4

1K 14 4
                                    

"Lets invite Maris and Joshua so we can also bond with them".

Julia suggest the idea to Ronnie before their last sequence for the day.

"Yeah sure para madami tayo, I'll ask them later"

Ronnie agreed.

Madaling araw na ng matapos ang shoot. Nagkaroon ng kaunting aberya sa set dahilan para ma delay ang ilang eksena. Gayunpaman ito ay natapos ng maayos.







"Maris, Joshua mamaya may lakad kami, sama kayo. Punta tayo sa bar sa BGC. Maganda doon tsaka bagong bukas palang".

Ronnie invite the two right after the taping.

"Ay pare may pupuntahan kasi ako mamaya, pass muna ko"

Ngiting pagtanggi ni Joshua habang nag aayos ng mga gamit.

"Ay sayang naman, Julia will be glad sana kung nandoon kayo"

Panghihinayang na saad ni Ronnie.

"SASAMA KAMI NI JOSHUA"

Mabilisang pagsalungat ni Maris sa sinabi ni Joshua habang tila nagpapahiwatig ng mensahe sa kaibigan.

"Maris hindi pwede may laka--"

"So ayaw mo sumama? Sige ako nalang pupunta para magchikahan kami ni Julia. Ang dami ko pa namang ikukwento sa kanya."

Isang pilyang ngiti ang mababanaag sa muka ni Maris habang nakatingin kay Joshua na ikina inis naman ng huli.









"Sige Pare sasama na ko"

Pasukong sambit ni Joshua habang nakatitig ng masama kay Maris na ikinatawa naman ng kaibigan.

"Ok alright so I guess kompleto tayo mamaya. I will text you the venue. See you guys"

Masayang paalam ni Ronnie sa dalawa.

"Ano na naman to Maris? Kapag nalaman to ni Julia naku sinasabi ko sayo"

Konsumidong saad ni Joshua sa kaharap pagkaraan ng pag alis ni Ronnie.

"Akong bahala sayo later. You will thank me for this".

Maris winked at Joshua while heading out in the room.

"Maris please kung anuman yang gagawin mo wag nalang. Mapapahiya lang ako e. Tsaka wala naman akong balak sabihin sa kanya".

Pagsusumamong saad ng binata. Kakikitaan sa mga mata nito ang labis na kalungkutan at tensyon.

"Yan ka nanaman e. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Diba parati mong sinasabi sakin na: Kung magmamahal ka, magmahal ka lang. Wag kang aasa na mamahalin ka din nya.".

Pagpapaalala ng dalaga sa kanyang kaibigan. Madalas kasing magbigay ng payo si Joshua kay Maris pagdating sa buhay pag-ibig.

"Iba to Maris, si Julia to e! Wala naman akong kapana panalo sa mga nagkakagusto sakanya. Ni hindi nga ako maka abot sa kalahati ng estado na meron sya. Sino ba naman ako para magustuhan nya?".

Mapait na turan ng binata. Tila mas lalong bumigat ang kalooban ni Joshua.


"AY GRABE SYA KUNG MAGDRAMA OH! Tutulungan lang kita mamaya na makausap sya ng matagal. E Kung anu ano na tumatakbo sa isip mo. Hindi mo pa sya papakasalan mamaya ok?! Kung maka emote naman! Kalurks!!

Tila nalolokang saad ni Maris kay Joshua. Sa tagal ng pagkakakilala ni Maris kay Joshua, ngayon lang nya ito nakita kung paano panghinaan ng loob. Positibo sa buhay at masayahin ang pagkakakilala nya sa kaibigan.

"Kahit na basta wag nala--"

"Ah basta pupunta tayo doon and that's final"

Putol ng dalaga kay Joshua at dirediretsong umalis ng kwarto.




NALOKO NA.

napabuntong hininga na lamang si Joshua sa nangyari.











MAGULO. MAINGAY. MAUSOK.

Yan ang tatlong bagay na napuna ni Joshua habang papasok sa bar na sinabi ni Ronnie. Hindi sya sanay sa ganitong mga lugar. Mas gugustuhin pa nyang manatili sa bahay at manood ng TV. Napilitan lamang syang sumama sa pangambang baka sabihin ni Maris kay Julia ang kanyang lihim.

Naabutan nya si Maris at Axel na nagsisimula ng magkasiyahan. May mga taong pamilyar ang kanyang nakakasalubong at nakakabatian. Agad hinanap ng kanyang mga mata ang isang taong kanina pa nya gustong makita.

"Wala pa sya kaya relax kalang dyan. Kanina lang kayo nagkita na miss mo agad? Iba na yan"

Alaskang bati ni Maris sa kaibigan habang hawak ang isang basong alak.

"Hoy kailan ka pa natuto uminom? Isusumbong kita sa papa mo."

Kunot noong sagot ni Joshua. Hindi nya nakasanayan na makitang umiinom ang kaibigan.

"Hindi pa ko umiinom noh! Kay Axel to. Pinahawak dahil may kukunin daw sa sasakyan. Malamang sa malamang Alak ang iinumin ko, nasa bar kaya tayo! Nakakahiya naman sa bartender kung Calamansi Juice ang i-oorder ko."

"Kahit na, hindi ka sanay sa ganyan mamaya kung mapano ka dyan. Ihahatid kita mamay---"

"Hi guys!!" bating sigaw ng bagong paparating.

Isang tinig na kanina pa nya hinihintay.

Tinig ng isang babae nagpapalakas ng tibok ng puso nya.


Taimtim syang nanalangin at lakas loob na nilingon ang paparating na dalaga.

Green Hearts Where stories live. Discover now