Dalawang buwan na simula nang magsimula ang proyektong kinabibilangan ni Joshua. Apat na beses sa isang linggo ang kanilang taping dahilan para makagaanan nya ng loob ang mga kasama nya sa trabaho. Naging komportable sya sa set dahil na din hindi nalalayo ang mga edad ng mga bida. Nandyan ang palaging tawanan at harutan kaya mas magaan sa bawat isa ang maglabas ng emosyon kapag nagsimula na ang bawat eksena.
"Lalabas kami ni Axel mamaya, sama ka. Axel discover a newly open bar in BGC and he said the place is so cool. You might enjoy it."
Ronnie invited Julia while they are having lunch.
"Really?!, Sure sama ko. But I still have a photoshoot until 10, susunod nalang siguro ako doon"
Julia said while eating her favorite dish made by her mom.
"Its ok. Ganito nalang, I will pick you up sa shoot mo para sabay na tayo pumunta doon"
"Ok lang sayo?"
"Yeah, sure no problem"
"Ok sige. Deal"
Habang masarap ang kwentuhan ng dalawa, isang pares ng mata ang nakatingin sa kanila sa malayo. Hindi nya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Isang pakiramdaman na tila nagpapalungkot sa kanya. Nangagamba sya sa patuloy na pagsibol ng kakaibang emosyon sa bawat araw na dumadating.
"Joshua nakita mo ba yung-"
"HOY Joshua!!"
"Ano ba naman yan Maris kailangan sumigaw?"
Iritang saad ni Joshua sa kanyang kaibigan.
"E kasi naman kanina kapa nakatingin doon"
Patuksong turan ni Maris habang tinuturo ang dalawang taong masayang nagkukwentuhan.
"Bakit ko naman sila titignan? Nagmememorize kaya ako dito kaya kailangan kong tumingin sa malayo para maramdaman ko yung nasa script"
Depensa ni Joshua habang pakunwaring binabasa ang hawak nyang papel.
"Naku naku naku Joshua tigilan mo ko sa acting mong yan, Hoy kilala kita. Hindi eepekto yang mga pa John Lloyd style acting mo sakin. I smell something fishy here"
Isang nakakalokong ngiti ang banat ni Maris.
"Baliw. Naaamoy mo lang yang sarili mo. Panay isda kasi ang kinakain mo tapos ngayon ako pinagbibintangan mong amoy isda"
Tarantang palusot ng binata.
"Hala sige, deny pa more, taguan ng feelings pa more. Ikaw kasi ang hirap sayo puro kalang sulyap. Tapos kapag nandyan parang hindi ka maihi sa upuan mo at panay ang iwas mo. Tapos kapag iba kausap para kang basang sisiw na nakaka awang tignan. Ang hina mo tol tsk tsk"
Pang aalaska ni Maris sa kaibigan.
"WALA AKONG GUSTO KAY JULIA OK."
Yukong pag sisinungaling ni Joshua.
"Huli ka!!!! Oohhhh mmyyyy Gosh! Si Julia pala yun!!!".
Tiling bulalas ni Maris na marinig ang sabi ni Joshua.
"Kala ko si Ronnie talaga trip mo e. Pansin ko kasi iba yung mga titig mo sakanya lately hahaha".
Tawang tawang sabi ni Maris habang hawak ang kanyang tiyan.
"Sige pagsigawan mo pa para marinig ka nila. Doon ka na nga istorbo ka e."
Bulyaw na turan ni Joshua habang nakaamba ang hawak na papel sa kaibigan.
"Sige na nga, babye na Julia ay este Joshua"
Sabay takbo papalayo ni Maris habang tumatawa, takot na baka tamaan ng lumilipad na papel.
"Umayos ka Joshua, hindi mo dapat to nararamdaman. Hindi ka dapat nag seselos kasi wala ka naman karapatan. Hindi ang katulad mo ang magugustuhan nya kaya tumigil kana"
paulit ulit na sermon ni Joshua sa kanyang sarili.