti nga di ka napuruhan!" Utas niya sa akin

"Pero! Kayo ang sinisisi niya!"

"Wala akong magagawa Ash, nagawan namin siya ng di maganda! Na-bully namin siya dati pero ngayon pinagsisihan na namin yun at we're mature enough! Di ko nga alam kung bakit ko nagawa dati yun!" Napabuntong hininga na lang ako sa mga sinasabi niya, di ko na alam gagawin ko.

...

Inimulat ko ang mata ko ng maramdaman ang hapdi sa bandang ulo ko, shit! Hinampas nga pala ako sa ulo!

Nagulat ako ng maramdaman si Steph sa likod ko, tulad ko ay nakatali rin siya sa poste

"Steph! Steph! Wake up!" Mahina ngunit naririnig na sambit ko

Maya-maya pa ay bahagyang gumalaw si Steph kaya alam kong gising na siya

"Thanks God! You're alive!" Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko wala na sakin si Steph

"Ash! Where are we?" She asked me kasabay ng pagtingin niya sa paligid kaya napatingin na rin ako doon, hindi ko rin alam kung nasaan kami. Tanging itim lang ang nakikita ko at isang ilaw sa taas ng pagitan namin ni Steph

"Steph! Wag kang matatakot" I tried to make my voice calm

"Nope! Im not afraid, I'm with you." Wika niya kaya medyo napapangiti ako pero tinatago ko lang, walang panahon para ngumiti ngayon

"Ash! Sino si Itim na Kamatayan?" Biglang wika ni Steph, kaya ilang sandali akong napatigil ng maalala ko muli ang panaginip ko

Hindi pa rin ako nagsasalita dahil masyado na akong pre-occupied.

"Ash! Please! Mamatay na lang ako!? Tapos di ko malalaman?" Paggalit na wika niya sa akin kaya napabuntong hininga muna ako bago mag-salita

"Unang-una! Hindi ka mamamatay at walang mamamatay sa atin! Pangalawa wag kang maingay baka ma-trigger yung baliw na yun at patayin tayo at pangatlo kung interesado ka talaga kung sino siya? Walang iba kundi si Cyrus." Walang emosyong sambit ko

NEVER TURN YOUR BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon