9

922 18 5
                                    

Mabigat ang loob at pakiramdam ni Joshua sa mga nagdaang araw dahil sa patuloy na pag iwas sa kanya ni Julia. Hindi nya lubos maisip ang pinagmulan ng problema. Isa si Julia sa nagbibigay sa kanya ng lakas at inspirasyon para magtrabaho kaya ganoon na lamang ang sakit ng nararamdaman nya sa unti unting pag iwas ng dalaga.

"Oh tahimik ka na naman"

Marahang umupo si Maris sa tabi ni Joshua na kasalukuyang nakatingin kay Julia habang kausap si Ronnie at iba pang kasamahan sa trabaho.

"Hindi pa ba kayo nagkaka ayos?"

Isang iling lamang ang naging tugon ng binata sa kaibigan. Mag iisang linggo na simula ng pag iwas ni Julia sa binata sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

"Baka naman may problema lang sya kaya wala sya sa mood makipag usap"

Pangungumbinsi ni Maris sa kaibigan.

"Pagdating sakin, naaalala nya bigla yung problema nya kaya umiiwas sya?"

Hindi napigilan maglabas ng sama ng loob si Joshua kay Maris sa pangyayari. Bumalik sa kanyang isipan ang naging usapan nila kahapon:

"Julia may problema ba tayo? Napapansin ko kasi parang nilalayuan mo ako."

Kinuha ni Joshua ang pagkakataon na kausapin ang dalaga kahapon habang mag isa ito sa set. Gusto nyang malaman ang problema upang maisa ayos ang lahat.

"Ah wala... wala naman problema, Saan mo naman nakuha yun?"

Sagot ng dalaga na tila hindi makatingin ng diretso sa kaharap.

"Pakiramdam ko kasi iniiwasan mo ako, so iniisip ko baka may mali akong nagawa sayo."

Diretsong nakatingin si Joshua sa mga mata ng dalaga, pilit nyang hinahanap sa mga mata nito ang sagot sa kanyang mga tanong.

"Ano ka ba wala. Kung ano ano iniisip mo."

Alanganing tugon ni Julia sabay tayo sa kanyang kinauupuan.

"Ah Josh, una na ko ah. I think Direk is calling me na"

Tuluyang umalis si Julia at iniwan si Joshua mag isa.




"Malay mo naman may pinagdadaan lang si Juls, magiging ok din sya. Mabait na tao yun at alam mo yun. Kakausapin ka din nyan kaya wag ka ng malungkot please."

Pinapagaan na lamang ni Maris ang bigat na nararamdaman ng kanyang kaibigan. Ayaw niyang nakikita itong malungkot. Nakita nya ang ibang klase ng kasiyahan kay Joshua simula ng maging kaibigan nila si Julia at ayaw nya itong mawala.




















Saktong isang linggo na. Ano bang problema Julia? Please naman oh....

Yan ang mga katanungan ni Joshua sa kanyang isipan. Kasalukuyan silang nasa rehearsal para sa dance production nila sa ASAP. Hanggang ngayon ay wala pa din malinaw sa estado ng pagkakaibigan ng dalawang bida. Pilit nagpapakatatag ang binata at patuloy pa din ang pag suyo nito kay Julia.

"Ronnie, Julia and Joshua kayo na susunod so be ready"

Baling ni Teacher Georcelle sa tatlo at inihahanda ang mga dance steps para sa kanilang production number.

"Tara Julia"

Naglakas loob si Joshua sa huling pagkakataon kausapin ang dalaga. Inilahad nya ang kanyang isang kamay para alalayan ito patungo sa gitna ng studio. Sakto naman na ganun din naging kilos ni Ronnie. Sabay pa silang nagkatinginan, pagkaraan ay tumingin sila sa dalaga at hinihintay ang magiging aksyon nito.

Please isa lang Julia, kapag ayaw mo talaga hindi na ko mangungilit pa.

Pag susumamo ni Joshua sa kanyang isipan habang nakatingin kay Julia. Nakita nya sa mga mata ng dalaga ang pagkagulat sa dalawang kamay na nasa harapan nya. Mabagal ang naging kilos ng dalaga na lalong nagpakaba kay Joshua. Maya maya ay umangat na ang kamay ni Julia, sa hindi inaasahang pagkakataon, ito ay napunta sa palad ni Ronnie.





Parang sinaksak ang puso ni Joshua ng tuluyang hawakan ni Julia ang kamay ni Ronnie. Sumisikip ang kanyang dibdib sa naging pinal na kasagutan ng dalaga. Huminto sandali ang kanyang paghinga. Unti unti nyang isinara ang kanyang palad at huminga ng malalim para pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng luha. Dahan dahan nyang pinunasan ang mga luhang ngayon lamang nya nailabas sa nagdaang mga araw. Isang masakit na katotohanan na ayaw na sya ng kanyang kaibigan.







Isang tahimik at seryosong Joshua ang nakikinig sa instructor habang nagbibigay sa kanila ng dance steps. Blanko ang muka nito at walang mababakas na emosyon. Natapos ang dalawang oras na rehearsal na walang naging imikan sa pagitan ni Julia at Joshua.

"Tol una na ko sa inyo, hahabol pa ko sa taping ng TGL"

Pagpapaalam ni Joshua kay Ronnie at diretsong naglakad palabas at hindi na tinapunan ng tingin ang dalaga.
















Dobleng pagod ang nararamdaman ni Joshua ng umuwi sa kanyang tinutuluyan galing sa taping ng TGL. Idagdag pa ang sakit na nararamdaman nya sa araw na iyon. Alas dose pasado na sya nakauwi at dirediretsong nagtungo sa kanyang kwarto para mahiga. Wala syang ganang kumilos at magpalit ng kanyang damit. Tila namanhid ang buo nyang katawan sa pinagsamang pagod sa trabaho at lungkot na kanyang nararamdaman.
Paulit ulit sa isip nya ang naging eksena kaninang umaga dahilan para mas lalo syang panghinaan. Pinikit nya ng mariin ang kanyang mga mata at taimtim na nanalangin. Pagkaraay unti unti syang nakakaramdam ng antok subalit na udlot ito sa pagtunog ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa hudyat ng pagdating ng isang mensahe.

Ayaw na nyang buksan at tignan pa ang text. Inayos nya ang kanyang pagkakahiga para matulog pero tila may sariling pag iisip ang kanyang kamay at kinuha sa bulsa ng kanyang pantalon ang cellphone. Laking gulat nya na magrehistro ang pangalan ng babaeng nagdudulot ng pighati sa kanyang puso.






"Look Josh, my heart and my mind are at war because of you and this is all your fault! 😡😤"



Tuluyan ng nagising si Joshua at paulit ulit binabasa ang mensahe na pinadala ni Julia.

Green Hearts Where stories live. Discover now